2

22 2 0
                                    

Dalawang buwan nalang matatapos na ang 2nd Semester. Ibig sabihin malapit na akong magthird year college. Akalain mo yun at buhay pa ako hanggang ngayon! Kaso si Dash ay paniguradong magiging busy na dahil incoming fourth year na siya ang hirap pa naman ang kursong engineering.

Paalis na ako sa mga lockers ng may nagtawag sa akin. Si Jade pala kaklase ko sa isang subject at kagrupo na rin para sa isang proyekto.

"Light, pwede bang ikaw nalang maginterview sa mga engineering? Nahihiya kasi ako eh. Tsaka ako na yung nakatoka sa pagiinterview sa mga I.T." Pumalakpak bigla ang tenga ko sa narinig ko. Ako talaga magiinterview? Sa pagkakalam ko ay kahit anong year ang pwedeng interviewhin. Excited na tuloy ako maginterview.

"Ah oo pwedeng pwede" sagot ko sakanya ng may malaking ngiti. Ngumiti siya sa akin pabalik pero yung ngiting nakakaloko. Well, halos lahat naman alam na may gusto ako kay Dash. Proud Dash girl here. Ay feeler.

"If I know si Dash Monteverde lang ang iniisip mo!" Sabay hampas niya sa braso ko napangiwi naman ako sa ginawa niya. Feeling close. Charot!

"Sino pa nga ba?" Sagot ko sakanya at sabay kaming tumawa. Ng pababa na kami ng hagdan ay nakasalubong namin ang mga varsity players isa na doon si Dash. Nang napansin ako ng mga players ay biniro nila ako kay Dash. Umirap lang naman siya sa akin kaya yumuko nalang ako dahil sa hiya at hinila si Jade ng mabilis para makababa kami agad. May nasagi pa nga akong lalaki pero hindi ko na tiningnan. Ng medyo malayo na kami ay naririnig ko parin ang halakhakan nila.

"Light, chance mo na yun eh! Hina mo naman friend. " sigaw ni Jade sa akin kaya umirap ako sakanya. Oo chance na yun pero ayaw ko sa maraming tao gusto ko kasi kapag tinanong ko siya kung pwede mainterview ay kaming dalawa lang pero parang malabo yun dahil palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya kahit saan.

"Oo alam ko. Pero nahihiya akong kausapin siya eh. Susungitan lang ako nun." nakanguso kong sagot sakanya. Piling tao lang ang hindi niya sinusungitan at malamang hindi ako kasama dun.

"Sige. Basta yung interview ha. Kahit naman hindi si Dash, eh ikaw lang naman yung mapilit diyan!" Sabi niya sabay lakad palayo dahil tinawag siya ng isang professor. May inuutos yata sakanya.

Lunch na at mag-isa akong kumakain dito sa park ng school. Ayaw kong kumain sa canteen dahil wala naman si Autumn. Nasa Singapore siya dahil may business trip ang kanyang mga magulang at sinama siya para narin magbakasyon. Mga tatlong araw siguro akong ganito palaging mag-isa. Kung bakit ba naman kasi iisa lang ang kaibigan ko. I mean may ibang kaibigan naman ako pero hindi ako ganun kaclose sakanila si Autumn lang talaga ang dahilan kung bakit ko sila nakilala. Autumn is the social butterfly samantalang ako ay hindi.

Three hours pa bago ang klase ko kaya nagbasa muna ako ng isang romance novel. The Statistical Probability of love at first sight ni Jennifer Smith ang binabasa ko. Buti pa siya napadpad lang sa airport ay nakahanap na ng love life samantalang ako napuntahan ko na yata lahat wala parin. Well, maliban kay Dash na nandito pero haler asa naman ako dun.

Umidlip nalang ako dito sa ilalim ng puno kung saan ako nakapwesto para marelax naman ako bago pumasok sa isang madugong subject.

Nagising ako dahil sa isang patak ng tubig na tumulo sa noo ko. Ng nagmulat ako ay nakita kong umaambon at papalakas na ito kaya dali-dali akong tumakbo sa pinakamalapit na buidling para sumilong. Tinignan ko ang oras at nakitang 15 mins pa bago magsimula ang klase kaya pumunta na ako sa room ko. Saktong pagkadating ko ay kadarating lang ng prof namin.

Kukunin ko na sana ang notebook ko ng makitang wala ito sa bag ko. Inisip ko kung saan ko ito naiwan. Ang nasa isip ko lang ay sa park kung saan ako pumwesto kanina. Kung doon ko naiwan ay malamang basa na iyon ng ulan. Sayang naman marami pa naman akong drawing doon na mukha ni Dash at may kasamang poems. Ang tan ga ko talaga!

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon