Epilogue

115 6 1
                                    

September 17, 2017

Kiara,

Hello sa girl best friend ko na sobrang miss na miss ko na. Deserve ko ba talagang tawagin kang best friend ko? Maybe not. Sinaktan kita e. Mali sinaktan kita ng sobra-sobra. Gusto ko  ngang bugbugin ang sarili ko.

Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, masasabi kong kakaiba ka. Alam mo kung bakit? Favorite mo ang wrestling e, ang hilig mong makipagwrestling sa akin, pero sa huli iiyak ka rin naman.

I like it every time you talked about me. Tuwing pinupuri mo ako, kahit pagbanggit mo pa lang sa pangalan ko, masaya na ako. Isa pa, isa ka rin sa mga taong nakakaappreciate sa art ko, sa mga designs ko, sa mga sketches ko. Kahit nga 'yung mga walang kabuluhan kong paintings gustong-gusto mo rin. Thankful ako 'dun, sobra.

People say you don't know what you've got until it's gone. But the truth is, I knew what I had, I just never thought I'd lose it.

Naalala mo noong swimming natin noong Grade 10 tayo, noong iniligtas kita kasi nalulunod ka na. Ang sabi mo noon doon ka nagsimulang magkagusto sa akin. When we were sixteen. Kung inaakala mong ikaw ang nauna sa atin, nagkakamali ka.

Alam mo noong una pa lang kitang nakita naisip ko na puede kitang pakasalan. Close kasi kayo ng mga magulang ko, hindi na ako mahihirapan na pabangohin ang pangalan mo sa kanila. Haha.
Sa una hindi naman masyadong seryoso 'yun, kaya lang habang tumatagal, ayon naging delikado na ang puso ko. Hindi ko alam kung kailan at saan. Basta isang araw naamaze na lang ako ng ipinagtanggol mo ang sarili mo kay Mela noong nilagayan mo ng toothpaste ang buhok niya. Hindi ka nagpapatalo kahit kanino.  Mahal mo ang ginagawa mo, kahit na hindi mo naman talaga gusto ang course na accountancy, nagawa mo pa rin na mahalin ito, kasi nga iyon ang gusto ng Mama mo. Ganun mo siya kamahal, to the point, na kinaya mong ipagpagpaliban ang gusto mo para sa kanya. Alam ko kung gaano ka katakot sa Mama mo ever since noong mga bata pa tayo. May choice ka naman talagang hindi siya sundin. Puede ka namang magrebelde actually. Pero hindi mo ginawa 'yun. Alam mo kung bakit, mahal mo kasi ang ina mo at nirerespeto mo siya. Ganun rin 'yun pagdating sa Papa mo. Kahit na ayaw mo sa basketball, minsan tinatabihan mo pa rin siya para manuod kasama siya, kahit na sa maikling oras lang. Mahal mo talaga ang nga magulang mo.

Mahal mo rin ang trabaho mo. Kaya siguro ganun ka na lang kasuccessful.

Hindi ko sasabihing mabait ka, minsan kasi hindi e. Pero alam mo ba hanga ako sa dedikasyon mo sa trabaho mo, at sa lahat ng mga ginagawa mo? Congrats nga pala kasi may trabaho ka na dyan sa Italy, samantalang ako...basta surprise na lang. Umuwi ka na kasi.

Siguro nagtataka ka pa rin hanggang ngayon kung bakit kita pinagtulukan. Natakot kasi ako para sa'yo- at para sa magiging future natin kung ako ang makakasama mo. I was really afraid you'll be unfortunate if you would end up with me.

I was not the man I wished to be with you. Gusto kong makahanap ka ng lalaki na may magandang trabaho. 'Yung lalaking may ipapakain sa'yo, at sa mga magiging anak niyo. 'Yung lalaking alam ang ginagawa niya.  Hindi 'yung lalaking walang tumatangkilik sa mga designs niya. Hindi 'yung lalaking hindi nakatapos sa kolehiyo dahil sa namatay ang ama niya, at masyado niyang sinisi ang sarili niya sa nangyari, hanggang sa nawalan siya ng focus sa buhay. Hindi 'yung lalaking kaibigan ni failure. Hindi 'yung lalaking kagaya ko lang.

Noon pa lang, alam ko ng ikaw si 'the one' ko. Kaya lang duwag kasi ako, at insecure na rin sa iba kaya naman pilit kitang pinagtulakan palayo.

Selfish ako Kia. Oo, napakaselfish ko. Akala ko kasi sapat na maging girl best friend lang kita, at hanggang ganito na lang tayo. Pero hindi pala. Aaminin kong sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo para na rin sa friendship natin. Pero hindi ko kinaya.

Kia, mahal kita. Hindi lang isang best friend. Mahal kita ng higit pa 'dun.

Noong tuluyan ka ng umalis sa buhay ko, narealize ko kung gaano naging isang gago. Sorry Kia. Napakalaki ko talagang gago.

Matagal na rin kaming naghiwalay ni Diana. Alam mo kung bakit, hindi niya ako mahal e. May iba pala siyat gusto. Tama na rin na naghiwalay kami, kasi sa huli masasaktan lang namin ang isa't isa kung wala namang pagmamahal sa pagitan namin.

Sa ngayon, kung bibigyan man ulit ako ng isa pang pagkakataon, wala na akong pakialam kung hindi man ako ang isang perpektong lalaki na para sa'yo. As long as I'm with you, and you're with me, everything will be perfect. We'll turn an imperfection to a perfection in our own way.

I miss you.

I love you.

Vincent Christopher Dela Vega

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon