[Y/N]'s / Your POV
Di pa rin ako maka get-over dun sa kinwento ni Ate Pat. Yung muntikan na daw siya mahalikan ng boss niya, anak ng sana mabait yung boss ko. Katulad ni ate Lether.
"Ano ba yan [Y/N], kailan mo huling nilabhan yung bag mo?" Tanong ni ate Karisa sakin
"Oo nga, tsk. Ibahin mo muna bag mo, labhan natin yan mamaya" Dagdag pa ni Ate Zina
"Ngee, yan lang nag-iisang backpack ko eh" Sabi ko sakanilang dalawa
"May nakita akong Gucci sa closet mo, yun muna kaya gamitin mo?" Tumingin si ate Zina saakin
"Sige na nga" Kinuha ko yung Gucci sa closet ko at nilagay ko na lahat ng mga gamit ko.
----
Sabay sabay kaming pumunta sa school ngayon, ng naisipan ko mag c.r muna. Papunta na ko ng c.r nang may humablot ng bag ko, puta! MAGNANAKAW!
"HOY IBALIK MO YAN!" Sinubukan ko siyang habulin pero sadyang nahihirapan akong tumakbo dahil sa heels ng school shoes ko. Kaya naman tinangal ko yung mga sapatos ko, binitbit at hinabol yung magnanakaw ng bag ko.
Naabutan ko siya malapit sa hallway at tinulak ko siya para madapa pero pati ako nasali sa pagdapa, nagpagulong gulong pa nga kami sa hallway na habang magkayakapan.
"MAGNANAKAW PUTCHA!" Ang lapit lapit kaya ng mukha niya sakin alam mo yung naka-kandong pa siya sa katawan ko?!
"Akin na nga yung bag ko!" Mukha talaga siyang holdaper! Yung mukha niya kasi may black eye, ay kawawa naman siya.
"Pati bag ko di mo pinalagpas!" Sigaw ko sakanya habang tumatayo ako
"Haha, sinadya ko talaga yun" Sabi niya sakin
"Oh talaga?! Ano bang meron sa bag ko?" Umirap ako sakanya
"P.A kita gago, hindi ka man lang nagpakita--"
"Gago ka rin! Buti nga di ako nagpakita sayo, holdaper ka pala!" Sigaw ko sakanya
"F.Y.I hindi ako holdaper!"
"Talaga? Anong tawag mo sa sarili mo?"
"Tsk. Sinuswelduhan kita kaya wag kang epal o tatangalan kita ng trabaho" Napatahimik ako sa sinabi niya
"Natameme ka no? Tsk. Ganda ng bag mo, anong brand?" Napaface-palm na lang ako sa tanong niya, eh ang laki laki na nung nakasulat GUCCI. Hindi ba siya marunong mag-basa?!
"Basahin mo kaya" Sabi ko sakanya
"Ang ganda ng bag mo pero yung may-ari ang panget"
"Matagal ko ng alam yun Tao" Ngumiti ako sakanya at pumasok ng classroom
"Saan ka pupunta aber?!" Tanong niya sakin
"Shunga ka? Sa classroom malamang!" Sabi ko sakanya. SHUNGA BA SIYA O SHUNGA?!
"Kunin mo lahat ng libro ko sa locker, at bilhan mo rin ako ng tubig sa canteen" Daming utos shet, malapit na mag time tapos kilo-kilo metero pa lalakbayin ko. Peste ka Tao! T^T
BINABASA MO ANG
EXOcytosises University [On Hold]
FanfictionLabing dalawang mga babae pumasok sa isang unibersidad na ngangalang "EXOCYTOSISES UNIVERSITY" Hindi lang para mag-aral, pero para din gawin ang kanilang trabaho na baguhin ang iba't ibang ugali ng labing dalawang lalaki na naghahari-harian sa nasab...