I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 3

108 7 2
                                    

KABANATA 3

Tumayo si Alex upang kumuha ng pagkain nang lapitan siya ng mga barkada ng kuya Andrei niya.

"Alex, sino ba iyang kasama mo? Pakilala mo naman kami oh!" si Gerard.

"Huh? Kayo talaga umandar na naman iyang pagkachick boy ninyo."

"Hindi naman, humahanga lang talaga kami sa mga magaganda at sexy. Kasi naman iyang friend mo, tsk! Ang ganda talaga parang pinaghalong Cristine Reyes at Lovi Poe." si Edward.

"Ah sus! Tigilan n'yo nga ang kaibigan ko at taken na yan kaya wala na kayong pag-asa."

"Ganon ba, sayang at kursunada ko sana. Pero kapag nabakante siya, sabihan mo ako." sabay kindat pa si Edward pagkatapos.

"Hala! Asa ka pa! Diyan na nga kayo." Iniwan ni Alex na nailing nalang sa mga kaibigan ng kuya n'ya.

Tahimik lang si Jessica habang papauwi hanggang sa makarating na sila sa condo. Matapos maglinis ng katawan at makapagbihis ay naunang humiga si Jessica na hindi parin nagsasalita. Napansin naman ni Alex at sumunod din siyang humiga sa tabi nito na nakatalikod sa kanya.

"Bes? Okay ka lang?" hinaplos niya ang braso nito.

"Umm." mahinang sagot nito na hindi parin humarap sa kanya.

"May problema ba tayo? Galit ka ba sa akin?" malambing na tanong niya.

"Wala, pagod lang ako at inaantok na kaya matutulog na ako." parang walang gana makipag-usap na wika niya.

"Bes, huwag ka nga ganyan. Please sabihin mo sa akin kung anong niloloob mo. Diba bawal maglihim sa atin." niyakap na niya ito mula sa likuran.

Sumisinghot na si Jessica na hindi pa rin humaharap sa kanya. Narinig naman ito ni Alex at dahan-dahan niya itong pinaharap sa kanya.

"You're crying? Why?" nagtataka at nag-alala na sambit niya.

"No, hindi lang maganda pakiramdam ko." pilit iniiwas ang kanyang tingin kay Alex.

"Really? Don't lie to me. Obviously, may problema at gusto kong sabihin mo sa akin. Bes, please tell me the truth. Why are you acting like this? Is this something to do with my Family and Marco?"

Tumango lang siya ng marahan bago nagsalita.

"Bes, natatakot lang ako."

"Of what?"

Tinitigan na siya nito ng deretso.

"I'm afraid of losing you. Hindi ko yata makakaya Bes." naluluha niyang sabi.

"You're not gonna lose me! I'm not leaving you." hinaplos niya ang mukha nito.

"Hanggang kalian tayo magtatago? Hanggang kailan mo sasabihin sa pamilya mo ang totoo tungkol sa atin?"

"Soon! After kuya Andrei's wedding. That would be three months from now." pinisil niya ang braso ni Jessica at pagkatapos hinaplos ulit ang mukha nito.

"I love you!" Jessica said it sincerely with teared eye.

"And I love you so much..." wika ni Alex at masuyo niya itong hinalikan.

Buong pagmamahal naman tumugon si Jessica sa bawat halik at haplos ni Alex sa kanya. Lumalakbay na rin ang mga kamay nito sa buong katawan ni Alex habang hinahalikan ni Alex ang bawat sulok ng kanyang mukha pababa ng kanyang leeg. Marahan hinubad ni Alex ang damit ni Jessica habang wala pa rin tigil na nilalasap ang kani-kanilang labi. Hanggang sa bra at panty nalang ang natirang saplot nilang dalawa.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon