10 FINAL

26 4 6
                                    

Tama sila. We are too young for this love. Ni hindi pa namin alam kung anong mangyayari kinabukasan. Ang buong akala ko ay kami na hanggang sa huli pero hindi pala. After his proposal everything is fine. Halos wala kaming naging problema ni hindi ko kailan man naisip na maglalaho lahat ng ganun lang.

Tatlong taon ang itinagal ng relationship namin. Sa tatlong iyon ay marami kaming napagdaanang mga problema. We tried to save our relationship kahit na alam naming nasasaktan na namin ang isa't-isa. But whenever I think of him I feel secured. No worries nga kasi. But hell! Everything has changed now. Hindi ko alam kung anong nangyari. It just happened that we broke up... Ang sakit lang talaga mga bes. Hanggang ngayon mahal ko parin siya, siya lang.

After he graduated he got an opportunity in Barcelona. Nag-away kami dahil dun. Ayaw niyang kunin dahil daw maiiwan niya ako. Pero ako itong nagsuggest na kunin niya yun. Ayaw kong dahil sa akin ay masira ang mga pangarap niya. I assured him all the world para lang mawala lahat ng worries niya.

"Are you sure you want me to go there?" he asked me with a sad tone. Of course I want him to be with his dreams. "Yes. I don't want you to be stocked with me. Pangarap mo yan diba? It's here already. We can do a long distance relationship." Paninigurado ko sakanya. Nasasaktan na ako ngayon palang pero pinilit kong itago iyon. Once I let him see the sadness I'm feeling, I know he will back out. He can do that, you know Dash.

Humigpit ang yakap niya sa akin. "Long distance..." alam kong ayaw niya sa long distance relationship dahil masyado na kaming nasanay na palaging magkasama. "Please, Dash.. I will be waiting for you here." Again, I assured him with all my heart.

The first year was doing fine. After I graduated, I have decided to follow him in Barcelona... But mom asked me to stay para ihandle yung company. Si mama na yung humingi ng pabor kaya hindi ko pwedeng tanggihan. Naintidihan ni Dash yun. Dad suffered from a mild stroke kaya kailangan siyang alagaan ni mommy. Si kuya naman ang CEO, ako naman ang COO. Hindi naging madali ang trabahong nakapatong sa aming mga balikat. It needs a lot of time.

Nagiging madalas na rin ang hindi namin pagkakaintindihan. Time. We almost lost our time. Since time zone ang problema namin ay mas lalong naging mahirap yun. Masyadong malaki ang project niya sa Barcelona kaya ako ang palaging nagaadjust para lang makapagusap kami. Dumating pa sa puntong sinugod ako sa hospital because of over fatigue. Of course, I didn't let him know about that. Knowing him..he could give up everything...

I gave him the world but he gave me hell. I tried to understand all! Pero hindi eh. Siya yung unang kumalas. Ang sakit lang dahil engaged na kami tapos ganun iyong nangyari. I didn't know what to do. He said he loves me that he will come back, at kapag bumalik siya ay magpapakasal kami. Pero dumating sa puntong siya na mismo ang nakipaghiwalay dahil aniya ay hindi niya kaya ang LDR. Gusto ko siyang sundan dun. Gusto kong marinig ng harapan na ayaw na niya pero hindi ko magawa dahil umaasa akong babalik siya.

After a year ay nagkaroon ako ng break sa trabaho. I booked a flight going to Barcelona. I want to surprise him. I want him to know that even a year can't change my feelings. Gusto kong malaman niya na kahit itulak niya ako palayo ay babalik parin ako sakanya gaya ng nangyari noong mga bata pa kami...

Like what I said. I want to surprise him. I immediately went to his house. Yes, he got his own house here. Perks of being an engineer. I guess? I was already in front of his gate. Hindi ganoon ka private yung place niya kapag nasa gate ka ay tanaw mo parin ang backyard at garahe. Malaki ang ngiti ko ng sumilip sa butas pero agad din iyong napawi ng makita kong may kasama siyang babae. Hindi lang basta kasama kundi kayakap pa. Sampung minuto ko siguro silang tinitigan habang magkayakap...

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon