Joana Lynne's POV
Nasa gilid ako ng library, nagbabasa ako nung libro na binigay ni Sir. Lee Soo Man na tungkol dun sa magiging boss kong na nga-ngalang Chen o Kim Jong Dae.
Biglang may tumulak sakin at napadapa na lang ako dun sa sahig.
"Anak ng ba't mo ko tinulak--" Magrereklamo pa sana ako ng makita ko yung isang lalaking nalunod na sa libro. Eh paano naman kasi, may tumulak siguro nung book shelves kaya yung mga libro nagsilag-lagan, at siya naman to the rescue, kala niya naman siya si superman! Kaya naman agad agad ko siyang tinulungan.
"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko sakanya habang tinatangal ko yung mga librong nakabalot sa katawan niya ng nakalandusay siya sa sahig
"Okay lang ako ate, okay na okay! Bagsakan ka pa naman ng tone-toneladong libro, ang sarap kaya ng pakiramdam!" Pilosopong sagot niya saakin
Nang matangal ko na lahat ng libro sa katawan niya, dun ko na napansin na kamuka niya yung nasa libro? Yung pagsisilbihan ko?
Siya si Chen?!
Siya si Kim Jong Dae?!
"Kim Jong Dae?!" Nanlaki mga mata ko
"Paano mo nalaman pangalan ko? Eh mukhang ngayon lang kita nakita? O baka sadyang makakalimutin lang ako?" Tanong niya saakin
"Joana Lynne po, ako yung Personal Assistant niyo ^^" Sagot ko sakanya na nago-offer ako ng shake hands pero dinedma niya lang. Ay suplado pala tong si Kim Jong Dae?!
"Hm. Mukha nga, nagbabasa ka pa ng libro tungkol saakin?" Turo niya sakin
"Ay hindi sir! Tungkol po ito sa talambuhay ko, hindi sainyo!" Pilosopong sagot ko sakanya, kasi naman ang laki laki ng letra na nakalagay dun sa book cover tatanungin niya pa?
"Wag kang Pilosopo! Tandaan mo, langit ako lupa ka. Marunong ka dapat makilugar!" Sinermonan ako, hayup. Unang kita naman sermon ang inabot ko. Palpak ka talaga palagi Joana T_T
"Dalhin mo bag ko" Hinagis niya sakin yung bag niyang halos 10 kilos ang bigat "Bayad mo yan, dahil sinalo ko lahat ng libro para sayo" Dagdag niya pa.
Ako naman napa "Yes sir" na lang, eh hindi ko naman sinabi na sagipin niya ko ah? Yan tuloy nag mu-mukhang may utang na loob ako sakanya. Puthamnida lang, kaya pala gusto ni Sir. Soo Man na baguhin ugali nitong pagsisilbihan namin dahil may pagkabastos din sila. Hayup, simula na ba to ng kalbaryo ko sa buhay?!
BINABASA MO ANG
EXOcytosises University [On Hold]
FanfictionLabing dalawang mga babae pumasok sa isang unibersidad na ngangalang "EXOCYTOSISES UNIVERSITY" Hindi lang para mag-aral, pero para din gawin ang kanilang trabaho na baguhin ang iba't ibang ugali ng labing dalawang lalaki na naghahari-harian sa nasab...