7

18 1 1
                                    

Ginamot ko yung sugat ni Dash sa mukha. Luckily, hindi naman ganun kalala kaya konting kembot lang ng yelo ay ayos na. Hinatid niya rin ako dito sa bahay. Aniya ay huwag na akong magtaka kung bakit alam niya dahil palagi daw niya akong sinunsundan noon. Inamin niya rin niya the feeling is mutual talaga! Oo mga besh, super kinikilig ako ngayon dahil sa nangyayari. Hindi ko nga lang natanong kung kailan niya ako nagustuhan.

Sa sobrang pagka overwhelmed ko sa nangyari ay tinawagan ko si Autumn para ikwento 'yung nangyari sa amin. Sinagot naman niya aniya ay sa skype daw kami mag-usap. Kaya tinawagan ko siya gamit ang skype ko.

Kinumusta ko si Vincent at base sa ekspresyon niya ay hindi ito maayos. Malungkot ko siyang tiningnan sa screen. "Im sorry, A. I didn't meant to." Naiiyak na sabi ko sakanya. Sinabi niya kasing naglalasing si Vincent ngayon. Aniya ay ayaw raw nitong lumabas sa kwarto niya.

"It's fine, Light. He'll be ok soon. Nasasaktan lang siya sa nangyari." Pageencourage niya sa akin. Sinermunan niya lang naman ako tungkol sa nangyari kanina bago ko napagpasyahang sabihin sakanya yung dapat na ikwekwento ko.

"So ayun nga! The feeling is mutual!" Pasigaw kong sigaw sakanya habang yakap ang aking unan at kinikilig. Humagalpak siya sa tawa dahil sa pinaggagawa ko. Kanina habang kwinekwento ko yung pinagusapan namin ay ngumingiti lang siya pero ngayon ay halos maubusan siya ng hininga katatawa.

"Oo na!" Tumawa nanaman siya. "Napansin kana niya after all these years. Sa wakas! Ikaw na, Star. Two hot guys is in love with you!" Inirapan niya pa ako sa huling sinabi niya. Napawi rin naman ang ngiti ko ng makitang nasa likod ni Autumn ang pinsan niya. Napahawak ako sa bibig ko at nakatingin lang sa likurab niya. Nahalata naman ni A yun.

Tumingin si Autumn sa likod niya at nagulat na nakita niya roon ang kanyang pinsan. Umupo si Vincent sa tabi ni Autumn. Tumigig siyang mabuti sa camera. Tumatagos yung tingin niya sa akin. Hindi ko mawari yung nararamdaman ko. Naiilang ako sa titig niya. Matapos niya akong pasadahan ng titig ay Tumawa siya ng may halong pait. Ramdam ko iyon.

"So umamin na pala yung ugok sayo? Akala ko hindi na siya aamin eh. Sayang!" Tatawa tawang sabi niya pero hindi niya maitago yung sakit sa mga mata niya. Kitang-kita ko iyon ngayon. Natahimik naman si A sa gilid niya. Umalis siya at sinabing mag-usap daw muna kaming dalawa.

"Get some rest, V. We will talk tomorrow. Please, rest ka muna. You look wasted." sabi ko sakanya habang pinapasadahan ang itsura niya. May ilang pasa rin siya sa mukha niya.

Tinaas niya ang kanyang kamay sa ere na parang sumusuko na siya sa pamimilit ko. "Fine. We. Will. Talk. Tomorrow. Susunduin kita diyan sainyo." Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. Pagkaalis niya ay tinawag niya si Autumn para sabihing tapos na kaming mag-usap.

"Li, I hope you'll be happy with him. Oy basta ha! Ligawan stage muna kayo. Alam na ba nila tita and tito?" at dahil sa sinabi niya ay narealize kong dapat pala itong malaman nila mommy at daddy. Hindi naman kasi nila ako pinagbabawalan. Sabi nila ay ayos lang na mainlove ka ng maaga huwag ka lang gagawa ng kalokohan. Alam niyo na yung meaning nun guys.

Umiling ako sakanya. "Hindi pa eh. But I'm planning to tell them soon?" sabay tawa ko ng mahina. "Syempre I want him to meet mom and dad as soon as possible. Dahil sa wakas may buhay pag-ibig na ako!" Kinikilig na sabi ko sakanya. Niyakap ko pa ang unan ko ng mahigpit. Nilamon na ako ng sistema.

"Sure! I want to meet him, too. I mean formally. We will do a Q&A portion." She even quoted the word Q&A. Inirapan ko naman siya ng pabiro pero I like the idea. Kapag si A kasi ang nagtanong paniguradong mahihirapan kang magsinungaling eh.

Humikab ako kaya naisipan kong matulog na. "Fine, A. Do the mighty Q&A to him. Tulog na me. Goodnight. Loveyou takecare. Mwa" in action ko pa yung paghalik sakanya. Ganun din naman ang ginawa niya. We can be the sweetest best friends in the world.

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon