Chapter Five

64 4 0
                                    

Kiara

Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Vince ng personal. I mean nakikita ko pa naman ang mga pictures na inuupload niya sa mga social media accounts niya, pero hanggang doon na lang 'yun.

Nabubuhay ako sa pag-iistalk ko sa instagram niya, na sa ngayon ay may maraming pictures na kumpara dati. Napansin ko rin na dumami ang followers niya. Ano kayang ginawa niya? F4F?

Sa dalawang araw na hindi ko siya nakita, narealize ko na sobra ko na talaga siyang namimiss. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang sipain, gusto ko siyang tadyakan, at gusto ko siyang suntukin. Marami akong gustong gawin sa kanya to the point na nafrufrustrate ako dahil hindi ko magawa 'yun.

Hanggang sa imahinasyon ko na lang siguro 'yun.

"Papa, puede mo bang ilipat ang channel? Ano bang palabas ngayon sa Star Movies o HBO?" Umupo ako sa tabi ni Papa at akmang kukunin sa kanya ang remote, kaya lang kaagad niya itong inilayo sa akin.

"Nanunuod ako ng basketball." Seryoso niyang sabi habang hindi inaalis ang mga mata sa TV.

Ayan na naman siya sa basketball niya. Palagi na lang basketball.

"Pero pa replay lang naman 'yan. Napanuod mo naman 'yan ng live kahapon." Pagrereklamo ko habang pilit na kinukuha sa kanya ang remote.

"Anong replay? Doon ka manuod sa kwarto mo. May TV naman doon." Seryoso niyang sabi.

Tumigil ako sa ginagawa ko at malungkot na tumingin sa direksyon ni Papa.

Kahit kailan talaga hindi ko makukuha ang atensyon niya kapag basketball ang pinag-uusapan.

Buti pa ang basketball napaglalaanan niya ng oras, 'yung kaisa-isa niyang anak hindi.

"Sige. Aalis na lang ako." Mahina kong sabi at saka nagpunta sa kusina para uminom ng tubig.

Nakita ko naman doon si Mama habang hawak ang isang bag ng harina. Mukhang may gagawin na naman siya ngayon. Halos tuwing Sabado at Linggo na siyang nagbebake ng kung ano-ano. Simula noong nagfifty-five siya noong nakaraang taon, nahilig na siya sa pagbebake.

"O? Ba't ganyan ang mukha mo?" Kaagad niyang tanong ng makita ang nakasimangot kong mukha habang binubuksan ang refrigerator.

"Hindi ko alam Ma. Pero ano bang meron sa basketball?" Kumuha ako ng isang baso at saka nilagyan ko 'yun ng isang malamig na tubig.

"Ganyan talaga nak, may mga bagay tayong gustong-gusto natin pero parang wala lang sa ibang tao. Magkakaiba kasi tayo ng interes."

Interes?

Tama si Mama. Maraming gusto ang mga tao to the point, na 'yung iba hindi na alam kung ano bang gusto nila sa buhay nila. To the point na hindi nila alam na nabubuhay na pala sila sa gusto ng ibang tao.

Sa una wala akong alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko, hanggang sa narealize ko na may gusto na pala akong gawin.

Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging accountant. Pero dahil ito ang gusto ng mga magulang ko, lalo na ni Mama, kaya sinunod ko. Sa kalagitnaan ng biyahe ko bilang accountancy student, narealize kong gusto ko pala ulit ang magsulat. Hanggang sa ginusto kong gumawa ng sarili kong libro.

Pangarap ko na ang gumawa ng sarili kong kwento mula sa mga imahinasyon ko. Para ipakita sa mundo ang mga bagay na hindi nila alam na nag-eexist pala. Para imulat ang mga mata nila sa mga bagay na hindi nila alam na nangyayari pala. Sa mga bagay na puede pa lang mangyari.

Mabuti na lang may kaibigan ako sa isang publishing company, kaya nagawaan niya ng paraan ang unang libro ko na naipublish lang noong nakaraang taon. 'Yung librong 'yun ang tinutukoy ni Eve. Halos dalawang taon ko rin na isinulat 'yun.

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon