CHAPTER 1

34 0 0
                                        

Ako pala si Lindsay Shin Lim, o “Shin” for short, nagtatrabaho sa malaking kompanya sa lugar na ito. Isa pala akong presidente dito, dahil nga ako lang ang nag iisang anak ng papa ko. Lahat ay nasa akin na, may sarili akong bahay, may sariling kotse, may sariling pera na halos napupuno na ang wallet ko sa mga ATM cards. Hindi sa nagyayabang ako, pero yan talaga ang totoo. Ngunit, ang kulang nalang saakin…ay ang pagkakaroon ng boyfriend. Kung pwede lang sana ay mabibili ko ang pagkakaroon ng boyfriend eh, hindi sana noon pa ay mayroon na ako. At wala namang nakakatiis saakin, dahil sabi nila, WITCH raw ako. Hindi ko sila masisisi kung ganyan talaga ang paningin nila saakin. Paki ko?!

Ito pala ang aking kwento.

“SA OFFICE.”

“Good Morning po Ma’am!” bati ng mga empleyado sa kanya.

Nakasuot ito ng maitim na polo, itim na slacks at nakatali yung buhok na mataas at nakasuot ng maitim na eyeglasses, pati shoes, itim na rin, lahat ay puro itim.

“Anne! Bilisan mo!!! Mag-ayos ka na! nanjan na si Ma’am!!” tarantang sabi ni Jose nga ka empleyado rin ni Shin.

“Oo na!oh, mabango na ba ako?” sabi ni Anne sa kanya.

“Oo, mabango ka naman palagi eh.”

“Bago ‘tong pabango ko… kaya kahit nasa malayo ako, naaamoy ako.” Pagyayabang pa niya kay Jose.

“Ewan ko sa’yo.—ohh!! Nan jan na si Ma’am.” Sabi niya.

Papunta na si Shin sa kanyang office.

“Good Morning Ma’am.” Bati sa kanya ng dalawa.

Huminto ito. At tumingin sa kanila.

“Anne, natapos mo na ba yung ipinagawa ko sa’yo?” seryosong tanong ni Shin sa kanila.

“ahh, opo, tapos na po. Pero—nandoon pa po sa bahay.” Sagot niya.

“Tsk! Kukunin ko yun bukas.” Sabi naman niya.

“opo ma’am.”

Papaalis na sana siya nang may naaamoy siya.

Tumingin na naman ito sa kanila.

“Anong amoy yun?!” tanong niya.

Nagsimula na naman ang pagiging witch niya.

“Ahm… amoy po Ma’am?wala po akong naaamoy na mabaho.” Sabi ni Jose sa kanya,

Nagtawanan silang dalawa.

“Pabango yan?! Kanino yan?!” tanong na naman niya,

Natahimik ang lahat.

“ahm.. Opo, pabango ko nga po, mabango po ba? Oh hayan po oh, ang bango di ba?” pinalapit niya ang kanyang damit at kamay sa kanya upang maamoy yung sinasabi niyang pabango. Ngunit agad naman niya ito inilayo.

“Ang baho!Yan ba ang sinasabi mong pabango? Ang lakas ng baho! Ayoko nyang pabango mo! Kaya itapon mo na yang pabango mo!” galit niyang sabi .

Natahimik na naman sila.

“ikaw kasi eh, ang daldal mo.” Awat ni Jose kay Anne.

Ngunit nagsalita naman ulit ito.

“p-pero, ma’am… kahapon ko lang po ito nabili, saying po kasi—“paawa niyang sabi.

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon