Author's note:
Annyeonghaseyo watty readers~! Eto na po yung Prologue ng Exocytosises University. Lahat po ng actions or sinasabi niyo po dito ay naka-base dun sa facts na binigay niyo po saakin. Walang personalan, lalo na po kung kontrabida. Yung ibang wala pang lines dito, wag kayo mag-alala! Marami pang chapters ^o^ Enjoy reading~
Gomawo ^^
Your Point of view
"P.A kayo? As in Personal Alalay? Haha!" Sabi nung isang bruhang babae makapaglait saamin
"Excuse me po? Ayus ayusin niyo po yung pananalita niyo saamin. Sino ba kayo para pag sabihan kami ng ganyan?" Sabi mo habang nakataas kilay ka pa sakanya
"Oh my gosh? You don't know my name? Wait can you speak english?" May pa-english english pa nalalaman bruhang to
"Ms. I can speak english. At tsyaka wag niyong ibahin yung topic, halata ba na alam namin pangalan mo? Tatanungin ko pa ba kung alam namin? Shunga ka?" Pagbabara mo sakanya
"Shut up! Too much stress, yaya! Bring my bag" Tapos umalis na siya
"Buti umalis na yun, makapagsalita siya saatin..." Sabi ni ate Shiane
"Oo nga eh, bakit siya ba yung nagpapasweldo satin?" Dagdag pa ni ate Lether
"Ay nako, wag niyo na patulan yun. Mga KSP lang yun na mga tao, ang mabuti pa pumasok na tayo sa classroom. Hinhintay na ata tayo nung iba eh" Sagot ni ate Diana saamin
Putahamnida niya, makapagsalita saamin? Bakit marangal naman na trabaho ang pagiging personal assistant diba? Ganda niya sana pero ugali ng mas masahol pa sa putek. Makapagenglish wagas, di naman bagay! Ano kala niya samin? Di nakakaintindi ng english? Walang pinagaralan? Yun ba yung gusto niyang ipalabas?
Kung hindi lang talaga magandang paaralan yung papasukan namin, siguro matagal na ko nag resign? Ay hindi pala, napilitan lang pala ako pumasok dito dahil sa nanay at tatay ko, na dapat pumasok daw ako dito dahil una, para makapasok ako sa isang high class university. Pangalawa, para iwas gastos sa bahay. Dahil may dorm akong matutuluyan. Pangatlo, para kumita ng pera. At pang-apat, para makatulong ako sakanila. Eh ano pa ba magagawa ko? 2 vs 1. Yung kapatid ko naman wala pang isip dahil 5 years old palang, kaya naman napilitan na ko magtrabaho bilang P.A dito. Pero okay na rin yun, may mga kaibigan naman ako na parang kapatid ko na rin, namamasukan din silang Personal Assistant katulad ko sa labing dalawang naghahari-harian lalaki dito. Actually, hindi lang sa pag per-personal assistant natatapos ang trabaho namin. Dahil may misyon din kaming baguhin ang ugali nila? Eto ang malupit, kung ano daw kinabukasan nitong labing dalawang lalaki na ito ay kinabukasan din namin? Ay ano to damayan? Kami na nga sumasalo ng mga hampas, batikos at sampal nitong mga punyettang sasaengs na to. Tapos pareho kami ng kinabukasan? Ano to? Buy 1 take 1? Buy 1 get one free? Wait, may correction ako. Bakit nga ba sasaeng tawag ko dun sa mga normal na estudyante na nagfa-fangirl sakanila? Bakit kpop idol na ba sila? Eh mga nagha-hari harian lang sila dito sa campus ah? Nasabi kong sasaengs sila kasi halos magkapareho talaga sila ng ugali, kung nasaan yung "crush" nila ay sinusundan nila, at kung ano pang di kaaya-ayang gawain. Kaya nga naghire sila ng personal assistant diba? Ang masaklap kaming mga P.A ang mga naiipit. Sorry mga sasaengs trabaho lang, walang personalan! Pero may isa pang uri ng sasaeng para saakin. At tinatawag ko silang "super sasaeng" bakit? Yan yung mga taong maka asta parang girlfriend! Feelingera for short, yung maka defend sakanila parang asawa? Yung clingy masyado? Katulad nung bruha kanina! Makadikit kay Kai wagas, eto naman isa layo ng layo. Ano to taya-tayaan?
BINABASA MO ANG
EXOcytosises University [On Hold]
FanfictionLabing dalawang mga babae pumasok sa isang unibersidad na ngangalang "EXOCYTOSISES UNIVERSITY" Hindi lang para mag-aral, pero para din gawin ang kanilang trabaho na baguhin ang iba't ibang ugali ng labing dalawang lalaki na naghahari-harian sa nasab...