SHIN'S POV
Napaaga akong nagising nang dahil sa mga text ni Melanie na puro:
"Shin yung boyfriend mo ha, huwag mong kalimutan na ipapakilala mo saamin yan!"
"Shiiin excited na ako! ano kaya ang suot mo mamaya? hahah!"
"Shiiin ano kaya itsura ng boyfriend mo noh? hahahahaaha"
"iinterview-hin ko talaga yung boyfriend mo bakit ikaw ang napili nya? hahahahaa"
"Uuuuugh!!!!! ang daming text ng babaeng to! Ang aga-aga, walang maggawa." Nilapag ko yung cellphone ko sa kama, at pumunta muna ako sa may salamin.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.
"Pangit ba ako? pangit ba katawan ko?" Naisip ko tuloy yung memories ko nung college pa ako. Umiling iling ako, at bumuntong hininga nalang ako, at naghahanap na ako ng masusuot ko.
DARIUS POV
it's 8:30 AM, napaaga ata paglabas ko ng hotel. Oo, naghotel muna ako pang overnight lang kasi nakakahiya naman kung doon na ako matutulog sa bahay ni Mangku-- ay ni Shin. hahaha
"I-te-text ko kaya sya, hmm."
Phone message:
To: Lindsay Shin
Message: Hiii, papunta na ako jan. Gising ka na ba?
Natagalan ako sa pag send, hindi ko alam kung okay na ba yun yung message ko. Parang na praning na ata ako ah.
Biglang tumunog yung phone.
"uy, nag reply. :D"
Reply: Good morning. Bilisan mo, gutom na ako.
"haha ang formal naman ng babaeng to. :D"
Nag taxi na ako para mabilis akong makapunta doon sa condo unit nya.
SA CONDO.
Pagpasok ko sa bahay nya, nakita ko sya sa may kusina. Parang nag pra-praktis na syang magluto oh, ano ba. Inalam ko nalang, kaya nilapitan ko sya.
"Hi, andito na ako. Anong ginagawa mo? " tanong ko
"Wala, may hinahanap lang ako." aniya
"May hinahanap? nawala ba dito sa kusina?"
"Hay! anu ba, maghahanap ba ako dito sa kusina kung hindi dito nawala yung hinahanap ko?! Huwag ka ngang ano!"
ayan na naman, ang aga-aga masungit na.
"oops, sorry! nagtanong lang naman. Magluluto na kasi ako eh."
"Oh sge, gutom na rin ako. Ba't late ka ha?"
Umupo na ito. At ako naman ang pumalit sa pwesto nya kanina sa kusina. Ini on ko na rin yung gas.
"Late ba? parang ang aga nga eh." pabiro ko.
"Breakfast dapat. ay 7:00AM oh, ano oras na? mag a-alas 9 na."
"Sorry na po. Ayan na oh, nagluluto na ako."
Narinig ko nalang syang bumuntong hininga. Nag iisip ako ng topic para makausap ko lang sya.. hmmm..
"May susuotin ka na mamaya?" tanong nya,
Naunahan nya ako. Lumingon ako.
"Oo, meron na! nabili ko kahapon sa hotel na ino-overnight ko. ikaw? dapat hindi kulay itim ha."

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionA Love story, from being bitter to being a non rancor.