I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 8

104 6 1
                                    


KABANATA 8

"May naghahanap sayo, kaibigan mo daw siya."

"Sino? Nasaan?" curious na tanong ni Jess.

"Ayon o!" itinuro ni Ken ang table ni Alex.

Tinanaw ni Jess ang tinuturo ni Ken at sini-sino ang tao kung kakilala ba niya dahil medyo distansya at dim ang light kaya hindi klaro ang mukha.

"Si Alex daw siya kasamahan mo sa trabaho dati." sabi ni Ken.

Namilog ang mga mata ni Jessica at biglang lingon niya kay Ken.

"Who?" nakakunot na tanong niya ulit dahil parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"She said her name is Alex. Do you know her?"

Tumango lang si Jessica at saglit na tumahimik at nilingon ulit si Alex. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng pananabik dito ngunit pinigil niya ang sarili. Tumingin ulit siya kay Ken.

"Yeah I know her. Punta muna ako ng restroom at pupuntahan ko siya maya-maya." sabi niya rito bago tumalikod.

"Okay!" tugon ni Ken at tumalikod na rin at bumalik sa table niya. Si Ken ang kaklase ni Jessica noong high school at kabarkada din.

Nasa loob na ng banyo si Jess at naghugas ng kamay at saka inaayos ang sarili. Hindi alam ni Jessica kung haharapin ba niya si Alex o iiwasan nalang, pero gustong-gusto niya itong makita at yakapin. Pero alam niyang hindi na tama ang gagawin niya dahil ikakasal na ito. Saglit niyang hininto ang ginagawa at napaisip. "Bakit siya nandito? Anong kailangan na naman niya sa akin? Hindi ba matutuloy ang kasal nila ni Marco?" sunod-sunod na tanong ng isip niya. " Hay! Ano ba Alexandra? Bakit ayaw mo akong patahimikin..." bulong niya sa sarili. Inaayos niya ulit ang sarili bago lumabas ng banyo upang harapin si Alex.

Na a-amazed na pinagmamasdan ni Alex si Jessica habang papalapit ito sa kanya. Nang makalapit na si Jess ay tumayo si Alex at sinenyasan na umupo ito sabay ngiti dito. Tiningnan lang siya ni Jessica saglit at umupo na rin sa katapat niya. Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa habang nagkikiramdaman sa isat-isa. Hindi inaalis ni Alex ang mga mata niya kay Jessica habang naluluha itong pinagmamasdan siya. Iniiwas naman ni Jessica na mapatingin ng deretso kay Alex.

"Namiss kita." mahinang sabi ni Alex.

Dahan-dahan naman tumingin ng deretso si Jessica sa kanya at tinitigan.

"Bakit ka nandito?" walang emosyon na tanong niya.

Ngumiti lang si Alexandra bago nagsalita.

"You never failed to amused me when you sing."

Bahagyang napangiti si Jess pero binawi niya kaagad.

"Alex?... What are you doing here?" seryosong sabi ni Jess.

Bumuntong hininga muna si Alex bago nagsalita.

"You know I've always wanted to be here since I was in high school, just for a vacation, kaya lang ayaw naman nila Daddy kasi malayo daw at dapat pagsummer doon kami sa mga kamag-anak namin para mapalapit sa mga pinsan at Tito and Tita. I always think this place is so relaxing and the nature are so magnificent and wonderful that I could find peace in myself being here. I took a vacation para makapag-isip at malayo sa stress ng buhay at magkaroon kahit sandaling katahimikan. And God is so good that he knows what makes me at peace and happy. These past few weeks I'm missing someone so much. I never expected to see you here but I did... my heart found you." madamdaming pahayag ni Alex na hindi napigilan na mapaluha.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon