SUMMARY:
“Shin! Siya pala ang fiancée ko,.” Pagkikilala ng kaibigan na si Melanie.
“Ahh, siya pala?” sagot naman niya habang tinitigan niya ito ng matalim.
“HAHA, oo nga eh, alam mo Shin, sabi pa nga niya saakin eh, pumila siya saiyo, yung nag bli-blind date ka!HAHAA pero… saakin siya napunta eh. Hehehehe” saway niya sa kanya.
Nagtawanan ng malakas ang mga empleyado niya.
Lalong nagalit si Shin, at iniba yung usapan.
“eh ano ngayon kung ayaw niya saakin! Pare-pareho lang kayo jan! ang luswa nyong tingnan!” sabi sa kanyang isipan.
Habang nag lalambing yung dalawa.
“Paano kasi friend, ang maldita mo kasi eh, wala ka kasi sa uso, para ka kasing witch eh..hahaahaha” saway na naman niya.
“Ano ba, huwag kang ganyan.”Awat nung lalaki niya.
“totoo naman eh.”Sabi pa niya.
“I think the meeting is already done, kaya---“tumayo na ito.
“wait!” pinigilan siya ni Melanie, nakaupo agad ito .
“May party tayo di ba bukas ng gabi? Pupunta ka?” tanong niya kay Shin.
“Bakit naman ako pupunta doon?” sarkastikong sagot ni Shin sa kanya.
“ahyy.. okay’, ikaw bahala Shin, tsaka huwag mo nang iisipin yung wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon, baling araw friend, makakahanap ka rin ng taong para sa’yo.” Saway na naman niya.
Nagtawanan ang mga empleyado niya.
Natahimik agad si Shin, at humarap sa kanila.
“hindi na kailangan, may boyfriend ako.” Sabi niya
Nagulat at natahimik sila. Nanlaki ang kanilang mga mata sa narinig.
“weeh??! Hindi nga?!” saway naman ni Melanie.
“Oo nga!May boyfriend ako.” Sabi ulit ni Shin.
“eh kung may boyfriend ka, isama mo siya bukas sa party!” saway naman niya, na parang ayaw talagang maniwala.
Tumingin ang lahat ng ka empleyado niya sa kanya, na parang hinihintay yung ano ang magiging sagot niya.
“Bakit ko naman siya isasama? Hindi nga ako pupunta.”Palusot niya.
“eh, wala ka nga talagang boyfriend!, HAHAHAHA” sabi ni Melanie, nagtawanan ang lahat.
“Oo na!!isasama ko siya bukas!” sagot na rin niya sa kanila.
Natahimik na ulit ang lahat, at tumayo na rin si Shin, palabas ng office.
“Sira ka talaga Melanie! Pahamak ka talaga! Ano na ang gagawin ko?!” sabi sa kanyang sarili. Bumuntong-hininga na ito.
Makakahanap kaya si Shin ng temporary BOYFRIEND? O, makakahanap na rin kaya siya ng totoong BOYFRIEND?
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionA Love story, from being bitter to being a non rancor.