Chapter 9 :)

30 3 0
                                    

Janella POV

'waaaaaaaaaaaaaaa!!!'

Oo. Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Hindi na ako kumatok sa pintuan namin at diretso na akong pumasok.

"Oh? Akala ko mamaya ka pa?", tanong ni Trish na nagpaplantsa ng costume niya para bukas. Hindi ako kumibo. Nilapag ko nalang ang box ng cake sa sofa at umupo nang padaos-dos. Tumingala ako sa kisame.

"Oh? Anong nangyari sa'yo? May nangyari ba?", tanong niya.

"E kasi.. *biglang naisip yung nangyari kanina* Waaaaaaaa!!", iyak ko.

"Ano?!"

"May nalaman ako e", sabi ko. "Ano kasi. Kala ko si ano yung kausap ko.. basta yung ano..", di mapakaling dugtong ko.

"Janella", usal niya.

"Ano?", tanong ko.

"May nalaman rin ako kanina. Tatanungin sana kita ngayon kung alam mo.. Ano kasi si.."

"Si Cian ay may kamukha ay este kakambal?", dugtong ko.

"Ay. Alam mo pala ella? Hehe. Akala k-"

"Yun na nga e... hindi ko alam Trish until kanina, nung nakita ko silang dalawa sa cake shop.. Waaaaaaa!!!!", sagot ko sa kanya sabay takip ng throw pillow sa mukha ko.

"O bakit? Anong ikinaiiyak mo? Nagulat rin nga ako kahapon e. Nakita ko silang sumakay sa kotse.. Tumingin pa yung ano.. yung kakambal niya", sabi ni Trish.

"Hindi Trish e! Iba kasing nangyari, ganito kasi yun..". Ikinwento ko sa kanya ang buong detalye kanina and yung nangyari nung isang araw. At ito namang si Trish ay di na paawat sa pagtitili.

"So, hindi yun ang first time nyong pagkikita??!", tanong niya sakin.

"Ganon na nga", tumango ako.

"Kyaaaaaaaaaa! Oh Em! Ellaaaaaa! Nakakakilig!", sabi niya.

"Eh? Anong nakakakilig dun?", biglang sumimangot ang mukha ko.

"Yung 'because you're pretty' niya. Waaaaaa! Sa gwapo ni Cian, ay este sa gwapo nung kakambal niya di kapa kinilig sa lagay na yun? Tapos ano.. yung tinititigan ka habang nakangiti siya. Bihira nalang yung ganon sa lalaki Ella!!!", protesta ni Trish.

"Eh?? E kahihiyan ang naramdaman ko Trish!!!!! Hindi kilig. Kung si Cian yun baka may possibility pa yang sinasabi mo. Yun bang feel na feel ko ang pagpansin sa kanya tapos di pala siya yun?! Epic fail Trish! Parang akala mo, may pag-asa yun pala wala!"

"Ehem? So sinasabi mong gusto mo si Cian?", tanong ni Trish. Lumalaki pa yung butas ng ilong niya.

Hindi agad ako nakaimik. Dahan-dahan ko siyang tinignan, "H-halata ba?".

"Matagal na", sagot niya. "Naku! Ewan ko sa'yo Janella kung may mapapala ka diyan sa one-sided love affair mo. Sige ka. Kamukha rin naman ni Cian yung kakambal niya, mas cool pa nga e. Choosy ka pa? Hahah!".

Nag-pout ako, "Ewan ko. Basta awkward."

"Hay.. ikaw rin. Hehe! Oy, yun bang susuotin mo bukas?", ngumuso siya sa plain black dress na naka-hang sa my bed ko.

"Yep", sagot ko.

"Super niiice! Mahilig ka talaga sa mga simple no?", puri niya.

"Hehehe. Oo nga. Thanks. Si Mama ang pumili niyan. Actually, pareho kami ng taste".

"Wow! Mommy mo?".

"Yup. 'Mama' ko. Hehe. Siya nga ang mag-aayos sakin bukas e. Gusto mo ikaw rin?", alok ko sa kanya.

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon