Feel

106 1 1
                                    

Napahilamos si Isay sa mukha n'ya pagkaupong-pagkaupo sa sariling kama buhat sa palengke. Nakakainis! Nakakahiya! Buwisit talaga! Tila naman nakakalokong nagbabalik tanaw ang mga nangyari kanina. 




Ang matitigas na bisig at dibdib nito na hinampas n'ya.




Ang matigas din nitong mga balikat.




Ang clean cut nitong buhok.



Ang suwabe nitong pabango.



Ang nakakalokong mga mata nito habang tinatawanan ang kagagahan n'ya!




"Urrrrgh! Nakakainis ka talaga, Melissa Calzado!" Sigaw ni Isay.



*****


"Ngingiti-ngiti ka diyan, p're," untag ni Vic, "baka maihipan ka at matuluyan."



Napaunat si Marcus sa pagkakaupo. Bitin ang mga paa ng sofa set nila para sa kanya. "Hindi 'ata ako nakilala ni Ma'am Isay kanina sa palengke."



Napabuga ng kape si Vic, "Nagkita na kayo ni Ma'am?" Tumango lang si Marcus. "Ano'ng sabi? Paano kayo nagkita eh iniiwasan mo nga siya, di ba?"



Nagkwento naman si Marcus except sa halos maamoy na n'ya ang panty ni Ma'am. Isa na namang sikreto ng mga pogi iyon. Mahirap na ang magkwento nang may halong yabang. Karamihan sa mga lalaki, gusto din nila ang gusto na ng iba.



Teka, may gusto pa ba ako kay ma'am? sa isip ni Marcus.



*****


Halos isang dekada na ang nakalipas noong una niyang nakita si Miss Melissa. Nagsisimula na ang buhay nito sa pagiging guro habang tila wala namang liwanag para sa kanya. Intern si ma'am, eighteen years old fourth year student naman siya. Last section, last sa seating arrangement, last din sa mga surnames. Ang layo ng pagitan nila pero nagkagusto siya sa kanyang temporary teacher.



"I love you, ma'am!" sigaw ni Marcus. Araw na ng graduation. Huling araw para makita niya ang liwanag ng buhay n'ya.



Ngumiti lang si Ma'am Isay. 



Isa-isang lumapit ang mga kaklase n'yang babae at niyakap si ma'am. Napakabait ni ma'am. Napakacool. Siguradong magiging mabuting guro ito.



Lumapit din si Marcus. Niyakap n'ya ng mahigpit ang babae. Mas mahigpit sa lahat ng yumakap dito. May kasamang pagluha. May kasamang pangako. May kasamang halik sa pisngi na halos lumapat sa gilid ng mga labi nito.



Napatigalgal lang si Isay ngunit bago pa ito nakapagsungit o nakapagreact, nakatakbo na palabas ng classroom si Marcus.




Walang lingon-likod. Wala kahit ano.


*****

"Progress?" naka-chat na naman si Sally. This time, online din si MaAn.



MaAn: San?



Sally: May exercise si Isay. Paano tumingin ng sexy na lalaki.



Isay: Walang effect.



Sally: Hindi ka naseseksihan kahit kaninong actor? Model? Er---



MaAn: I think Baste Duterte is sexy.



Sally: Yeah, I think he is cool. I mean, men with tattoos tapos nagbabanda, that is awesome.



Isay: Ayoko sa kanya as a man. As a presidential son, I am OK with him.



Sally: Mare, you are not going to marry all the guy you find sexy. I just want you to know the basic and then you can always decide for yourself naman.


Isay: I can not force myself to look at a person and check whether he is sexy or not.


Sally: You just have to look at the person or use your other senses and decide whether he is sexy or not. Sounds simple naman.


MaAn: I get it. So 'yun yung exercise?


Isay: Yup.



MaAn: Just think of it like you are grading a food. Presentation. Smell. Taste.



Sally: LOL taste!



MaAn: Sorry. :-D



Sally: Wala ba talaga kahit isa sa mga nakita mo?



Meron! Iyung lalaki sa palengke, nasa isipan ni Isay, pero hindi ko sasabihin dahil for sure, madami na namang tanong. Besides, antipatiko na manyak na baliw ang lalaking iyon! No way that I find him sexy kahit pa matigas ang muscles n'ya!


Sally: GTG. Darating na si hubby. Need sexy.


Isay: Bading naman 'yang jowa mo, di ba?


Sally: Still. I have to make myself sexy, no?


MaAn: How?



Sally: Wala, liligo lang ako.


Isay: Wow sa effort ha?



Sally: You know what, you can try it. Ligo kayo pero hindi basta basta ligo. Get the sexiest body wash tapos huwag kayo maghilod. I mean, do not scratch your skin. Touch your body as if someone else is touching you. I mean, not THAT touch. Pero pwede din. Basta, super slow like you are making love with your skin. Same with lotion. Huwag basta pahid. Pahid with love. With emotion. With sensuality. Slow pace. Pak ganern.



Isay: What did I just read?



Sally: Never mind. Ciao!


*****


Status: Married II (Seducing Ms. Right)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon