Chapter Six

69 3 1
                                    

Kiara

May mga bagay talaga na hindi minsan iniisip na puedeng mangyari, pero nangyayari talaga.

"Akala ko ba magrerelax tayo? Ba't papasok tayo ngayon sa isang basketball court?" Naiirita kong pahayag habang kaharap ang ilang mga kasama ko sa trabaho na sina Eve at Marie.

Sa lahat ba naman ng lugar sa mundo, bakit dito pa nila ako dinala?

Mukhang nababahala na sila sa lagay ko kasi palagi na lang akong wala sa sarili nitong mga nakaraang araw.

Isang linggo na ang lumipas, pero hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na sina Vince at Diana na. Sumasakit lang ang ulo ko. Sumasakit lang ang puso ko.

Hindi naman kasi ganun kadali 'yun. Lalo na kung halos mag-iisang dekada na ang nararamdaman ko para kay Vince.

"Sabi ng best friend mo favorite mo ang basketball. May favorite player ka pa nga. Si ano- Aron Perez." Sabi ni Eve habang nakatingin sa akin.

Dati mahilig magpunta sa opisina namin si Vince. Marami nga ang nag-akalang boyfriend ko siya noong una. Sweet daw kasi kami e. Pero siya na mismo ang nagsabi sa mga kaopisina ko hanggang best friend lang ang tingin niya sa akin. Sakit talaga sa bangs. Hindi na ako magpapabangs sa susunod.

"Oo nga. Sabi pa nga ni Vince isa kang die-hard fan ni Aron. Kaya nga nandito tayo ngayon, baka naman baka sakaling gumaan ang loob kapag nakita mo ng live si Aron." Ani naman ni Marie.

Walangya ka talaga Vince! Kahit kailan talaga!

Aggh! Ano bang gagawin ko? Ni hindi ko nga trip ang sport na basketball. Ni hindi nga ako makatagal ng sampung minuto sa tabi ni Papa kapag nanunuod siya ng basketball. Tapos ngayon manunuod pa kami ng basketball na live? End of the world na ba?

Isa pa ayaw na ayaw kong nakikita ang pagmumukha ni Aron! Takte naman.

Humanda ka talaga sa akin Vincent kapag nagkita tayo! Lagot ka sa akin! Isasama ko pa si Blackie kapag nagkita tayo!!

"I hate basketball, at higit sa lahat ayaw na ayaw ko kay Aron Perez!" Sigaw ko at saka talikod sa mga kasama ko.

Hindi pa kami nakakapasok sa loob kaya naman maraming tao ang nagsisidaanan sa paligid namin.

At mukha ngang malas ako ngayon dahil, ang nakakainis na mukha ni Aron ang bumungad sa akin ng talikuran ko sina Marie.

"Hey Babe. Namiss mo naman ako agad. Natouch ako." Ngumiti pa siya ng nakakaloko at saka bigla akong inakabayan.

"Tse! Tanggalin mo nga ang kamay mo! Maraming tao ang dumadaan, shit!" Reklamo ko habang pilit na inaalis ang mga kamay niya.

Hindi maikaila ang mga gulat na mga mukha nina Eve at Marie ng makita ang ginagawa ni Aron.

"OMG. Boyfriend mo ba talaga si Aron Perez?" Sabi ni Eve habang nasa baba ang isang kamay niya.

"Hindi pa niya ako boyfriend sa ngayon. Pero soon." I heard him chuckle. Takteeee.

Sa sobrang inis ko tinadyakan ko ang isang paa niya kaya naman nakawala ako mula sa pagkaakbay niya. Mabilis akong tumakbi papunta sa pwesto nina Eve para makaiwas sa kanya.

"Babe naman baka mainjured ako. Hindi ako makakapaglaro nito. Sayang ang future natin."

"Anong future? Wala namang tayo in the first place. Walangya!" At padabog akong lumakad paalis sa lugar na 'yun. Takte talaga! Kasalanan talaga 'to ni Vince e!

Sumunod naman sa akin sina Marie at Eve.

"Kia, saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako! May papatayin pa ako!"

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon