Chapter One

230 6 0
                                    

Kiara

2016

It was pitch black, but then he came, and turned everything bright.

There was once a girl who's always afraid of trying things. But there came a little boy who taught her to take risks. For that girl, life was all about rains, but that boy showed her rainbows.

Buong buhay ko may isa akong matalik na kaibigan na kakampi ko sa lahat ng bagay. Ay mali, hindi nga pala sa lahat ng bagay kasi minsan siya pa ang nagiging kaagaw ko sa iba. Kagaya na lang ng atensyon ng Papa ko. Hindi ko na nga minsan maipaliwanag kung bakit naging ganun sila kaclose. Parang sila na nga ang tunay na mag-ama. Minsan nga tinatanong ko pa si Papa kung sino ba talaga ang anak niya.

"Vince!" Tawag ko sa lalaking naka-upo sa harapan ng mesa habang may kung anong ginagawa.

Matagal na kaming magkaibigan ni Vincent, at halos lahat ng mga pinaggagawa niya sa buhay niya alam ko. Well, ganun din naman siya sa buhay ko.

"Anong meron? Anong bago?" Dugtong ko sa sinabi ko kanina. Nakagawian ko ng sugurin siya sa workplace niya tuwing Sabado ng umaga. Bukod kasi sa wala akong trabaho sa araw na 'to, ito rin ang oras kung kailan nakakapag-usap kami ng matagal. Boses pa lang kasi niya pakiramdam ko kumpleto na ang araw ko. Talking to him and being with him is what I look forward every weekends.

Ito ang mga sandali kung saan nasisilayan ko siya, lalo na 'yung mga ngiti niya. Feeling ko nga mamamatay na ako sa sobrang kilig.

The room was a total mess ng makapasok ako. Parang dinaanan ng isang bagyo sa sobrang kalat to the point na hindi ko na nga alam kung ang alin ang basura at hindi. Nagkalat ang iilang mga lapis sa mesa at sa sahig, pati na rin ang mga lukot na papel. May mga markers rin na nagkalat sa ilalim ng mesa niya at iilang mga punit-punit na papel. 'Yung ruler parang out of place habang kasama ang mga lukot na papel. Pati nga mga bakas ng erasers nandyan sa gilid ng mesa na hinahayaan niya lang mahulog sa sahig.

Hindi ko rin maiwasan na hindi pansinin ang amoy ng kape na bumabalot sa buong kwarto. Marahil ay dahil 'yun sa kape na paboritong-paborito niya kapag gumuguhit siya.

He was the only one that looks right in that situation. Seeing him working busily in his desk habang tumutulo 'yung pawis niya sa buong mukha niya, it makes the whole area a lot more beautiful and appealing. Tinitingnan ko pa lang siya masaya na ako, at iniisip ko pa lang kung gaano siya kadedicated sa pagguhit niya pakiramdam ko mas nahuhulog pa ako sa kanya.

He's Vincent, but I call him Vince, and unfortunately, his my best friend.

"New project." He replied as he continued on his drawing. Medyo lumapit ako sa pwesto niya at saka tiningnan ko ng mabuti ang ginuguhit niya.

Isang babae 'yun.

Goodness. Isang babae na naman.

By that new project, he means another thing. A new project could mean something that sparks his interest. Sometimes, it could be a human being or a thing. Pero madalas, babae talaga. Binabawi ko na ang mga sinabi ko tungkol sa dedication niya sa pagguhit niya. Sinasayang niya lanag ang talent sa mga walang kwentang bagay. Hayy, kailan kaya niya babaguhin ang ganitong ugali niya?

"Let me guess, bagong babae ba 'yan?" What I said was enough to make him look at my direction. Ngumiti siya ng nakakaloko habang nagtataas-baba ng kilay.

His Girl Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon