I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 4

100 6 2
                                    


KABANATA 4

"I'm sorry kung nadistorbo kita ng ganitong oras." Paumanhin ni Jessica habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"It's okay. Sanay naman ako sayo dati na biglang sumusulpot diba. Para ano pa't naging matalik mo akong kaibigan. Anong problema? Nag-away ba kayo ni Alex?"

Tumango lang siya bago nagsalita.

"Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong gawin. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko maiwasan na magselos at mangamba na balang araw pipiliin niyang magkaroon ng normal na buhay."

"What are you talking about? Sa pagkakaalam ko sa inyong dalawa siya pa ang talagang lesbian sa inyo." nalilito sa mga pinahayag ni Jess sa kanya.

"Kasi ganito 'yon, may bestfriend siya dati at malapit na magkaibigan din ang mga magulang nila. Si Marco isang doctor at anak ng isa sa may-ari ng hospital na pinagtatrabahuan namin." huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

"And then?"

"Si Marco ay may gusto sa kanya at nililigawan siya. Natatakot ako na baka magbago siya at madevelop kay Marco. Anong laban ko doon?" naiiyak na naman siya.

"Teka-teka lang ha. Alam ba ni Marco ang tungkol sa inyong dalawa?"

"Hindi, ayaw pa niyang sabihin kasi nga daw natatakot siyang malaman ng pamilya niya at sigurado siyang hindi nila matatanggap kung ano siya at ang relasyon namin."

"Ano naman ang sabi niya tungkol kay Marco? Sa tingin mo may gusto din si Alex sa kanya?"

"Sabi niya magkaibigan lang daw sila at wala naman daw siyang balak na lumagpas doon. Pero hindi ko maalis na mag-aalala at magselos, kasi parati silang nagkikita sa hospital tapos malapit pang magkaibigan ang pamilya nila, at ito pa ha, 'yong parents nila parang gusto na silang ipagkasundo. Anong gagawin ko?"

Natawa ng hilaw si Sarah sa kanya at iiling-iling ito.

"Inlove ka na talaga sa kanya. Akala ko noong una ay curious ka lang na subukan ang relasyon ninyo. Pero habang tumatagal parang hulog na hulog ka na sa kanya at nakikita ko talaga for the past 3 years masaya ka naman. Infairness, Alex is a good person at nakikita ko rin kung paano ka niya alagaan at pinahahalagahan pati pamilya mo." mahabang sabi ni Sarah.

"I love her. I love her so much! Mahigit tatlong taon na kami pero kahit kailan hindi ako nakaramdam ng ganitong takot na mawala siya. Sar, we're okay! We are good for each other at wala kami masyadong pinag-aawayan kahit patago nga lang relasyon namin lalo na sa pamilya niya. Alam mo noong una, ayaw nila Mama at Papa sa relasyon namin dalawa, pero alam mo at saksi ka kung paano ko siya ipinaglaban. She's the first girl and the last person I will love..." naiiyak nanaman siya dahil naramdaman na kirot sa puso niya.

"Sshhh!... Baka naman nag-over react ka lang d'yan at wala naman talagang dapat ikatakot sa relasyon ninyo. I know mahal na mahal ka ni Alex at hindi kayo aabot ng tatlong taon kung hindi malalim ang nararamdaman ninyong dalawa. Mag-usap kayo ulit at ask her again at malalaman mo naman siguro kung may kakaiba na siyang nararamdaman para sa Marco na 'yon."

"Sana nga, napapraning lang ako. Kasi hindi ko talaga alam ang gagawin, kung mawawala siya. I swear, iisipin ko pa lang... I would shattered!" napahagulgol na naman siya ng iyak.

Hindi umuwi si Jessica noong araw na iyon at kinabukasan ay deretso siyang nagduty. Nagtataka siya na lagpas na sa schedule ni Alex ay wala pa ito. Hindi din niya nakita si Marco kaya nag-iba nanaman ang pakiramdam niya at hindi mapakali. Pilit niyang e focus ang isip niya sa trabaho ngunit hindi niya maiwasan na mag-isip na magkasama ang dalawa. Tumatawag si Alex sa kanya kagabi ngunit hindi niya ito sinasagot. Hanggang sa mapansin siya ni Sheila at nilapitan siya nito.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon