Mr. Wrong

180 2 0
                                    

"Shit, ang init!"


"Higupin mo ang sabaw!" Sigaw ng babae na kahapon ko lang nakilala. Hapit na hapit ang hanging blouse n'ya na bahagya nang nagpapasilip sa maputi niyang tyan. "Huwag mong sairin!"



"Ang sarap!" hindi ko mapigilang sagot sa kanya. Wala na akong pakialam kung maririnig kami ng kapitbahay. "The best talaga."



Nag-iba kami ng posisyon, "ako naman please. Ahhh! Whew! Ba't ang haba?"



"Ayaw mo ba?" tukso ko sa kanya. "Give it to me." First time n'ya ba na makakain n'yan? "'Yung itlog, kainin mo rin."



Tumango lang siya.



Napansin kong natigilan siya. "Sagarin mo na," kantyaw ko sa kanya. "Tapusin mo na at may mamaya pa. O ayaw mo na?"



"Hindi, kaya ko ito!" Higop, supsop. "Ang sarap sarap, babe." Tinitignan ko lang siya. Ang sarap n'yang kumain. Enjoy na enjoy siya sa mainit na sabaw at mahabang--


******


"Sotanghon?"


"Tangna naman, pare!" Nasa kanto na si Marcus at naghihintay ng shuttle kasama ang kanyang kaibigan na si Vic. "Wala kang nagawa kundi pakainin ng Lucky Me 'yung chick? Buti, hindi ka nasabihang bakla."


Nagkibit-balikat lang si Marcus. Hindi naman lahat ng bagay, dapat ikinukwento. Iyon ang sikreto ng mga poging katulad n'ya.



*****


"Linda, ayun na naman iyong dalawang macho, o!" bulong ni Sonia sa katabi. Hindi naman malaman ni Sonia kung paanong ipipilig ang ulo upang mas mapagpyestahan ang biyayang nasa waiting shed. "Ang pogi pogi talaga ni Marcus, no? Ang macho pa. Pwede na akong anakan n'yan."



"Magtigil ka nga, babae! Sixteen pa lang tayo."



Napakamot ng ulo si Linda. "Bakit may tayo? Ako lang."



Inunahan na ni Linda maglakad si Sonia. "Hi, Sonia," narinig pa n'yang binati ng dalawang lalaki sa waiting shed ang kanyang kaibigan. Napabulong na lang siya sa sarili, "Alembong!"


*****


Status: Married II (Seducing Ms. Right)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon