Isang buwan na rin simula ng last na makita ko Dash. Iniiwasan ko siya sa campus dahil may bali-balitang may girlfriend na siya from Nursing department. Umiiwas ako dahil baka sabihin nila na inaagaw ko siya kahit na hindi naman totoo. Tumigil na rin ako sa pagbibigay sakanya ng letters baka kasi ako pa yung maging dahilan ng pag-aaway nila. Kahit na alam kong marami paring nagbibigaya sakanya nun.
"Girl, confirmed na. Si Dash at Merideth na!" Narinig kong sigaw ng isang freshman sa gilid ko. Nandito ako sa soccer field para magrelax pero dahil sa narinig ko ay mukha hindi na ako makakapagrelax. Rumor palang nasasaktan na ako. Ano pa kaya ngayong nalaman kong totoo na? Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Autumn sa akin. Sinagot ko naman dahil baka importante ito.
"Hello, Autumn?" Pinilit kong pasiyahin yung boses ko. Naiiyak na kasi ako. Pero kahit pilitin kong pasiyahin yung boses ko ay malalaman niya parin na umiiyak na ako.
"Light, I heard about the news. And I know you're not fine. Nasaan ka ngayon?" How can she be so caring? One thing I really love about her is how caring she is. Pag alam niyang down ako palagi siyang gumagawa ng way para sumaya ako. Pero iba ngayon eh. Kahit ano yatang gawin ko hindi ako masiyahan.
"Soccer field " yun lang ang sinabi ko at ibinaba na yung tawag. Pagkatapos nung nagyari sa gym ay narinig ko yung balitang nililigawan niya si Merideth Bustamante. Si Merideth pala yung hinihintay niya noon. Noong nagassume ako na ako yung lalapitan niya. Natatawa ako na naiiyak habang inaalala yun. How can I be so obsessed with the man who can't even love me back? Pero nung binigyan niya ako ng jacket ay halos kumbinsihin ko na yung sarili ko na may feelings siya sa akin. Bakit niya ipapakitang may care siya sa akin kung alam niyang aasa lang ako lalo? Mga lalaki talaga paasa.
May yumakap sa akin galing sa likod. Amoy palang ay alam ko kung sino. It was Autumn. Siya lang kasi ang kakilala ko na may ganoong amoy. Hinila niya ako kaya sumunod nalang ako. Tahimik lang kami habang naglalakad. Hinihiling ko na sana huwag na niyang ibring up yung topic dahil baka magbreak down lang ako dito.
Pagkapasok namin sa kotse ni Vincent ay inabutan niya agad ako ng isang box na tissue. "You can cry now" as if in cue at umiyak ako agad dito sa back seat.
Isang oras nila akong hinayaan umiyak hanggang sa kumalma na ako. Namumugto na yung mata ko. Wala ni isang nagsalita sa amin. Masyadong mataas ang tensyon dito sa loob ng sasakyan. Pero si Vincent ang unang pumutol ng katahimikan.
"Li, tahan na. Hindi niya deserve yang mga luha mo." dahil sa sinabi niyang yun ay napaiyak ako ulit. Alam kong sa pagkabasag ng katahimikan ay maguumpisa ng magsalita si Autumn. Kaya niready ko na ang tenga ko.
"Light! Enough for that. Masyado kanang nagpapakatanga. Please lang, hayaan mo naman yung sarili mong sumaya. Hindi lang si Dash yung lalaki dito sa mundo. Andito si Vincent." Sa sinabi niyang iyon ay mas lalong lumala yung tensyon sa sasakyan. Oo, tama siya andyan si Vincent para sa akin. Alam ko rin naman na may gusto siya sa akin pero hindi kami pareho. At kahit na ganoon ay hindi niya kailan man ipinilit ang sarili niya sa akin.
Hindi parin tumigil si A dumada at magsermon sa akin. Isang oras din silang nagtatalo ni Vincent. Kesyo bakit di daw sinabi ni Vincent yung tungkol dun. At hindi ako winarningan.
"I-im sorry. It's my fault. Wala akong karapatan pero nagpapaapekto parin ako." yun lang ang tanging nasabi ko. I asked them to take me home already. I feel so drained. I never had a boyfriend and this feeling made me think not to fall in love. Hindi ko pa siya boyfriend pero kung masaktan ako wagas. Ano pa kaya kung boyfriend ko na, hindi ba?
Sumunod sila sa akin dito sa kwarto. Pagkapasok nila ay dumiretso si A sa kama ko at humiga samantalang si Vincent naman ay natulala pa sa loob. Nakatitig siya sa wall kung saan nakasabi yung mga stolen ni Dash.
"See, I told you! Kahit saan siya pumunta ay may bakas ni Dash!" naiinis na sabi ni A kay Vincent. Tama nga naman siya halos lahat kasi ay may memories ako with Dash. Nakakaloka lang talaga.
Tinititigan ako ni Vincent ng makaupo siya sa sofa. "Li, pwede bang ako nalang?" diretsong sabi niya sa akin. Uminit ang pisngi ko dahil dun. Hindi pwede ayaw ko siyang maging rebound dahil sa wasak kong buhay pag-ibig. Ni hindi man lang siya nahiya na narinig yun ni Autumn.
Tumawa si Autumn ng marealizes niyang sobrang awkward na sa kwarto ko. "Cous, you shouldn't be a rebound. You see, she's still broken. If she will love again she should be whole. Her heart should be whole. Kasi paano siya magmamahal kung wasak ang puso niya?" Sabi niya sabay upo sa kama at niyakap yung unan ko.
"Tama si A, Vincent. Hindi iyon pwede." seryosong sabi ko sakanya. Nakita kong malungkot yung mata niya pero agad ding napalitan ng ngiti. "I know, I just tried. Please, move-on kana Li. Gusto mo mcdo tayo?" Sabay sabay kaming tumawa dahil sa huling sinabi niya. Benta yung joke niya.
Siguro kung wala sila ay nagpaka broken na talaga ako at nagmukmok dito sa kwarto. Luckily I have this two weirdos with me. Isama mo na rin yung dalawang alaskador. Si Kael at Marcus.
Dumating ang Monday at halos ayaw ko pang pumasok. Two months na since ma broken ako kay Dash. I admit na hindi parin ako nakakamove-on. Hindi pa ako ready na makita siyang kasama si Merideth.
The whole summer vacation was not fine. I spent my time stalking him on facebook and instagram and even in his twitter. Nakita kong may relationship status sila ni Merideth sa facebook. Umulan naman ng congratulations sa comments. Pati na rin sa kanyang twitter. May pinost pa si Merideth na picture nila. Naka akbay si Dash sakanya habang siya ay nakayakap sa bewang nito. Ang sweet. Shet sarap pumasok sa screen ng laptop at paghiwalayin sila.
Pagkapasok ko sa room ay natahimik agad sila. Sinalubong ako ni Autumn ng yakap. Bumulong siya sakin na hayaan ko nalang daw sila. Ganun ang ginawa ko. Hinayaan ko lang sila hanggang sa magsawa na sila. In the first place, wala naman akong ginawang masama sakanila.
Hindi kami naglunch sa school. Imbes ay pumunta kami sa KFC para duon kumain. Nagyaya kasi si Vincent sabi niya ay libre raw niya. Isinama niya rin sina Kael at Marcus. Nagkwentuhan kaming lima habang kumakain. Tawa ako ng tawa sa mga jokes ni Kael muntik pa akong mabulunan dahil dun. Napaubo ako kaya agad ako inibutan ni V ng tubig.
"You ok?" Tanong niya sabay hagod sa likod ko. Awkward akong tumango sakanya at bumalik sa pagkain. Hindi na tuloy nagjoke si Kael dahil daw baka mabulunan ako ulit. Tahimik namang naguusap si Marcus at Autumn about sa paborito nilang tv series.
Naagaw ng atensyon naming lima ng makita si Merideth. May kasama siyang lalaki na hindi namin kilala. Hindi rin naman si Dash yun. Masyado itong malayo sa katawan ni Dash.
Halos lumuwa ang mata at malaglag ang panga namin ng makitang ito yung team captain ng kabilang university. Nagulat si Merideth ng makita kami. Umiwas agad siya ng tingin sa amin at nagmamadaling lumabas. How come we didn't notice her here? Does Dash knows about it?
"Si Apollo yun diba? Yung team captain ng SPU?" Naguguluhang tanong ni A kay Vincent. Tumingin din siya kay Kael at Marcus na mukhang malalim ang iniisip.
Nagkatitiginan kaming lahat at parang iisa ang aming mga utak. Tila halos di masink in sa utak ko kung ano mang conclusion ang nasa utak namin.
"May she's cheating with your Prince Charming " pambabasag ni Autumn sa katahimikan. Sumang ayon rin naman yung dalawa maliban kay Vincent na malalim parin ang iniisip.
Tumikhim siya kaya napatingin kami sakanya. "If she's cheating with him? Why would she go here kung saan malapit sa univ natin at alam niyang may makakakita sakanya?" yun rin ang iniisip ko kanina. Bakit dito pa? Or else baka gusto niya ngang malaman ni Dash na niloloko niya lang ito.
If she's really cheating with Dash the I need to prove it. Kailangan may kasiguraduhan bago ko sabihin sakanya iyon. No, I won't let any girl hurt him. Martyr pakinggan pero siya lang talaga ang mahal ko. Hindi ko hahayaang masaktan siya. Hinding-hindi. Kailangan ko lang patunayan na niloloko nga niya si Dash. At kapag yun napatunayan ko malalagot sa akin yang bruhang 'yan. Hindi porket busy na si Dash sa acads ay pwede na niya itong lokohin.
BINABASA MO ANG
All of the Stars
Teen FictionLove will always have its own perfect time. Once you fell in love you need to face all the heartaches, the sacrifices and all. Love is unstoppable. Star Light is the kind of girl who will do anything to get Dash's attention. Dash is the famous star...