CHAPTER 7

34 0 2
                                        

-DARIUS POV-

Late na ako nakauwi saamin, I'm sure namimiss na ako ni mama at ni papa pati na rin si bro ko dahil hindi sila sanay na late akong umuuwi.

"Andito na ko." Sabi ko .. Tahimik lang sila.

Walang reaksyon.

"M-ma, nandito na 'ko." Ulit kong sabi.

"Oh, Darius! Nandyan ka na pala, ang aga mo naman nakauwi." Sagot ni mama.

"h-ho?" O_O

 

Ano raw? Aga?? Late na nga eh, pasyado 11 na ng gabi.

 

"Busy kami dito kuya! Dahil maraming nag oorder ng pagkain natin." Sabi naman ni bro .

Umupo nalang ako. Akala ko pa naman, namimiss na nila ako. Sobrang saya ko pa naman nang makaalis sa lugar na tinitirhan ng makukulam na yun! Kung hindi lang ako nakautang sa kanya, siguro maganda na yung takbo ng buhay, di sana ako nalate sa pagpasa ng application form k okay sir Tristan. Haaaay!!! Ang OA ng buhay ko!

Hindi, hindi lang ako sanay...

Napahiga ako sa sahig.

Pagkatapos ng ilang minuto, sinara na rin nina Mama yung store.

Pumagitna si papa saakin,

"Darius.. May sasabihin sana kami sa'yo." –si papa

Agad ako napatayo sa pagkahiga.

"Ano yun pa?" ---sabi ko

"Pwede ka bang matulog muna dito sa sofa natin?" sabi ni mama.

"O_O H-ha? Bakit ?" tanong ko sa kanila..

Anong nangyari????

"Kasi Kuya! Gagamitin yung kwarto mo sa girlfriend ko." Sabi ni bro.

"H-ha?!!"

Nalilito pa rin ako...

"Ganito kasi yun, yang kapatid mo! Nagka girlfriend na! at nabuntis nya!" sigaw ni mama kay bro.

"At kailangan ng babae ng matulugan, kasi wala rin yung pamilya." Sabi ni papa.

"Sige na kuya.  Hindi ko naman yun sinasadya ma eh." ---bro

"Ang landi mo kasi!! Aaaahyy! Ewan ko sayo!"—mama

"Hayaan mo na, blessing naman yang bata eh, tsaka, hindi  kaba masaya? May apo na tayo." –papa

"Wala na akong pakielam pa sa apo! Nakaproblema na nga tayo dito, dadagdagan mo pa! ." –mama

Tumingin na siya saakin.

"Darius, --okay lang ba na gamitin muna nang girlfriend nang kapatid mo yung kwarto mo?" –si mama

"---Okay lang ma.." hindi ko natapos yung sagot ko.

"Yes! At tsaka diba kuya, nag apply ka ng scholarship?" tanong ng kapatid ko.

Napapikit ako ... Pataaay! Ano na ang ipapaliwanag ko nito.. hindi ako nakapasa ng application form..

"Aba oo,! Pa'nu, nakapasa ka ba sa scholarship?" tanong ni papa

Lahat sila nakatingin saakin, lalong lalo na si mama.

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon