Focus

148 1 1
                                    


"Focus, 'neng!" Nanlalaki ang mga mata ni Jayjay, ang beking co-teacher ni Isay. "Alalahanin mo iyong mga eksena kung saan inaappreciate ng director ang katawan ni Jaime Dornan, 'yung paraan ng pagtingin n'ya kay Anastasia, 'yung mga paghalik ni Christian?"



"Hindi mo ba talaga nararamdaman na kailangan mo ng sex?" naiirita nang tanong ng isa pa niyang co-teacher na si Mara.




Naguguluhang umiling si Isay, halos maiyak na siya. Katatapos lang nilang panoorin uli ang 'Fifty Shades of Grey' sa bahay ni Jayjay. Itinatanong ng mga ito kung ano ang nararamdaman ng isang NBSB na virgin gaya niya. Masama na ang pakiramdam ni Isay. Para sa mga co-teacher, isang malaking kasalanan sa populasyon ng mga kalalakihan na itago niya ang kanyang kagandahan, higit na itakwil niya ang kanyang sensuwalidad. Sa panahon na ito kung saan halos isang text lang ay may nobyo na ang mga kabataan, ipnararamdam ng mga kasama sa kanya na ang pagiging virgin ay isang malaking katangahan.



"Umuwi na tayo," blanko ang tinig ni Isay. "Madami pa akong dapat gawin."



"Galit ka ba?" Napaismid si Jayjay, "nagsasabi lang kami ng totoo, no! Kung naging babae ako, madami na akong naging jowa."



"Oo nga naman, Isay," sulsol ni Mara, "kung ganyan ako kaganda, hindi ko buburuhin ang sarili ko. Mamaya n'yan, amoy bagoong na iyan!"




Nagtawanan pa ang dalawa. 



Walang nagawa si Isay kundi mauna ng lumabas sa boarding house ni Jayjay at pumara ng taxi. Doon ay pinaagos niya ang kanyang luha. Nakakainis! Sino ba ang may gusto na hanggang ngayon ay wala pa siyang boyfriend? Eh, sa walang lumalapit eh! Alangan naman na ako ang lalapit sa manok? Tapos, ano, magpapatuka ako? Ganoon?


*****

"Oo!"



Napakunot ang noo ni Isay. Ang lakas ng pagkaka-oo ni Sally na para bang iyon ang sagot sa tumataas na bilang ng pagpaslang ng mga vigilante sa mga pusher (kuno).


"Oo, kung ako ikaw, ako ang lalapit sa manok pero hindi ako basta basta magpapatuka dahil kapag natuka ka na, bye bye na. As in, game over na. As in, move aside, old bitch!" dagdag pa ng babae na nasa monitor. "Iyong totoo, tatanungin kita uli, gusto mo bang makapag asawa?"



"Siguro," naguguluhang sagot ni Isay.



"Walang conviction!" Sumubo ito ng hotdog na inatang ng asawa nito na si Roger. "Iibahin ko ang tanong, gusto mo bang magkaboyfriend?"



"Oo. Sana. Kaso--"



"Bakit ka nangangatwiran? Tutulungan nga kita tapos kokontrahin mo ako." 


Status: Married II (Seducing Ms. Right)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon