Successful yung naging project namin. Well, umani ako ng papuri dahil sa lahat daw ng naglakas loob na interviewhin si Dash ay sa akin lang siya pumayag. Syempre kinilig ang lola niyo. Siguro nakulitan lang yun sa akin at iniisip niyang pag pumayag ako eh titigilan ko na siya. Well, nagkakamali siya. I won't stop seeking for his attention.
"Congrats, Ligh." panay ang congrats nila sa akin habang naglalakad ako papunta sa canteen. Wala kasi si Autumn nag-exam siya sa mga hindi niya napasukang subjects. Ewan ko ba sakanila. Siguro ay dahil finally pinansin na ako ni Dash. Kwinento ko din pala yun kay Autumn. Grabe halos lumabas na siya sa screen ng laptop ko para lang sapakin ako. Kaya nung pagkauwi niya ay halos di siya magtigil kakasalita about doon. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga studyante dahil sa ingay niya.
Marami rin akong naging haters. Napaka landi ko raw kasi. Hays. Hindi ko naman siguro kasalanan yun choice naman ni Dash kung pupunta siya o hindi eh. Hindi ko naman pinilit tao.
"Ate isang coke in can tapos lasagna" sabay abot ko ng bayad sa cashier. Kinuha ko naman agad ang sukli at umalis na para maghanap ng mauupuan kaso wala akong mahanap na bakanteng espasyo.
"Light!" Napatingin ako sa sumigaw, si Vincent pala yung pinsan ni Autumn na varsity. Tinignan ko yung table nila at nakitang kasama niya yung mga varsity players tsaka ilang mga cheerleaders. Lumapit siya sakin at kinuha ang dala kong tray. Sinundan ko naman siya at tinanong kung bakit niya yun kinuha. Hindi niya ako sinagot kaya tumahimik nakang ako. Nilapag niya yung tray ko sa table nila.
"Dito ka nalang kumain. Wala ng vacant space " yun lang ang sinabi niya at pinaupo ako sa tabi ng upuan niya.
As usual, nakuha ko nanaman ang mga mata ng mga tao. Nakakamatay na tingin ang sumalubong sa akin ng nilibot ko ang mata ko. Kung nakakamatay iyon at malamang patay na ako. Kumain nalang ako ng tahimik at hindi ko na inabala pa ang sarili kong makipag-usap sa kanila. Out of place din naman ako sa usapan kaya para saan pa kung sasali ako sa usapan nila diba?
Nahuli kong nakatitig si Dash sa akin. Tinignan ko siya at nagsabi ng "thank you" sinagot nya naman iyon ng welcome. Napansin nila ang paguusap namin kaya puro biro ang abot ko sakanila. Kung hindi pa sila sinaway ni Dash ay hindi talaga sila hihinto. Umalis na rin ako agad dahil may kailangan pa akong gawin para sa investment ko.
Nagulat ako sa biglang sigaw ni Autumn sa tenga ko. Nag space out na pala ako ng hindi ko namamalayan. "Lalim ng iniisip mo, Light!" Yun lang ang sinabi niya at nagsimula ng kumain sa burger na dala niya. "Ahh, wala 'yon. Iniisip ko lang kung paano babalik sa tahimik yung buhay ko." inirapan niya lang ako at kinain yung last bite niya.
"Alam mo, wala silang pake kung ikaw lang yung pinayagan ni Dash na maginterview sakanya. Bakit hindi mo naman siya pinilit ah." On point nga naman siya pero kasi masyado na akong nkakakuha ng attention. Ok lang sana kung attention ni Dash kaso hindi eh. Nagkataon lang yun. Masyadong malabo yung iniisip ko.
PE namin. Nakakainis pa dahil basketball ang sport na lalaruin namin ngayon. Kailangan suot pa yung jersey na medyo maiksi. Kung hindi ko naman isusuot yon ay pagagalitan ako ng prof. Ok kang naman sa akin magsuot ng ganun pero first time ko kasi dito sa school. Awkward akong lumabas ng cr dahil sa suot ko.
"Omg Light! Sexy mo be" "Light, how to be you?" Sigaw ng mga kaklase kong nakakita sa akin. Buti pa sila bagay nila. Ako kaya? Mukha yata akong basura dito sa suot ko.
"Best friend ko yan" malakas na sigaw ni Autumn sa akin. Sabay kami naglakad papunta sa gym. Halos mapaatras ako ng nakita ko ang varsity team na nandoon sa bleachers. Nahihiya na tuloy ako ngayong nakita ko kung paano nila pasadahan ng tingin yung mga babaeng nakasuot ng jersey.
"Autumn, nahihiya ako." mahinang bulong ko sakanya. Siya naman ay todo lakad lang habang hinihila ako nung malapit na kami ay nag huminto ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya.
"Light, ano ba! Kung intimidated ka sakanila. Pwes, para sabihin ko sayo masyado kang maganda at sexy sa suot mo ngayon kaya walang rason para mahiya ka" iyon lang ang sinabi niya at hinila akong muli.
Nakita kong nakatitig ang buong team sa akin. Sumigaw pa si Vincent ng Go Aguire. Kinawayan ko nalang siya at inirapan. Tinawanan niya lang ako.
Nagumpisa na kami sa practicum. Nalaman ko rin na kaya pala sila nandito ay para magdemo kung paano yung gagawin. Lima lang silang nagtuturo sa amin. Si Vincent, Kael, Lee, Marcus at si Dash! Utang na loob. Bakit kasama si Dash mas lalo tuloy akong nahiya. Free throw muna ang pinagawa sa amin. Nashoot lahat ni Autumn yung tatlong free throw. Yung ibang girls ay hindi. Ng ako na ang susunod ay kinabahan ako.
Pumwesto na ako sa line at shinoot yung unang bola. Halos tumalon ako at magsisigaw nang pumasok ito sa ring. Akmang ishoshoot ko na sana yung pangalawang bola ng may biglang nagbato sa akin ng jacket. Tinignan ko kung sino at nakita kong Si Dash pala at nakataas ang kilay sa akin.
"Isuot mo yan sa bewang mo o ako ang magsusuot niyan sayo." gods and goddesses please lang kunin niyo na ako! Hindi ko makeri ang kilig. Pulang pula na ako ngayon panigurado! Sinuot ko naman agad dahil baka totohanin niya yung sinabi niya. Kahit na gustong gusto kong gawin niya iyon sa akin.
Nakititig silang lahat sa akin ngumiti ako ng pilit at tsaka shinoot ang pangalwang bola. Na shoot ko lahat kaya nag high five kami ni Autumn. Natapos ang PE namin at sobrang nakakapagod lalo na nung game na talaga. Sobrang pagod akong tumakbo. Halos may magsabunutan na nga kanina para lang kunin yung bola sa isa't-isa eh.
Pagkarating sa cr ay naligo agad ako. Wala namang malisya dahil puro kami babae dito sa locker room. Nagbihis na ako ng pants at shirt dahil pauwi na rin naman ako niyan ay hindi ko na kailangan pang magsuot mg uniform.
May kumatok sa pinto ng cubicle ko. "Light, tapos na ako. Hintayin nalang kita sa gate ha?" sa boses palang ay alam kong si Autumn na. Kaya sinagot ko nalang siya ng oo at nagmamadaling tinuyo ang buhok ko.
Pagkalabas ko ng locker room ay nakita ko si Dash sa hagdan nakatayo at nasapamulsa. Napansin niya yatang may nakatingin sakanya kaya tumingin siya sa direksyon ko. Agad naman siyang umayos ng tayo at lumapit sa akin.
Kinakabahan ako na kinikilig. Hindi ko maexplain. Butterflies please lang chill lang kayo. Tatanungin ko sana siya kung bakit kaso... Nilagpasan niya ako may tao pala sa likod ko yun siguro yung hinihintay niya. Akala ko ako na. Akala ko lang pala. Naglakad na ako paalis dahil baka isipin niyang assumera ako pero sa tingin ko ay totoo naman. Akala ko kasi ako yung hinihintay niya hindi pala.
BINABASA MO ANG
All of the Stars
Teen FictionLove will always have its own perfect time. Once you fell in love you need to face all the heartaches, the sacrifices and all. Love is unstoppable. Star Light is the kind of girl who will do anything to get Dash's attention. Dash is the famous star...