Sabado ngayon at may basketball practice daw ang varsity sa court malapit dito sa village namin. Niyaya akong manuod ni Vincent. Ayos na kami ni Vince nagkausap na kami at sinabi niyang naiintindihan niya naman at wala siyang magagawa dahil kahit kailan hindi matuturuan ang puso. At kung pwede lang daw turuan ay matagal na niyang ginawa sa akin.
Umupo kami ni Autumn sa bleechers malapit kung saan nakalapag ang mga bag nila. Nagdala rin ako ng Gatorade. Para kay Dash at Vincent. Paniguradong mapapagod sila sa practice game ngayon eh.
Bago magshoot si V ah kumaway siya sa akin. Napatingin din ang ilang varsity players sa banda namin. Si Marcus ay agad lumapit kay Autumn. Hmm, ano kayang meron sa dalawang 'to? They seem to be so closed these past months.
Lumapit rin si Vince sa akin. Kinuha ang dalawang Gatorade. Inagaw ko naman agad yung isa kaya napatingin siya sa akin.
"Uhh.. Kay Dash kasi yung isa, Vincent." Nahihiyang sabi ko sakanya. Oo nga pala. Isang buwan na rin ang nakalipas since yung break-up nila ni Merideth. Isang buwan na rin simula nung umpisahan ko ulit maglagay ng letters sa locker niya. Hindi ko na ipinaalam sakanila dahil paniguradong magagalit sila sa akin.
Ngumiti siya at kinuha yung Gato sa akin. "I know, ilalagay ko na sana sa bag niya." sabi niya sabay ngiti..more on pilit na ngiti. Alam ko up until now ay nasasaktan ko siya. And I'm so sorry for him. I tried to divert my feelings to him but I failed. I always fail.
"Ok, ready na team! Balik na dito sa court. Mamaya na 'yang quality time niyo." Sigaw ng coach nila. Tumingin siya sa akin ng may nakakalokong ngiti. Nakita ni V yun kaya napailing nalang siya habang natatawa. Ang alam kasi ni coach ay may something sa amin. Madalas kong tumatanggi pero ayaw niyang maniwala.
Marami rin ang nanunuod ngayon. Karamihan ay babae. Sabay sabay kaming sumisigaw kapag may nakakashoot. Hinati ang team sa dalawa. Si Dash and Vincent ang captain ng dalawang grupo. Hindi ko tuloy alam kung sino ang sisigawan ko kaya pareho nalang. Minsan kasi ang hirap mamili sa dalawa kahit na sabihin mong isa lang. Mahirap mamili sa dalawang importanteng tao sa buhay mo lalo na kung ang kapalit ay ang pag-iwas ng isang tao sayo. Sa puntong ito malamang ay alam niyo na kung sino ang pipiliin ko. Kahit na alam kong malabong pansinin niya ako ay siya parin.
Last ten seconds na. Nangunguna ang team nila Vincent. 27-25 ang score. Pinasa ni Kael ang bola kay Dash. Eight seconds nalang at kinakabahan ako sa mangyayari. Gusto kong manalo si Dash at ganun din kay Vincent. Hindi ko tuloy alam kung sino ang susuportahan ko!
"Hayyy.. Mukhang may mag-aaway." wow sa wakas! Nafeel kong may kasama pala ako dito. Madramang sabi ni Autumn sabay hikab. Tumingin ako sa court ngunit wala naman akong napansin na gulo.
Lumingin ako sakanya. "Anong away? Tahimik kaya sa court oh." Ngumiti siya sa sinabi ko at nagkibit balikat sabay laro ulit sa kanyang phone.
Five seconds nalang. Hindi makashoot si Dash dahil nakabantay si Vincent sakanya at mukhang nag-uusap pa sila. Kalalaking tao nagchichismisan. Duh naglalaro kaya sila. Tumayo ako para makitang mabuti. "Go Dash!! Aim for three points!" Malakas na sigaw ko kaya halos lahat ay napatingin sa akin maging ang mga naglalaro.
Napatingin si Vincent sa akin at mukhang galit. Hindi ko alam kung anong nangyari. Masyadong mabilis. Tinulak niya si Dash. Napatayo kaming dalawa ni Autumn. Pupunta sana ako para awatin sila pero pinigilan ako ni A.
"No, Li. Dito ka lang. Let them fight. Hindi sila magkakaayos kung papatigilin mo sila. Hayaan mo silang ilabas lahat ng galit nila." Tiningnan ko siya ng nagtataka. Ngumiti lang siya sa akin at tumingin sa dalawang nagsusuntukan na pala! Sinubukan kong kalasin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit.
BINABASA MO ANG
All of the Stars
Teen FictionLove will always have its own perfect time. Once you fell in love you need to face all the heartaches, the sacrifices and all. Love is unstoppable. Star Light is the kind of girl who will do anything to get Dash's attention. Dash is the famous star...