Shiane Louise' POV
Papunta na kami ni [Y/N], Diana, at Lether sa classroom. Nang nakaramdam ako ng pagkagutom kaya naman sinabihan ko sakanila na mauna na sila sa classroom dahil pupunta muna ako sa canteen para mapawi tong gutom na nararamdaman ko.
Habang bumibili ako ng chips, may bigla na lang tumawag sakin na parang bulol.
"Thhiane!" Sigaw nung umiinom ng bubble tea dun sa gilid ng canteen kasama ng isang babae. At napalingon na lang ako pero di ko siya pinansin
"Thhiane!" Sigaw niya ulit "Nicole, tawagin mo nga yang babaeng yan" Sabi niya dun sa babaeng sa kasama niya
"Shiane!" Tawag nung isa
"Ako?" Turo ko sa sarili ko
"Oo, lumapit ka nga dito!" Tapos unti-unti ako lumapit sakanya, ayoko talaga sa mga lalaki. Ewan ko bakit, basta ayoko lang talaga. Buti na lang yung isa babae.
"B-bakit po?" Kinakabahan ako
"Hindi mo ba ko kilala? Ako thi Thehun" Sagot naman niya
Thehun, thehun, thehun. May kilala ba akong Thehun? Alam ko lang, Sehun eh.
"Mianhe wala po akong kilalang Thehun" Sabi ko sakanya
"Pagpasensyahan mo na siya ate, medyo bulol yan sa 's' pero ang ibigsabihin niya. Kilala mo ba daw si Sehun?" Paglilinaw nung kasama niya
"Sehun? Opo kilala ko po siya" Sagot ko naman
"Ako thi Thehun. Ano ba yan, mathkilala pa ata kita" Pagrereklamo niya
Anak ng siya yung boss ko? Nakakahiya! Maskilala niya pa ko kay sa kilala ko siya? Huhu lagot ako nito.
"Mianhe, Annyeonghaseyo Shiane Louise Torres at your service ^^" Pagpapakilala ko sakanya
"Annyeong, siya si Sehun at ako naman si Nicole" Sabi ni Nicole saakin habang umiinom siya ng bubble tea
"Annyeong, kita na lang po tayo maya-maya sa klase. Bibili pa po ako ng pagkain eh" Sabi ko saknila
"Wag na, itong bubble tea ko na lang inumin mo. Matharap yan, promithe" Inabot niya sakin yung bubble tea habang masama naman yung tingin sakin ni Nicole
"W-wag na po sir, nakakahiya naman po" Sarap pa naman nung bubble tea, pero ang sama nung tingin nung babae sakin eh
"Wag ka na mahiya Thhiane, mathanay ka na thaakin. Mahilig mag thare ng bubble tea" Inabot niya ulit sakin yung bubble tea
"Sige po ginusto niyo yan eh" Aabutin ko na sana yung bubble tea ng biglang pinigilan ako ni Nicole.
"Yung akin na lang Sehun, wala pa naman masyadong bawas yung akin eh" Sabay bawi nung bubble tea ni Sehun saakin at ininom niya yung bubble tea ni Sehun.
"Ah eh--" Magsasalita pa sana tong si Sehun ng biglang nagsalita si Nicole
"Halika ka na Sehun" Tumingin siya ng masama saakin
"Magkita tayo mamaya sa clathroom ah!" Hinila niya si Sehun at iniwan ako mag-isa dito sa canteen. Pero infairness masarap tong bubble tea na binigay niya saakin. At napagtanto ko na rin na bumalik na sa classroom, malapit na rin kasi mag time eh.
BINABASA MO ANG
EXOcytosises University [On Hold]
FanfictionLabing dalawang mga babae pumasok sa isang unibersidad na ngangalang "EXOCYTOSISES UNIVERSITY" Hindi lang para mag-aral, pero para din gawin ang kanilang trabaho na baguhin ang iba't ibang ugali ng labing dalawang lalaki na naghahari-harian sa nasab...