For Her Eyes Only

93 2 1
                                    


6:00AM Araw ng Lunes




Maagang pumasok ng eskwelahan si Isay para maireview ang lesson plan na ni-rush n'ya last week. Bahagya ng maliwanag ang paligid ngunit wala pa ang mga estudyante na karamihan ay nagtatatakbo upang makahabol sa flag ceremony. Ngunit may isang nilalang sa ginagawang gusali na katabi ng eskuwelahan.



Likas na tsimosa, nagtago si Isay sa isang poste na malapit sa kinaroroon ng nilalang.




Matangkad. Ma-muscle. Kayumanggi. Parang isang demi-god ang lalaking nakatalikod kay Isay na nagbubuhos ng tubig sa katawan.



Kinakabahan ako. Shit! Ang swerte ng tubig na umaagos mula sa kanyang ulo, pababa sa kanyang leeg, sa kanyang balikat. Ganito ba yung paliligo na sinasabi ni Sally? Dahan dahan na humahagod ang kamay sa sariling katawan na tila ba alam na may nanonood sa kanya. Huwag kang lilingon, please.


Itinapat ng lalaki ang water hose sa kanyang ulo at pinagpag ang buhok na tila asong basa sa ulan.



Nakakauhaw!


*****

"P're!"



Biglang napahinto si Marcus sa ginagawa. Naririto na sina Vic at ang mga kasamang trabahador sa ginagawang building. Pasimpleng sinipat ni Marcus ang salamin sa harapan niya. Wala na si Ma'am Isay. Bahagya siyang napangiti. Pilya rin pala si Ma'am, aniya sa isaipan, nabitin kaya siya? Bitin pa ako.


"O, napaano ka?" untag sa kanya ni Vic. "Sa lahat ng naputulan ng tubig, ikaw pa ang masaya."


Ngumiti lang si Marcus. "Sikreto ng mga pogi, dre. Pasensiya na."


Binato ng tabo ni Vic si Marcus, "Oo na, naiintindihan kita. Pogi tayo, e. Pero huwag kang masyadong magpalabas ng dimples; nababakla ako, sister!"


Napuno ng halakhak ni Marcus ang paligid. "Magandang umaga, Marcus! Sobrang magandang umaga."


*****

"Ang guwapo n'ya no," nagtititili si Sir Jeff sa loob ng faculty room habang kausap ang ilang guro malapit sa desk ni Isay. "Hindi ko akalain na lalaki siyang ganoon kagwapo at kamacho. Kung alam ko lang, ibinagsak ko sana siya sa subject ko ng mga seven times para nakita mismo ng mga mata ko kung paano naging isang punong Narra ang buto ng mustasa!"



"Grabe ka, sir!" Si Maita. "Seven years ago, guwapo na talaga si Marcus, matangkad at makinis. Nalalamangan nga lang ng pagiging basagulero ang magagandang katangian nya tsaka napakauntidy n'ya noong tingnan.



"Pero ngayon, sobrang yummy!" Sabay pang nag-high five sina Sir Jeff at Sir Jayjay.



"Sino'ng yummy?" Biglang dumating ang kanilang principal, si Ma'am Juliet.



"Si Marcus Sabinano, ma'am. Iyong nagshoplift doon sa 7-11 sa may kanto almost a decade ago," si Sir Jeff.



"Ang ibig kong sabihin ay bakit may oras pa kayong magtsimisan?! Huwag na kayong magtaka kung ang mapopromote ay si Isay kaysa sa ibang tinubuan na ng uban." Tumalikod na ang punong guro at nagtungo sa sarili nitong cubicle. "Sabinano--" Wala ng nakakita sa masuyong ngiti ni Ma'am Juliet.


*****


Marcus Sabinano. 18 years old. Capricorn. Hiwalay ang mga magulang. Nasa Dubai ang ina, nasa California ang ama. Walang mga kapatid sa Pinas. Pero ang total na kapatid ay 13. Isa sa original, 2 sa ina, 3 sa ama, 6 sa labas mula sa kanyang ama. Huwag na nating isama ang mga step-siblings. Nakatira sa dating boyfriend ng ina. Napabuntung-hininga si Isay. Bilang isang intern, ang mga ganitong mag aaral ang kailangan nilang iwasan upang matiwasay na matapos ang kanilang internship. Ibinalik ni Isay ang tingin sa lalaking naglalakad sa quadrangle ng paaralan. Lalaking lalaki na talaga si Marcus kumpara sa mga kasabayan sa 4th year high school na edad kinse hanggang disi-siyete. Hindi niya maiwasan si Marcus. Homeroom intern teacher siya ng bata. Kung bata nga ba niyang maituturing ang isang ito.


*****

Ano na nga bang itsura ni Marcus? Nagbalik na ba siya ng San Nicholas?



Status: Married II (Seducing Ms. Right)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon