1

49 2 0
                                    

November 11, 2014.Bigla kong naisulat ko sa likod ng notebook ko. Napangiti ako ng maalala ko kung anong meron sa petsang na ito. It was the day that I first met him. Accidentally ko siyang nabangga habang naglalakad ako. Hinahanap ko kasi yung phone ko sa bag ng bigla akong may nakabanggaan. And it was him yung crush ko. Shock pa ako dahil nakita ko siya ng malapitan pero sinungitan niya lang ako at umalis na. Kaya pumunta nalang ako sa testing center para isubmit yung form ko para sa pagkokolehiyo.

Hindi ako nakikinig sa professor namin kahit na accounting itong subject ay tinatamad akong makinig. Isa akong Accountancy student hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong course basta ang alam ko kailangan palagi kaming magkasama ng best friend ko. Hindi ko kasi kaya ng wala siya.

"So basically, Corporation is an artificial being created by the operation of the law, having the right of succession and the powers, attributes and properties expressly authorized by the law or incident to it's existence" explanation ng prof ko. Siguro kahit paano ay kailangan ko ring makinig dahil mahirap ang course na ito. Yung tipong puyatan! Yung kahit magpagulong gulong kana ay pahirapan parin makakuha ng flat 1. Tyaga ang kailangan syempre pati na rin ang kasipagan.

Lunch break na kaya agad kong nilapitan ang best friend ko na si Autumn. "Autumn, tara sa locker please?" Pagsusumamo ko sakanya kasi for sure hindi yan papayag na samahan ako bukod sa medyo malayo ang locker mula dito sa room namin ay gutom na yan. Halos anim na oras kasi yung klase namin.

"Star Light Arguire! Kung kumain muna kaya tayo bago pumunta dun?" Pagsusungit niya sa akin. Dinampot na niya ang bag niya kaya no choice kundi sundan siya.

"Autumn naman eh. Sige na please ilalagay ko lang yung letter ko kay Dash tapos kakain na tayo" pangungulit ko sakanya. Si Dash kasi yung crush ko. Star player siya ng basketball team ng school. For me he is everything. Matalino, masikap, mayaman, gwapo, sporty maliban na nga lang sa masungit siya. Fourth year high school ako nung una ko siyang nakitang maglaro and to admit it dun nagstart yung pagkagusto ko sakanya. Kaya sinundan ko siya dito sa University na pinapasukan niya.

"Fine, kung hindi lang kita best friend ay baka kanina pa kita binalatan ng buhay!" Masungit na sabi ni Aitumn sa akin. Sabi na eh, hindi niya ako kayang tiisin. Haler, Star Light the oh-so-charming star.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakita ko yung isang player ng team. Nakasuot ng jersey mukhang may basketball practice sila ngayon. Nakita niya naman ako kaya ngumuso siya at parang may tinuturo sinundan ko ang tingin niya at nakitang si Dash iyon.

Tinitigan ko siya habang nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung gaano katagal ko na siyang tinititigan ng bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya't nagiwas nalang ako ng tingin at nagmamadaling hinila si Autumn papunta sa mga lockers.

Nilagay ko agad sa locker ni Dash yung sulat ko. Good thing is that halos tabi lang ang locker namin kaya hindi ganun kahirap. Araw-araw since naging college ako naglalagay ako ng letter sa locker niya. 2nd year college na ako ngayon kaya halos dalawang taon na rin since ginagawa ko ito at hinding hindi ako magpapagod basta kapag si Dash hindi talaga ako mapapagod.

Pagdating sa cafeteria ay nakipagbatian muna kami ni Autumn sa mga kakilala namin bago kami umupo. Light meal lang ako ngayon dahil hindi naman ako gutom pero si Autumn ay parang isang taon na hindi lumamon dahil sa dami ng laman ng tray niya nilagay pa nga niya sa akin yung iba eh.

Kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang umingay ang cafeteria pumasok pala ang basketball team. Kaya halos lahat ng babae ay nagfan-girl sa kanilang mga hinahangaan. Isa na ako dun. Nakita kong nakatitig si Dash sa akin. Umiwas ako ng tingin at uminom nalang ng tubig.

"Light, have you seen the news? May concert daw si Ed Sheeran!" Kinikilig na sigaw ni Autumn. Fan na fan kasi siya ni Ed Sheeran. Pati ako ay naging fan na niya simula ng marinig ko yung All of the Stars na kanta niya. Narinig ko kasi si Dash noon na kinakanta yun at nalaman ko rin na fan siya ni Ed Sheeran kaya pati ako ay nahilig na rin sa musika ni Ed.

"Yep. I saw it on facebook kanina. So punta tayo?" Tanong ko sakanya ng nakangiti dahil kahit di ko siya tanungin ay paniguradong papayag yan.

"Of course naman! Nagavail na nga ako ng ticket for two eh. Syempre SVIP!" Napanganga naman ako sa sinabi niya. Like agad agad ang reservation? Grabe talaga.

"Iba ka talaga girl! Si Dash kaya pupunta dun?" tanong ko sabay tingin sa gawi nila Dash. Typical na scene ang naabutan ko may mga kumakausap sakanyang babae pero sinusungitan niya lang naman sila. Naawa ako sakanila dahil nakikita ko yung sarili ko sakanila minus the kausap thing. Hindi ko kasi siya kayang lapitan at kausapin kaya hanggang letter nalang ako.

"Si Dash nanaman? Siguro pupunta yun maka Ed Sheeran yang Star player na yan eh. Alam mo sobra kana ha. Obsession na yan Light. Hindi na yan basta crush lang" naniningkit na mga mata ang sumalubong sa akin. Siguro nga obsession na ito pero mahal ko na yata siya. Sabi kasi nila ang crush ay tumatagal lang ng  months pero sa akin taon na eh kaya posibleng mahal ko na siya. Iyon nga lang imposibleng mahalin o mapansin niya ako.

Halos buong campus ay alam na may gusto ako sakanya. Tuwing may laro siya ay palagi akong nanunuod at nagchicheer. Minsan na nga akong nirecruit sa cheering squad pero tumanggi ako. Hilig ko ang sumayaw pero hindi gaya ng sa cheering na buwis buhay. Tsaka mas gusto kong magisa ako habang nagchicheer kay Dash mas feel ko. Binibigyan ko rin siya ng Gatorade pinapabigay ko yun sa pinsan ni Autumn na varsity rin pero hindi ko pinapasabi na sa akin galing yun dahil baka hindi niya ito tanggapin.

Tuwing may game sila ay naka t-shirt ako na may pangalan ng university namin at sa likod naman ay apelyido ni Dash pati na rin ang number ng jersey niya. It was number 11. Sa dami ng number ay 11 pa ang napili niya sa pagkakaalam ko ay June 15 ang birthday niya kaya malamang hindi niya iyon birth date. Sabi nila 15 daw ang jersey number niya noon pero nung nag second year daw siya ay pinalitan niya ito ng 11. Kung ano man ang rason ay hindi ko alam.

Kada laro nila ay kinukuhan ko siya ng picture gamit ang instax ko kaya pagdating sa bahay ay puno ang kwarto ko ng picture niya na nakasabit sa dingding.

Bago ako matulog ay tinitingnan ko muna yung mga pictures niya. Hayy Dash Monteverde kailan mo kaya ako mapapansin o kakausapin man lang?

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon