Lether's POV
"Grabe naman Chanyeol na yun, gusto laging may laging nakabuntot sakanya" Naiinis na sinabi ni Shiane saamin
"Oo nga eh, buti na lang yung boss mo Shiane. Mabait, medyo bulol nga lang haha" Reply ko naman
"Hahaha! Good luck naman sainyo dalawa ni [Y/N] no! Ni-hindi niyo pa nga kilala kung sino boss niyo eh!" Sabi ni Shiane habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen
"Oo nga, goodluck saamin. Sana mabait yung amin" Dagdag ni [Y/N]
Tapos may bulol na sumigaw sa likuran namin
"Thhiane!" Tawag nung nakarainbow hair na lalaki may kasamang babae na masamang yung tingin sakanya
"Puthamnida, nandiyan nanaman yang si Nicole?!" Pagrereklamo ni Shiane
"Bakit? Anong meron ba sakanya?" Tanong ko sakanya
"Yan yung laging masama yung tingin sakin"
"Thhiane! Diba thabi ko thayo magkita tayo tha clathroom?" Sabi nung nakarainbow hair na lalaki, boss siguro yun ni Shiane
"Kaklase ba kita sir?" Tanong ni Shiane
"Oo, ano ba yan. Thamahan mo nga ko bumili ng bubble tea" Utos nung sir niya habang kami ni [Y/N] nagmimistulang audience sa convo nila.
"Sehun, ako na lang isama mo" Sabi nung isang babaeng kasama nung sir niya
"Wag na Nicole, kumain ka na kathama nung mga kaibigan natin" Tapos hinila siya ni Sehun. At naiwan yung babae dito na parang mawawalan ng mata dahil wagas siyang makairap kay Thhiane. Ay ano ba yan na bu-bulol na tuloy ako. Haha
"Bwisit naman!" Sabi nung babaeng pangalan ata Nicole? Tapos umalis siya
"Anong problema nun? Ba't ang laki ng problema niya kay Shiane?" Tanong ni [Y/N] saakin.
"Ewan ko rin eh" Sagot ko sakanya
"Ay nga pala Lether, may nakalimutan ako sa classroom. Mauna ka na sa canteen" Sabi niya
"Sige sige" Matipid kong sagot sakanya
Habang papunta ako sa canteen may napansin akong isang lalaki na payat at halatang gutom na gutom na nakaupo sa ilalim ng puno. Kaya naman nilapitan ko siya (Nakakaawa kaya!)
"Kuya okay ka lang?" Umupo ako sa tabi niya
"Oo okay lang ako" Kahit halatang di naman talaga siya okay
"Gutom ka po ba?" Tanong ko sakanya
"Oo, pero ayoko yung pagkain sa canteen. Nagsasawa na ko" Sabi niya saakin
"Sayo na lang" Ibinagay ko yung baon kong siopao sakanya
"Ano yan?" Tanong niya
"Siopao, wag kang mag-alala. Masarap at malinis yan, promise" Nagswear ako sakanya tapos kumain din siya nung siopao
"Ang sarap nga nung siopao!" Sabi niya sakin habang kumakain siya ng siopao
"Sabi ko sayo eh, masarap yan" Pinapanuod ko siyang kumain
Tapos hinati niya yung siopao sa dalawa
"Hati tayo" Inabot niya sakin yung siopao
"Ay wag na, sayo na lang yan ^^" Pagtanggi ko
"Tsk. Nahiya ka pa!" Bigla niyang sinubo sakin yung kalahating siopao
"Salamat na lang" Pagpapasalamat ko sakanya habang puno yung bibig ko ng siopao dahil dun sa isinubo niya
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya sakin
"Lether Cassandra Go po, kaw?" Pagpapakilala ko sakanya
"Lether Cassandra Go?!" Gulat na gulat niyang sinabi
"Opo, bakit?" Tanong ko sakanya. Tapos ipinakita niya yung text ni Sir Soo Man about dun sa Personal Assistant chuchu
"Kayo po si Xiumin? Haha nice to meet you po" Bati ko sakanya
"Haha nice to meet you din Lether, hindi ko inaakala na ikaw pala yung magiging P.A ko" Sabi niya sakin
"Hahaha" Tumawa ako
"Swerte ko pala sa P.A ko eh, bukod sa masarap yung siopao. Maganda din!" Tiningnan niya yung mukha ko
"Hahahaha bolero ka pala eh!" Sabi ko sakanya
"Seryoso nga" Tapos hinawakan niya yung pisngi ko at bigla akong namula ako
"Ba't ka namumula? Haha" Tanong niya sakin
"Ha? K-kasi ang init eh. Ganito talaga ako rosy cheeks pag naiinitan" Palusot ko
"Haha, kain na tayo ulit" Ipinagpatuloy namin ang pagkain ng siopao
Buti nakaligtas ako dun, ba't pa kasi rosey cheeks ako? T_T
BINABASA MO ANG
EXOcytosises University [On Hold]
FanfictionLabing dalawang mga babae pumasok sa isang unibersidad na ngangalang "EXOCYTOSISES UNIVERSITY" Hindi lang para mag-aral, pero para din gawin ang kanilang trabaho na baguhin ang iba't ibang ugali ng labing dalawang lalaki na naghahari-harian sa nasab...