Her Red Book

166 2 2
                                    

Tom. Edward. Leo. Mark. Dave. Sam. Melvin. Mark II. Francis. Jayson. Justine.  Joshua. Ice. Mark III. Jet. 



Iyon ang mga pangalan na nakasulat sa chatbox pagkagising ni Isay. Iyon ang mga pangalan ng mga naging ex ni Sally. Ang dami naman, sa isip n'ya. Pero hindi niya hinusgahan ang kaibigan na 'playgirl', 'maharot' o 'malandi.' Kung may maharot kay Sally, siguradong hindi ang puso ng kaibigan n'ya kundi ang isipan nito na napakaseksi, isama pa ang napakakulay na imahinasyon ng babae. Kaya hindi siya sigurado kung ang mga lalaking nakasulat ay pangalan ng mga ex nito o pangalan ng mga naging crush nito. Napailing na lang si Isay.


Lunes na naman. Tinatamad na pumasok sa banyo si Isay upang maligo. Sa isipan ay inisa isa n'ya ang kanyang mga dapat gawin: Lesson plan for the whole week, mid term exam sample, introduction ng thesis n'ya for masterals' at ang pamimili ng ireregalo n'ya para sa ikakasal na co-teacher. Haist, huni n'ya. Ano ang mas nakakainis: madaming gagawin o iyung malalagas na naman ang apple sa puno?





Sabi ng principal nila, ang pulutong ng mga single ladies ay parang isang apple tree. Nasa itaas ng apple tree ang mga pinakamatatamis na bunga kaya wala pang nakakasungkit sa mga best of the best. Sa kasamaang palad, isa siya sa mga apple na nasa pinakatuktok ng puno. Hindi na compliment ang pagiging best. Sa panahon na gustong gusto mo ng magkaboyfriend man lang, minsan pinagsisisihan n'ya kung bakit itinuon n'ya ang madaming oras sa academic excellence. Mabuting anak, mabuting kapatid, mabuting citizen ng Republika ng Pilipinas, kapitag-pitagang guro, at madami pang best pero sa mga oras na ito, sana kahit worst girlfriend ever na lang siya. Kahit one time lang.


Tila naman tuksong narinig n'ya sa radyo ang kanta ni Mandy Moore.


 I try but I can't seem to get myself to think of anything but you

Your breath on my face your warm, gentle kiss I taste the truth, I taste the truth
We know what I came here for
So I won't ask for more




Naalala ni Isay si Warren, ang kanyang high school crush. Kamusta na kaya siya?


I wanna be with you

If only for a night
To be the one who's in your arms to hold you tight
I wanna be with you
There's nothing more to say
There's nothing else I want more than to feel this way
I wanna be with you



Kung sinabi ko kaya na gusto ko siya, may mangyayari ba?


So I'll hold you tonight like I would if you were mine to hold forevermore
And I'll savor each touch that I've wanted so much to feel before, to feel before
How beautiful it is
Just to be like this



Nang makita ko siya sa isang bus papuntang Maynila, kung sinabi ko ba sa kanya na gusto ko siyang makasama kahit sandali, may magiging progress ba?


I wanna be with you

If only for a night
To be the one who's in your arms to hold you tight
I wanna be with you
There's nothing more to say
There's nothing else I want more than to feel this way
I wanna be with you



Kung ako ba ang unang nag open ng topic, mawawala ba ang ilang?


Oh, baby
I can't fight this feeling anymore (anymore)
Drives me crazy when I try to
So call my name and take my hand
Can you make my wish, baby, your command (command)?
Yeah


Kung naging kami noon, kami pa kaya ngayon?


I wanna be with you

There's nothing more to say
There's nothing else I want more than to feel this way
I wanna be with you


Oh yeah

I wanna be with you
Wanna be with you, ooo, yeah
I wanna be, I wanna be
[Repeats]




Alam ni Isay ang mga sagot sa tanong. Noong high school, halos lahat ng babae ay may gusto kay Warren. Malakas ang appeal ng kamag-aral, sa babae man o binabae, sa estudyante man o sa guro. Girlfriend na nito ang isa sa pinakamaganda sa year level nila. Pangarap lang si Warren. Isang magandang ala ala na minsan may nakasabay siya sa bus, nakatulog sa balikat nito at sa pag-gising niya, wala ng kasunod.



Si Warren ay hindi tangible; isa lang siyang sukatan ng kung ano ang tunay na lalaki para kay Isay: may nangungusap na mata, mapupulang labi, hindi smoker, may magandang tindig, matangkad, matipuno, matalino, responsable, one-woman man at higit sa lahat, ito lang ang nakagigising sa natatagong kamalayang sekswal ni Isay. Hep!! Hanggang kiss lang ang imagination n'ya.


Sa 'Red Book' ni Isay, si Warren lang ang laman at ang kanyang imaginary kiss.


Lunes. August 1, 2016. Babaguhin na ni Isay ang kalagayan ng kanyang 'Red Book.'




*****


A/N Kung si Kira ay may Death Note kung saan maaring niyang kitilin ang buhay ng kahit sinong may mukha at may pangalan, kung ang mga witches at warlocks ay may black book, kung ang mga head ng sindakato ay may blue book, ang mga seksi (lalaki man o babae) ay may red book kung saan isinusulat nila ang detalye ng bawat mangingibig nila mula litrato hanggang sa mga escapades.



Hindi kinakailangang kulay red ang balat ng 'red book.' Maaring mayroon ka na nito at tinatawag mo itong diary.

Status: Married II (Seducing Ms. Right)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon