Chapter Eleven

77 3 0
                                    

Vincent

"What are you talking about?!"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. This is not what I'm expecting.

I know you care for me, there's no question at all
There's not anything in this world I want more than your love
Can bring up anything, hurricanes and all

Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. Pero tinanggal na naman niya ulit ang hawak ko, at saka umiwas siya ng tingin at naglakad palayo sa akin.

"Gusto kong humanap ng inspirasyon para sa bagong librong isinusulat ko." Nakaharap siya bintana at hinahayaang masinagan siya ng araw. "Most importantly, I want to find myself."

And I know.. I know that you could love me in that way

"Pero diba malayo ang Europe? Ilang araw ka bang mawawala?"

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang umalis si Kia. Iniisip ko pa lang na aalis siya, namimiss ko na siya.

"I don't care kung gaano siya kalayo. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako magtatagal doon. Probably hindi lang days- baka weeks...or months...or years." Tiningnan niya ako at saka ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti.

When gold starts to rust
And times do get tough
Then baby ooh would you love me the same

"Don't worry about me. Nakatira si Tita Sylvia sa Rome."

"Pero paano ang trabaho mo dito? Ang trabaho mo sa Pilipinas?"

If diamonds were rough
And coal was the stuff that made us
Ooh would you love me the same

Bumalik ang tingin niya sa bintana. "Magreresign ako."

"Hindi ganun kadali ang paghahanap ng bagong trabaho." Pagpapaliwang ko sa kanya.

Mahirap makahanap ng trabaho. Hindi ganun kadali 'yun. Parang ako, ilang taon ko na rin na pinopromote ang mga designs ko at mga drawings ko, pilit na naghihintay na balang araw marami rin ang makaka-appreciate sa mga gawa ko. Masaya naman ako sa ginagawa ko, pero hindi ako ganun successful kagaya ng best friend ko. Isa pa, hindi naman ako kagaya na may natapos na kurso. Iba ako sa kanya.

I see you looking like you wanna stay
What are we doing? It's not the time to play
Just for feeling is a solid game
Cause I can't do this forever

Isa pa lang napublish na libro ni Kia pero tinanggap na ito ng karamihan. Samantalang ako, ilang designs na ba ng sasakyan at mga bahay at ilang sketches na ba ng mga tao at hayop ang nagawa ko nailabas ko na sa publiko? Minsan ko na rin sinubukan ang magpaint pero bakit hanggang ngayon nasa mababang level pa rin ako?

Maganda rin ang posisyon niya sa kompanyang pinagtratrabahuan niya. Hindi niya dapat basta na lang itapon ang lahat ng pinaghirapan niya.

Hindi siya katulad ko, isang frustrated artist.

Isang taong hanggang ngayon, wala pa ring pumapansin.

Tell me honestly (Tell me)
Where you wanna be, Coz I can't hide
What this is to me, What it means to me
Coz I can't hide, Tell me what you see

"Alam mo Vince, kilalang-kilala na kita. Alam kong ayaw mo na naman na umalis ako." Naglakad siya palapit sa akin at tumayo sa harapan ko.

"Kia- you don't have to go that far-- isa pa concerned lang naman ako sa trabaho mo dito e.Alam nating pareho na hindi madali ang humanap ng trabaho."

Oo, selfish akong tao kasi sa huli may point din naman si Kia.

When gold starts to rust
And times do get tough
Then baby ooh would you love me the same

Kahit ilang beses ko pang ipagpilitan na tungkol lang sa trabaho niya ang ikinababahala ko, sa huli ayaw ko lang talaga siyang umalis, kasi ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.

Isa nga akong selfish na tao.

Ngayon pa lang, iniisip ko pa lang na mawawala ng ilang taon si Kia hindi ko na kaya. Paano pa kaya kapag umalis na siya?

If diamonds were rough
And coal was the stuff that made us
Ooh would you love me the same

"I have to. At ngayon gagawin ko ang gusto ko. Hindi mo ako mapipigilan, o kahit ni Mama. Sa ngayon gagawin ko ang gusto ko."

Takte naman! Hindi puedeng maging ganito.

Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Vince, nakikiusap ako sa'yo- as a best friend." Lalo siyang lumapit sa akin. Kitang-kita ko ang mga luhang ayaw umalis sa mga mata niya. "If you really care for me as your best friend, if you really love your best friend- please let me go."

Would you love me the same?
Will your love ever change?

Tuluyan ko ng hindi napigilan ang sarili kong hindi siya yakapin. Sinubukan niya pa ulit akong itulak palayo pero lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

"Hindi ko kayang gawin 'yan! Stay. Please."

When the lights start to dim, will you still hold my hand?

"No!" Napabitaw ako sa yakap ko ng maramdaman kong kagatin niya ako. Sira talaga ang babaeng ito.

Napahiwalay ako bigla sa kanya. Nakasimpleng shirt lang ako na may manipis na tela, kaya naman tumagos 'yung ngipin niya.

Would you love me the same
Without a dime to my name

"Puede ba Vincent, kahit ngayon lang, huwag kang maging makasarili! Kahit ngayon lang!" Tumalikod siya.

"Don't smile at me anymore. Don't call my name. Huwag mo na rin guluhin ang buhok ko. Huwag ka ng umakbay sa akin. Don't convince me on staying. Don't make me feel special! Huwag mo ng guluhin ang utak ko! Gusto ko pagbalik ko dito, hindi na ganun kabilis ang tibok ng puso kapag tinatawag mo ang pangalan ko. Gusto ko hindi na ako nakakaramdam ng kureyente kapag inaakbayan mo ako o kapag hinahawakan mo ang kamay ko!"

If the world fell apart
Would I still have your heart?
Ooh~ hoo~

She turned back, "gusto ko pagbalik ko, isang kaibigan na lang talaga ang tingin ko sa'yo."

Napasabunot ako sa buhok ko. Isang malaking desisyon ang kailangan kong gawin. Mukhang aalis pa rin si Kia kahit na anong sabihin ko. Pero mas mapapanatg siguro ang loob niya kapag sabihin kong okay lang sa akin na umalis siya. Kaya lang takte! Hindi okay sa akin na aalis siya!

When gold starts to rust
And times do get tough
Then baby ooh would you love me the same

"Marami namang paraan e. Hindi lang itong pag-alis mo papuntang Europe."

"Vince naman!" Nagtaas na siya ng boses. "Kahit kailan talaga napakaselfish mo!"

"Alam mo namang hindi ko kayang mawala ka e. Sanay na ako na lagi kang nasa tabi ko. Sanay na akong lagi tayong magakasama."

"E di sanayin mo ang sarili mong wala ako!"

"You know I can't do that-"

"Yes, you can!"

Napatahimik ako. Takte! Gusto kong tulungan siyang makamove on sa akin pero ayaw ko namang mawala siya sa paningin ko. Gulong-gulo na rin ako sa sarili ko.

"Vincent please. Just this one." She walked closer. "Help me." Halos bumulong na siya. "Help me forget you."

If diamonds were rough
And coal was the stuff that made us

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. In that moment, I made one of the hardest decision I ever had in my life. That is to let my best friend find her happiness...

"Best friends tayo e. You can go Kiara. You can go."

..even if it hurts me.

Ooh would you love me the same

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon