5

14 1 2
                                    

Dahil sa nalaman ko. Mali. Dahil sa konklusyon namin na posibleng niloloko ni Merideth si Dash ay naisipan kong sundan siya. Hindi matahimik ang utak ko sa pag-iisip ng tungkol dun.

Alas singko na. Tapos na ang klase ko para sa araw na ito pero hindi parin ako umuuwi dahil sa hinihintay ko si Merideth. Natanaw ko na siya di kalayuan dito sa gate kaya nagtago ako dito sa poste sapat na para takpan ako. Nakita ko siyang nakangiti palabas at luminga-linga pa siya sa paligid kaya nagtago ako ng magawi ang tingin niya sa pwesto ko. Nagkibit balikat siya at naglakad na papunta sa parking lot.

Sinundan ko siya ng tahimik. Nagsuot pa ako ng aviators para lang hindi mamukahan. Naglagay din ako ng pekeng nunal sa upper left side ng lips ko. Nakita kong naglalakad siya papunta sa isang di pamilyar na kotse. Hindi ito yung kotse ni Dash sa pagkakaalam ko ay itim ang kotse nya pero ang kotse na nakikita ko ngayon ay pula.

May lumabas na lalaki. Itinaas ko ng bahagya ang aking aviators para matingnan ng maayos kung sino siya. Laglag ang panga ko ng makitang si Apollo iyon. Anong ginagawa niya rito? Bakit niya sinusundo si Merideth? Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan iyon ng video. Nalaki ang mata ko ng nakitang naghalikan sila. Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil don. Nang pumasok sila sa kotse at umalis ay pinatay ko na rin ang video. Saglit pa akong natulala sa pinanggalingan nila.

"I have always known." Nagulat ako sa nagsalita salikod ko. Kinabahan agad ako kaya nagmamadaling itinago ko ang cellphone sa bag. Hinarap ko kung sino man ang nagsalita at halos maubusan ako ng dugo ng makitang si Dash iyon. Nakatitig siya kung saan nakapark ang kotse ni Apollo kanina.

Ngpakawala ako ng malalim na hiningan bago nagsalita. "Are you ok?" tang@ ka talaga Light. Malamang hindi ayos yan. Sino ba naman ang magiging maayos kung makita mo ang girlfriend mong may kahalikang iba? Abnormal ka talaga.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot. "Matagal na nilang sinasabi sa akin. She's cheating to me for about a month now. At first hindi ko pinansin kasi may tiwala ako sakanya. Until what I saw today. I realized na tama sila. She's not worth my love. Someone is more worth of it." nakatingin lang ako sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Yumuko ako. Hindi ko na matagalan yung sakit sa mata niya. Napaka visible ng sakit. At nagsasaktan ako dahil nakikita ko yung taong mahal ko na nasasaktan para sa mahal niya.

"We saw them yesterday sa KFC. Lunch time." nakayukong sabi ko sakanya. Napansin kong naiyukom niya ang kanyang kamay. Tila gusto niyang manuntok.

May narinig akong ingay na paparating. Aalis na sana ako pero huli na. Nakita kong sila Vincent, Kael, Autumn at Marcus iyon. Nagulat sila ng makitang magkasama kami ni Dash. Nagpapalit-palit ang tingin nila sa aming dalawa hanggang si Dash na ang nagsalita.

"I saw her with Apollo." yun lang ang sinabi niya bago umalis. Hahabulin ko sana siya pero hinawakan ni Vincent  at Autumn ang magkabilang braso ko. Mahigpit ang hawak ni Vincent sa braso ko kaya halos dumaing ako sa sakit. Ng mapansin niyang nasasaktan ako ay agad niya itong binitawan.

Naglakad siya papunta sa kanyang sasakyan. "Let's go" malamig na sabi niya bago tuluyang pumasok sa kotse. Tinignan ako ni Autumn gamit ang malungkot na mata.

Sabay kaming pumasok sa kotse. "Li, what are you two doing there?" Tanong niya agad ng pagkapasok namin sa sasakyan. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin kong sinundan ko si Merideth o sabihing nagkataon lang na nandun ako para hintayin ang pagdating nila. But I can't lie to Autumn she knows me well so I chose to tell her the truth.

"I was following Merideth. I want to have some proofs kung totoo ngang niloloko niya si Dash. So I followed her. They even kissed! Nagulat nalang ako na nasa likod ko pala si Dash. Nakakawa siya kanina halatang sobrang nasasaktan siya." halos tumulo na yung luha ko dahil sa sinabi ko. Tumingala ako para hindi ako tuluyang maiyak pero umiyak parin ako. Tahimik naman silang dalawa sa loob.

Nagulat ako ng hinampas ni V ang steering wheel. "Bakit, Li? If ever man na hindi pa niya nakita. Kapag ba sinabi mo yan kay Dash tingin mo maniniwala siya sayo? Hindi! Kasi masyado niyang mahal si Merideth. Pero putang*** hindi mo kailangan magpakatanga! Hindi lang si Dash yung lalaki. Pero wala nga naman akong magagawa diba? Mahal mo siya eh. Sino ba naman kasi ako para sayo." Tumawa siya sa huling sinabi niya. Tawang may halong sakit at galit. Bumuhos ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. Inabutan lang ako ni A ng tissue ng hindi nagsasalita.

Pinaandar ni Vincent ang sasakyan. Ang bilis ng patakbo niya halos maiwan ang kaluluwa ko. Galit siya akin. Alam ko iyon. Dahil sa netong mga nakaraang buwan ay halos palagi ko siyang kasama. Hindi rin naman lingid  na may gusto siya sa akin. Inaamin niya iyon kahit na sa harap pa ng mga kaibigan ko o kahit kanino. Pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sakanya. Napakasama kong tao.

Pagkahatid niya ay bumaba agad ako at dumiresto sa gate. Pumasok ako ng walang lingon. Ayaw kong makita siyang nasasaktan. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sinasaktan ko iyong taong wala namang ginawang masama sa akin.

Pagkatapos may dinner ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Pagkahiga ko sa kama ay biglang tumunog ang cellphone ko. Naalala ko yungvideo na kinuhanan ko kanian. Wala na pLang silbi iyon dahil nakita na ni Dash ng personal. Sinagot ko ang tawag ni Autumn.

"Light, galit si Vincent. I'm sorry. You shouldn't have done that. Akala namin wala kanang feelings kay Dash. Pero nagkamali pala kami." siguro nga akala nila ay wala na. Kapag andyan sila ay hindi ko binabanggit siya binabanggit pero kapag mag-isa naman ay halos si Dash nalang ang nasa isip ko.

Tahimik ang kabilang linya. Alam kong hinihintay niya lang akong magsalita.

"Autumn, pinilit ko naman kalimutan eh. But I failed. I can't forget him. Siguro ganun ko siya kamahal na kahit anong desperate move ay gagawin ko na. I'm sorry for hurting your cousin. I didn't meant to. " humihikbi na ako ay nahihirapan na rin akong huminga. "I tried to divert my attention to Vincent. Pero hanggang pagkakaibigan lang talaga eh. Kasi kahit aning gawin ko it will always be Dash. " may narinig akong nagmura sa kabilang linya boses palang ay alam kong si Vincent na iyon. May narinig rin akong nabasag na bote.

Buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. "I understand, Li. Stop crying. I'll talk to you tomorrow, again. Aasikasuhin ko lang si Vince, " pinutol na niya agad ang linya.

Tulala ako habang nag-iisip kung anong nangyayari ngayon sa bahay ng mga Sison. Kung naglalasing si Vincent ay malamang marami nanamang basag na kagamitan sa kanilang bahay. Nakita ko na siyang nagalit noon, naglasing at kung ano anong pinagbabasag sa bahay nila. Halos himatayin ang mama ni Autumn dahil sa nangyari kung hindi pa siya napigilan ay siguro mas grabe ang nangyari sa bahay.

Nagtatalo ang utak ko kung anong gagawin ko. Dadamayan si Dash o magstay kay Vincent? Hindi ko alam naguguluhan ako pareho silang importante sa buhay ko. Hindi ko kayang igive-up ang isa sakanila. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ako hanggang sa makatulog ako.

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon