"nakakainis talaga! bruha talaga siya!" --anne
"ano na ba ang problema mo ha? baka marinig ka ni Ma'am!" --Jose
"Wala akong pakialam! Wala pa rin akong makukuha ng yaya para sa kanya! Haaay!"--Anne
"Pagbutihin mo yan Anne, baka matanggal ka sa trabaho mo." --Jose
"haaay! ginagawa ko na oh! teka, kumusta na yung new ad natin?" --Anne
"Napaka sungit talaga ni Ma'am." --Jose
"HAHAHA siguro, badtrip yun, hindi siguro natanggap yung ad niya." ---Anne
"Hindi eh. PANALO nga eh." ---Jose
o_O "t-talaga?" ---Anne
-SHIN'S POV-
"Congrats Ma'am!" sabi ng mga Co-Workers dito saakin, may pa shake hands pa.
"Mabuti naman, natanggap rin yung ad., may pupuntahan pa pala ako."
Pumunta agad ako sa kotse ko. Kailangan kong puntahan yung papa ko.
Masasabi kong galit ako sa papa ko, dahil sa kanya, nawalan ako ng kaligayahan, yung bata pa ako, ang mama ang palaging nagbibigay saakin ng magagandang suot, magagandang accesories, at iba pa. Ngunit lahat ng iyon ay itinapon ni papa, dahil sabi niya, AKO RAW ANG MAGPAPATAKBO SA KOMPANYA, at bawal ang mga ganung bagay para saakin.
Hanggang sa iniwan na ako ng mama ko, nandun na siya sa heaven. Kaya, wala na akong magagawa pa, kundi sundin yung payo ni papa saakin.
medyo may galit pa rin ako sa kanya, hindi ko gusto ang maging ganito, walang kaibigan, at walang BOYFRIEND. (problema ba yun?) pero yan lang talaga ang kulang saakin.
"hayy! anong nangyari? bakit traffic?" reklamo ko.
Pumunta nalang ako sa restaurant, dahil nagugutom ako.
-RESTAURANT-
Pagkatapos ni Shin kumain, pumunta muna siya banyo.
Tiningnan niya yung regalong binigay sa kanya ng kaibigan noon.. isa itong silver na pendant, at madaling mabasag at makikita mong napaka mahal ng presyo nito kahit hindi mo pa itanong.
Naglalakad si Shin habang tinitingnan yung pendant.
-DARIUS POV-
"Saan ka na naman ba pupunta Darius!" sigaw ni mama saakin.
"May pupuntahan lang po akong importante ma." --sabi ko
"Mag-aapply ka na ng trabaho?" tanong niya
"--o-Opo ma." sabi ko sa kanya
"Talaga!! Mabuti naman! kailangan maging doktor ka na sa susunod ng taon! YEHEY!" sigaw ni mama
"a--ah.. hindi po ma..--k-kasi.. iba po ang aaplayin ko..." sabi ko.
Nawala ang tuwa sa mukha ng ina ko.
LAGOT AKO. T_T
"Ano?!!!! Anong sabi mo?~!!!" sigaw niya., papaluin na sana niya ako ng humarang si papa sa kanya.
"Honey! Hayaan nyo na anak mo." sabi ni papa. Tumingin siya saakin.
"Darius, ano ba ang aaplayin mo?" tanong ni papa

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Novela JuvenilA Love story, from being bitter to being a non rancor.