I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 10

84 9 1
                                    



KABANATA 10

"Diba nagkita kayo ni Jessica sa isang party?" mahina at halatang pigil ang emosyon niya.

Saglit na nagulat si Marco sa tanong niya at nagtaka, ngunit sinagot na rin niya ang tanong ni Alexandra.

"Ah—yeah! Di ba nasabi ko na sayo." si Marco na kinakabahan na rin sa tanong ni Alex at umupo na lang sa sofa.

"Anong nangyari? Nag-usap ba kayo?" hindi pa rin inaalis ni Alex ang tingin niya kay Marco habang nakahawak ang isang kamay sa gilid ng kanyang pants.

Nakaramdam nang tension si Marco kay Alex kaya lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib ngunit pilit pa rin niyang hindi pinahalata.

"Why are you asking those questions? Namimiss mo na ba s'ya?" pag-iiba n'ya ng topic at sabay tayo upang iwasan ang mga tingin ni Alex sa kanya.

"Yeah! I miss her so much... When I saw her in the picture of my friend I felt happy at the same time, sad. But when I saw her kissing someone, it hurts. What shocked me, was the man his kissing with, hHHHis so familiar with me... I felt really angry and mad." she moved a little closer to Marco with a teared eye.

Napatitig si Marco kay Alex ng marinig ang kwento nito. Bigla siyang namutla at nalito kung ano ang kanyang sasabihin o gagawin. Binawi kaagad ni Marco ang tingin niya at yumuko. Kinakabahan na siya at natatakot sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap.

She tried to control her composure and take a pause and breathe for awhile before she speaks.

"What happened Marco? Please tell me the truth."

Saglit tumingala si Marco para lumanghap ng hangin saka nagsalita.

"I'm so-rry..." may bikig sa lalamunan niya ng pagkasabi sa huli.

Alex knew it already and she cannot contained her tears and she break down.

"I'm so sorry...hindi namin sinasadya ang nangyari. I was crazy and stupid that night... kung maibabalik ko lang sana.. I know, I don't have any excused to justify what I've done, but swear, we didn't mean it to happened, nilagyan ng drugs iyong inumin namin kaya na out of control kami sa sarili namin, kaya may nangyari.

Napatingin si Alex kay Marco at humakbang papalapit dito at sinampal siya. Nabigla si Marco at halatang nawindang sa sakit at lakas ng sampal sa kanya na ikinamula ng mukha nito, ngunit yumuko nalang siya at hindi mapigilan na tumulo ang luha.

"How can you do this to me?" saglit siyang suminghot. "Bakit?! Alam kung may pagkukulang ako bilang asawa mo, pero hindi naman siguro rason iyon para lokohin mo ko. Maiintindihan ko pa siguro kung ibang babae Marco, pero bakit si Jessica pa? Anong gusto mong patunayan, ha? Bakit si Jess pa?..." umiiyak na si Alex na umupo na rin sa katabing upuan.

Hindi na mapigil ang pagtulo ng luha ni Marco at nasasaktan siya sa nangyayari at nagiguilty siya dahil sa nagawa nila ni Jessica. Lumapit siya kay Alex at lumuhod habang nakikiusap.

"Lex... forgive me." Pinupunasan niya ang kanyang mga luha matapos magsalita. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa tension at emosyon na nararamdaman at magkahalong pagsisisi, galit sa sarili at awa para kay Alex na alam niyang nasasaktan ito ng sobra.

Tinitigan niya muna ito habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. "I don't know Marco... You broke me... and now... I don't know kung kaya pa kitang makasama at makita. It's over..." sabay tayo at pumunta sa loob ng kwarto nila at umiiyak.

Habang si Marco naman ay di mapigilan na sumigaw at magwala sa sala. Itinapon niya at binasag ang ibang ornaments naka display sa kanilang sala. Matapos magwala ay umalis siya at nagdrive palayo sa kanila at hindi alam kung saan pupunta.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon