Chapter 1.7

206 10 5
                                    

Jewel's POV

Papunta na kami sa book store si Mazy at yung boss niyang si Baekhyun, dapat si Zina kasama ko eh. Pero yun pinauwi ng clinic, masakit daw ang ulo. Naglalakad kami ng nag text si Sir Soo Man

"I'm hoping na nakita mo na si Suho"

Kinabahan ako bigla, hindi ko pa siya nakikita

"Oh Jewel ba't parang di maguhit yung mukha mo?" Tanong ni Mazy saakin

"Oo nga atey, yung beauty mo nalulusaw! Kinakabahan ka ba teh?" Dagdag pa ni Baekhyun

"Nakita niyo ba si Suho?" Tanong ko sakanilang dalawa

"Suho? Hindi eh. Hindi ko nga siya kilala eh" Sagot ni Mazy sakin

"Ano ka ba sister! Alam mo man yung mukha niya o hindi. Hindi mo talaga siya makikita sa mga oras na to" Sabi ni Baekhyun saakin

"Bakit naman?" Tumingin ako sakanya

"Kasi nasa gym siya ngayon, kasama niya yung girlfriend niyang si..." Sagot niya "Si... Hindi ko matandaan yung pangalan eh, di naman kasi ako close sa mga chaka na girls" Dagdag niya pa

"Pwede ko ba kayo maiwan? Pupuntahan ko lang si Suho?" Tanong ko

"Oo naman" Sagot ni Mazy

"Sige sige, salamat talaga!" Nagpasalamat ako sakanila

--

Habang palapit ng palapit ako sa gym, palakas ng palakas yung mga sigaw nila. At nung nakarating na ko, naabutan ko silang nagtatalo

"Anak ng tipaklong Suho! Hindi ka pa rin nag babago!" Galit na sinabi nung babae sakanya, siguro girlfriend niya yun.

"Bakit ako nanaman Krystal? Diyan ka magaling eh! Magaling ka mangturo!" Sagot naman ni Suho na parang guguho na yung gym sa lakas ng boses nila

"Talaga? Yan naman palaging sinasabi mo Suho tuwing nag-aaway tayo!"

"Hoy Krystal! Wag mong ibahin yung usapan, nakita kitang magka-holding hands sa ibang lalaki!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang siya, KAIBIGAN!"

"KAIBIGAN O KA-IBIGAN?!"

Parang nanunuod lang ata ako ng palabas nito, sayang walang popcorn

"ANO KRYSTAL? BA'T WALA KANG MASAGOT?!"

"AYOKO NA SUHO! NAKAKASAKAL KA NA! BREAK NA TAYO!" Sabay walk out effect tong si Krystal, taray ni ate! Parang teleserye lang talaga, live nga lang

"SO TOTOO NGA KRYSTAL? NA MAY NAMAMAGITAN SAINYONG DALAWA?"

"PAANO KUNG SABIHIN KO OO?!" Tapos umalis na yung si Krystal ata?

Ang sakit naman yun, parang natwo time na din tong si Suho. Kaya naman nilapitan ko siya

"Sir, okay lang yan" Sabi ko sakanya

"Sino ka naman para sabihan ako ng ganyan?!" Sinigawan niya ko

"Jewel po, ako yung personal assistant niyo" Pagpapakilala ko

"Personal assistant kita?" Ningitian niya lang ako "Di ko kailangan ng personal assistant!" Dagdag niya pa

"A-ano po ibigsabihin niyo?" Kinakabahan ako

"Di mo naiintindihan? Your fired!" Tapos umalis siya

Halos mangiyak iyak ako nung sinabi yun sakin ni Suho, eh kasi paano na yung scholarship ko diba? Kaya tinawagan ko agad agad si Sir Soo Man at sabi niya wala daw karapatan si Suho na ipasibak ako sa trabaho. Kaya hinanap ko siya at nakita ko siya dun sa locker room

"Sir" Tawag ko sakanya

"Ba't ka nanaman nandito?! Diba sabi ko sayo fired ka na? Di mo ba naiintindihan yun?!" Inis niyang sinabi sakin

"Sabi po kasi ni Sir Soo Man, na walang bisa yung sinabi niyo po saakin eh"

"Kailangan mo ng pera diba?" Tinapon niya sakin yung mga pera niya "Ayan kainin mo! Wag mo lang ako istorbuhin!" Putangina bastos to ah

"Hindi ako pumasok bilang P.A dahil sa pera! Nakakabastos ka, anong kala mo sakin mukhang pera? Ginagawa ko lang naman trabaho ko. Kung tungkol sa pag br-break ng girlfriend mo kaya naiinis ka, tama siya. Mas okay pa yung ibang lalaki kay sa sayo! Ang yabang mo kasi porket anak mayaman ka lang!" Tapos umalis ako pero pinigilan niya ko

"Wait!" Tumigil ako sa paglalakad "Look, I'm sorry"

EXOcytosises University [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon