Chapter 1.2

290 11 17
                                    

Mazy's POV

Nandito ako malapit sa classroom, nagmumuni muni sa salamin na malapit sa C.R ng may napansin ko na lang na may nag i-eyeliner?

























Na lalaki?!

"Ay bwisit, lagpas ang eyeliner! Sayang ano ba yan!"

"Naiwan ko yung tissue! Anak ng!"

"Nasaan na ba yung si Chanyeol? Dapat siya naglalagay nung eyeliner ko eh!"

Tapos nakatingin lang ako sakanya, habang kinakausap niya sarili niya. At napansin niya na nakatingin ako sakanya.

"Uhm, gusto niyo po ba ako na lang mag lagay ng eyeliner niyo?" Kusa kong sinabi sakanya, halatang nahihirapan na siya dun sa paglalagay niya ng eyeliner.

"Oh sige ate" Inabot niya sakin yung eyeliner niya at nilagyan ko na ng eyeliner yung mga mata niya. Pagkatapos ko siyang lagyan, pinasalamatan niya ko.

"Kamsahamnida ate! Mas bongga ka pa pala maglagay sakin ng eyeliner kesa kay Chanyeol eh!"

"Walang anuman po" Ngumiti lang ako sakanya

"Ano nga pala pangalan mo ate?" Tanong niya sakin

"Mazy, Mazy Lee. Kayo po?" Tanong ko sakanya

"Mazy? Ay bongga naman ng pangalan mo atey! Ako nga pala si Baekhyun. Baekhyun sa umaga, Baekla sa gabi! Hahaha" Wait, Baekhyun? Parang kilala ko siya ah?

"Uhm. Baekhyun, naghahanap ka po ba ng P.A o Personal Assistant?" Tanong ko sakanya

"Oo! Actually kanina ko pa nga siya hinhanap, pero hindi nagpapakita!" Sagot naman niya habang nagpo-posing sa salamin

"Ah. Ako po yung Personal Assistant niyo ^^" Sabi ko sakanya

"Really? Ay naks! May taga lagay na ko ng eyeliner!" Pumalakpak siya tapos biglang nagring yung bell "Uy sister! Halika ka na, baka malate tayo sa klase eh ^^" Yaya niya sakin


Mapapa-straight ko ba tong baklang Baekhyun na ito? Sana nga, kung hindi yari ako nito kay Sir. Soo Man T_T

EXOcytosises University [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon