Prologue

235 8 0
                                    

August 18, 2008

Mahal kong Vincent,

Malapit na ang pasko. Hindi mo mamamalayan, ber months na, tapos pasko na 'yan. Malapit na rin ang birthday ko. Huwag mong kalilimutan ang regalo ko. Gusto ko sana na makatanggap ng libro ngayon. Kahit anong libro basta nababasa, masaya na ako 'dun. Huwag kang KJ sana magawan mo ito ng paraan. Tumatanggap naman ako ng kahit ano basta libro.

May gusto nga pala sana akong sabihin sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako. Pakiramdam ko kasi isang malaking kasalanan ang nagawa ko. Isang kasalanang hindi ko alam kung may kapatawaran. Mapapaatawad mo pa kaya ako? Mas mabuti na ako na lang ang magsabi sa'yo, kaysa naman sa ibang tao pa manggaling. Gusto ko sa akin mo na mismo malaman ito. Sana ay maniwala ka. Hindi ito joke, dahil ito ang katotohanan. Vince, ang totoo niyan... huwag mo sana akong pagtawanan pero... ako si Darna! Nakuha na ni Valentina ang puting bato, at hindi ko na alam ang gagawin ko, tulungan mo naman akong hanapin si Ding. Ilang sandali na lang lulusob na ang mga kalaban dito! Tumawa ka please joke ito.

Ano ba 'yan, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos. Ang totoo talaga, last na 'to promise! Tingin ko mahal ko na yata ang best friend ko. Feeling ko hulog na hulog na ako sa'yo! May balak ka bang salohin ako? Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sana maunawaan mo.

Ang iyong kaibigan,
Kiara Lucia Sandoval

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon