Chapter Eight

66 3 1
                                    

Kiara

Minsan ng pumasok sa isipan ko na sana maglaho na lang ako. Kapag nangyari ba 'yun, may makakaalala kaya sa akin? Gusto ko kapag nawala na ako, may makakaalala pa rin sa akin.

Ano ba 'yan ba't ba ang drama ko, sobrang sakit na nga ng ulo ko pero nakukuha ko pang mag-isip ng malalalim na bagay.

It's time to wake up from the dream of being happy.

"Anong ginagawa mo dito?!" Halos lumabas ang puso ko sa sobrang gulat ng mukha kaagad ni Vince ang bumungad sa akin ng buksan ko ang mga mata ko.

Sa sobrang gulat ko nasipa ko siya hanggang sa mahulog siya sa kama kaya naman bumagsak siya sa sahig.

Halos ilang araw din kaming hindi nag-usap ni Vince, 'yung usapang seryoso at may sense. Ilang araw ko kasi siyang iniwasan. Nakakamiss rin pala siya.

Pero hindi naman ibig sabihin 'nun wala na akong news tungkol sa kanya. Para saan pa at may WiFi kami. Syiempre inistalk ko siya sa Facebook at Twitter. Higit sa lahat sa instagram niya.

Mukhang masaya naman siya. Hindi halatang may hindi magandang hangin sa pagitan niya at ng best friend niya. Nagpost pa nga siya ng selfie nila ni Diana noong magpunta si Diana sa bahay nila. Saka ko lang narealize noong makita ko ang picture nila na ang kapal ng make up ng babaeng 'yun. Tapos obvious na fake pa 'yung eyelashes niya.

Make up pa more teh!

Hindi ko alam kung paano nakapasok si Vince sa kwarto ko, ni-lock ko naman siya kagabi. Basta ng magising ako, nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala siya.

Walangya! Di ako prepared!

Ano bang nangyari?

Bigla akong napabangon sa kama ko ngunit sinalubong na naman ulit ako ng sakit ng ulo ko.

Takte! Naalala ko na ang pinaggagawa ko kagabi. Naglasing nga pala ako!

Takte! Iba nga pala ang nangyari!

"Matapos mo akong pahirapan kagabi. Ito ang igaganti mo sa akin?! Ang thankful mo." Reklamo niya habang kinakamot ang ulo niya.

Oops. Gaano ba ako nalasing kagabi?

Naman! May pinagsasasabi pa akong mga nonsense na salita kay Aron. Walangya! Gusto ko ng maglaho sa universe!

"Hihi. Ano nga palang nangyari kay Aron?" Bigla ko na lang naitanong out of the blue.

"Aba malay ko." Mukhang nabadtrip siya sa ginawa kong paninipa sa kanya.

Pero baki?t Bakit nasa kwarto ko ngayon si Vince?

Kwarto ko?

Napatingin ako sa paligid ko. Saka ko naalala na hindi pala ako nasa sarili kong kwarto ngayon. Kaya naman pala matigas ang kama parang bato, kagaya ng may-ari bato ang puso.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kumot ng marealize ko na nasa kwarto nga pala ako ni Vince.

Siguradong lagot ako kay Mama kapag nalaman niyang umuwi ako ng lasing kagabi.

"Anong ginawa mong excuse ngayon?" Sabi ko ng hindi tinatanggal ang kumot sa mukha ko.

"Sabi ko may sleepover tayo sa bahay namin. Hindi naman siya nagdagdag ng ibang tanong. Sanay naman siyang madalas kang matulog dito sa amin." Paliwanag niya.

Takte.

Pero hindi alam ni Mama na dito ako natulog sa kwarto ni Vince. May sarili kasi akong kwarto sa bahay nila. I mean, doon ako natutulog sa kwarto ni ate Venice. Welcome naman ako doon.

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon