Nakahanda na si Shin para sa blind dating niya mamaya 5pm. Nakasuot ulit siya ng maitim na polo, maitim na slaks at naka tali yung buhok niya. Yung buhok pala niya ay nasa bandang bewang. At higit sa laha, naka eye glasses siya na kulay itim.
"5:05 na. late ng 5 minutes." sabi ni Shin.
Patingin-tingin nalang si Shin habang hinihintay niya yung lalaki.
30 minutes na ang nakalipas, ngunit wala pa rin dumarating. Kaya tumayo na siya.
"Ahm.. Miss Lindsay Shin?"
Napahinto ito nang marinig yung pangalan niya. Nilingon niya iyon, at nakita niya yung lalaki.
O_O
Napaupo siya ulit.
"Sorry, nalate ako. Nasiraan na naman kasi ako ng---"
"Motorsiklo?" napahinto yung lalake.
"ha?"
"ahm.. hula ko lang yun."
"--ah.. oo, tama ka, pero.. kotse hindi motorsiklo."
"Okay. Ahm.. simulan na natin?" taray niyang tanong.
-SHIN'S POV-
"HMM... napaka pormal niya ngayon ah. ang nakalagay ay, isa siyang licensed doctor, at 25 years old. Masipag at Mabait. hmmm.. gwapo naman siya, okay siya. pero parang pamilyar yung mukha niya , parang nakita ko na siya."
"Sorry, nalate ako. Nasiraan na naman kasi ako ng---"
pinutol ko yung sabi niya dahil naalala ko na kung saan ko siya nakita.
"Motorsiklo?" napahinto siya.
"ha?" sabi niya,
Hindi muna niya dapat malaman na kilala ko siya.
"ahm.. hula ko lang yun."
nagsinungaling ako! oopps!
"--ah.. oo, tama ka, pero.. kotse hindi motorsiklo."
aba! nag sinungaling rin siya! Pambihira! siguro, nakakotse na siya, kasi licensed doctor oh. Tama kaya?
"Okay. Ahm.. simulan na natin?" taray kong tanong.
Kailangan kong gawin yung binasa ko kagabi... teka, ano nga yung rule number one?
kinuha ni Shin yung cellphone.
How to act cool infront of the boy.
1. Get his attention, make an eye contact.
"Ahm.. ano ang kumpletong pangalan mo?" tanong ni Shin sa kanya, na titig na titig sa mga mata ng lalaki.
"Ako pala si Darius Enriquez. Isang licensed doctor."
"Ahh, so marami kang nalalaman na mga medicines, like.. ano ang dapat inumin kung mataas yung blood pressure, tama ba?" pa sweet na tanong niya, hindi pa rin niya inalis yung mga mata niya sa lalaki.
Medyo naiilang yung lalaki, kaya uminom ng tubig yung lalaki.
"ah.. oo- t-tama ka. Ikaw si Lindsay di ba?" tanong nang lalaki.
"Oo, Lindsay Shin Lim--" naputol yung pagsalita niya.
"ikaw yung nag mamay ari ng tree J company, at ang sabi nila, witch ka raw. "

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Ficțiune adolescențiA Love story, from being bitter to being a non rancor.