Chapter Twelve

98 4 0
                                    

Kiara

One year later

"Kiara!" Her voice echoed around the whole house. That's it, that

Bigla akong napabangon sa kama at kaagad na tumakbo palabas ng kwarto para salubungin si Auntie Sylvia.

"What is it Auntie?" She was smiling.

"Look what I brought you, it's from your mother." Inabot niya sa akin ang isang paper bag, na mukhang may box sa loob. Sapatos ba 'to? Hindi ko naman birthday, nag-abala pa si Mama.

"Thank you Auntie." Nakangiti kong sabi habang kinukuha ang box. Hindi naman siya ganun kabigat. Ano bang klaseng sapatos 'to?

"So how's the Philippines?" Bigla akong napatanong.

Kagagaling lang ni Auntie Sylvia mula sa Pilipinas dahil naisipan niyang magbakasyon kasama ang asawa at dalawang anak niya. Halos isang linggo din sila doon. Pinilit niya pa nga akong sumama kaya lang ayaw ko naman. Hindi naman sa hindi ko na namimiss ang sarili kong bansa kaya lang may tinapos kasi ako kaya hindi ako nakasama.

"Great! Namiss kong kumain ng mangga at bagoong." Tinapik niya pa ang balikat ko. "Sayang talaga at hindi ka sumama."

Ngumiti ako ng bahagya. Sa katunayan gusto ko naman. Sa huli, pinili kong sundin ang sigaw ng puso ko. Humabol ako sa airport, kaya lang nakaalis na sila ng makarating ako doon.

Parang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para hindi kami magkita. Para hindi ko siya makita.

Nilamon kaagad ako ng kuryosidad ng makita ko ang paper bag. Kaya naman mabilis ko ng kinuha ang box na laman nito.

Bakit ba ipinadala pa ito ni Mama? Miss na miss na ba talaga niya ako?

Miss na miss ko na rin kasi sila.

Isang taon na rin ang lumipas ng umalis ako ng Pilipinas para magpunta dito sa Italia. Nagtratrabaho  ako sa isang bagong publishing company sa isang branch ng isang sikat na kompanya mula sa New York. Bagong trabaho, isang trabaho kung saan masaya ako sa ginagawa ko. Halos tatlong buwan pa lang ako sa trabaho ko. Hindi rin naman kasi naging ganun kadali ang paghahanap ko ng trabaho dito sa bansang ito.

Sa halos unang tatlong buwan  ko dito, natapos ko na rin ang librong gustong basahin ni Eve. Hindi pa nga lang napapublish. Baka siguro pag-uwi ko sa Pinas, published na 'yun. Ang problema, hindi ko alam kung kailan ako uuwi.

Mga sarili kong childhood pictures ang sumalubong sa  akin sa loob ng box. Simula noong nasa tabi ako ni Mama sa ospital pagkapanganak sa akin, pati na nga rin 'yung binyag ko. Sa katunayan, binilang ko pa 'yung mga ninang at ninong ko. Twelve pala silang lahat, pero dati noong bata pa ako tatlo lang ang nagreregalo kung pasko.

Nakita ko rin 'yung first birthday ko. Ang liit ko pala dati. Pati na rin 'yung first day of school ko sa daycare.

'Yung first day ko sa kindergarten nandun rin. Ang cute ko talaga habang nasa likod ko ang isang hello kitty na bag. Bigay pa sa akin 'yun ni lolo.

Napansin kong medyo nagiging emotional na ako habang pinagmamasdan ang mga larawan. Bakit ba pinadala ni Mama ang lahat ng ito?

Sumunod ang picture kung saan nasa harap ako ng bahay namin kasama ang isang batang lalaki. Nasa bulsa ng batang lalaki ang kamay niya habang nakatingin ng masama sa kanya ang batang babae. Matagal kong tinitigan ang picture. Kami ito ni Vince noong eight years old pa kami. Noong mga panahong mortal enemies pa kami. Noong mga panahong nabubuhay kami sa larong wrestling.

Ganito ba talaga kami kaliit noon? Ganito rin ba kami kadungis?

Halos kasama ko na si Vince sa mga sumunod na picture. May picture kami doon habang kasama si Papa. Nakasuot kaming tatlo ng jersey habang may dalang bola si Papa na pilit inaagaw ni Vince, at halatang silang dalawa lang ang masaya. Mukha ba naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa, bata pa lang talaga ako ayoko na sa sports, lalo na sa basketball. 

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon