CHAPTER 6

10 0 0
                                    

SA OFFICE:

-DARIUS POV-

"Nandito po ba si Ma'am Shin?" tanong ko sa mga kliyente nya dito.

Natahimik lang sila nang tanungin ko lang yun.

Tumingin sila sa ibang direksyon. Kaya ako rin, tumingin narin sa direksyong tinitingnan nila.

at dun, nandiyan pala siya. NAKATAYO, NAKAITIM PA RIN, pero nakatalikod siya.

Lumapit ako sa kanya.

"M-Ma'am ?" sabi ko.

Dahan- dahan din siyang lumingon.

"Ikaw pala." sabi niya.

Kinabahan agad ako. Ewan ko kung bakit.. siguro sa awra lang niya. 

Bumuntong-hininga nalang ako, nang sabihin niyang sa office lang niya namin pag-usapan ang tungkol sa utang ko.

--SHIN'S POV--

Nakatayo siya sa harapan ko. Kitang-kita talaga sa mga mata ko na kinakabahan siya. Ngumiti ako ng pang mangkukulam.

"So, nandito ka ngayon, upang bayaran yung utang mo saakin?" tanong ko sa kanya.

"a--Ah, s--sa totoo lang,, nandito lang ako... u-upang sabihin sa'yo na... h-hindi ako makakabayad nang ganung halaga." sagot niya.

Kumunot ang noo ko.!

"So, nandito ka lang upang magmamakaawa saakin?! Pwes! lumayas ka dito! hindi ako madadala sa pagmamakaawa mo!" sigaw ko sa kanya.

Ang hindi ko pa naman gusto ay yung nagmamakaawa lang kapag natatalo! Kung nananalo nga naman, ma balewala lang ako sa paningin.

"A--h-hindi naman ! mababayad ko naman din yun, sa pamamagitan ng... ng .. utusan mo nalang ako.. Kaya kong maglinis sa opisina mo, o gawin mo na akong janitor dito.. o kahit anong gusto mong ipagawa saakin, basta makabayad lang ako sa'yo. At--tsaka, ang aga naman kasi yung palugit mo." sabi niya.

Pumasok agad si Anne at si Jose sa opisina ko. Nagdadala ng kape.

"Ahy ma'am! siya na nga po kaya ang gawin mong katulong sa bahay mo." sabi ni Anne.

Pumikit ako ..dahil parang sasabog na ang ulo ko!

"Oo nga po Ma'am." pagsang-ayon rin ni Jose.

"Ah--Oo! pwede rin akong maging katulong mo! ano, kung gusto mo, ngayon ko na gagawin,?" sabi niya.

Tahimik lang ako.

"Ano kaya? papayag ba ako? sigurado namang madumi yung bahay ko.. wala pa naman ni isang katulong ang umapply."

"Ayoko! gusto ko ng katulong na babae!" sabi ko.

Yumuko nalang si Darius..

"Sa p-prisinto nalang ako pupunta." sabi niya.

O_O

Nagulat ako sa sinabi niya.

Tumalikod na ito.

"T-teka! Oo na! you're hired! kailangan, malinis yung bahay ko at yung ref kailangan mapuno yun ng pagkain." sabi ko.

Humarap ulit ito. At ngumiti ng maigi, na halos mapunta na yung ngiti niya sa taenga niya.

"Oo naman! ako bahala! Maraming salamat!!!" sigaw niya.

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon