Chapter 13 :)

30 2 0
                                    

Cielo POV

"Oh san ka galing?", tanong ni Cian na ngayo'y nakadapa sa bed niya at nagla-laptop.

"Diyan lang sa garden", sagot ko. Ipinatong ko sa table ang cold coffee na hawak ko.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa baso ng cold coffee'ng dala ko, "Lumabas ka?"

"Hindi", matipid kong sagot.

"E san galing 'yan?"

"Ang alin?". Kinuha ko ulit yung coffee, "Ito?"

"Yup", sagot niya.

"Binigay lang", sabi ko pero parang di niya narinig dahil ibinalik niya sa laptop ang tingin niya.

"Ba't ngayon lang siya nag-online??", tanong niya sa sarili niya. Hinayaan ko lang siya. "Ay, teka. Ano nga ba 'yun? Binigay lang 'yan sayo?", baling niya ulit sakin.

"Yup", sabi ko.

"Sino namang nagbigay niyan sa'yo? Ha? E wala ka namang kakilala dito", sabi niya.

"Hep! Hep!!!!! Meron! Actually may mga fans rin ako dito no!", pagsasalungat ko sa sinabi niya.

"So, ang nagbigay ay 'one of your fans' ganon?", tanong niya.

"Nope. Hindi siya fan"

"Aynako Cielo. Sino ba?", tanong niya.

"Secret", sabi ko. I heard him sigh.

"Okay", sagot niya. "Lika nga rito", sabi niya at sinenyasan akong lumapit.

"What's that?"

"San mo ba gustong pumunta bukas?", tanong niya.

"Hindi ko alam", sagot ko.

"Hin...di...niya...raw...a...lam...", mabagal niyang sabi habang nagta-type sa laptop niya. Inilapit ko naman ang tingin ko sa laptop.

"Uy ano yan?!!", bulyaw ko.

"Chatroom namin", sagot niya. "Ngayon lang nag-OL si Janella at pinapatanong kung san mo raw gustong gumala bukas. Si Dom may naisipan na raw'ng magandang puntahan"

Agad akong kumalma akala ko kasi kung ano na. "A-ah, pinapatanong niya?", tanong ko ulit.

"Yup"

Napakamot ako sa ulo ko. "S-sabihin mo nalang kung san niya g-gusto. Okay lang sakin".

Tinignan ako ni Cian na parang may mali sakin. "Ba't nauutal ka?"

"H-ha? Hindi kaya", mabilis kong sagot.

"Tss", tugon niya. "Okay", sabi niya at nagtype ulit sa laptop niya.

"Anong oras ba tayo aalis bukas?", tanong ko.

"Wait. I'll ask Dom", sagot niya. Maya-maya'y tumunog ang notif sa chatroom nila. Binasa niya iyon nang tahimik tsaka nag-smirk siya.

"Oh ano daw?", tanong ko.

"5AM sharp", sagot niya.

"Sobrang excited naman nila. Haha! Pero okay lang", sabi ko.

Bahagya siyang natawa. "They're not that excited. Sinadya yun para hindi tayo makita. Kung maliwanag na tayong aalis, mahahalatang nakitulog ka dito", paliwanag niya.

Mukhang napahiya ako. "H-hahaha! Ay ganun ba yun?"

"Ay, hindi. Hindi. Hahaha", sagot niya.

Tumihaya ako saglit at tumitig sa kisame. Napa-buntong hininga ako ng malalim. Naalala ko yung nangyari kanina sa Elite Hotel.

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon