I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 6

118 6 1
                                    


KABANATA 6

"Lex, kinausap ko ang Daddy mo para tulungan ka pero wala akong kinalaman sa plano niyang pagpapakasal sa atin. Sinabi lang din niya sa akin iyon."

"Ikaw, sang ayon ka ba sa gusto ni Daddy?" tinitigan niya ng deretso si Marco.

Sinalubong naman ni Marco ang tingin ni Alex at saglit nag-isip bago sumagot.

"If you asked me if agree ako sa plano ng Daddy mo, honestly, no. But if you ask me if gusto kitang pakasalan, yes... But Lex I'ts not important what I want, it is your choice to make. Alam mong mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo." sinserong sagot ni Marco na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Alex.

Tahimik naman tinitigan pa rin niya si Marco at inaarok ang katotohanan sa sinasabi nito. Hindi man niya aminin pero alam niyang totoong mahal na mahal siya nito. Lalo tuloy siyang naguguluhan kung papayag ba siya sa sinasabi ng Daddy niya. Nahahati ang kanyang puso at isipan sa kung anong dapat niyang gawin. Mahal na mahal niya si Jessica kaya handa niyang gawin ang lahat para dito. Inalis niya ang tingin kay Marco at bahagyang tumingala at ipinikit ang kanyang mga mata bago nagsalitang muli.

"Marco, pwede mo ba akong samahan kay Daddy bukas?"

"Okay, whatever your decision Lex, I will support you." hinawakan ni Marco ang isa niyang kamay.

Nang maramdaman ni Alex ang kamay ni Marco ay bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ngunit hindi nalang niya ito ipinahalata.

Kinabukasan sinamahan ni Marco si Alexandra sa bahay ng mga magulang niya upang kausapin.

Nakaupo sila sa balcony kung saan nandoon ang kanyang Daddy at Mommy. Magkatabi naman nakaupo sila Marco at Alex katapat ng mga magulang niya. Hindi alam ni Alexandra kung paano sisimulan ang gusto niyang sabihin sa mga ito.

"Alex, napag-isipan mo na ba ang sinabi namin sayo ng Mommy mo?" ang Daddy ni Alex.

Pinalipat-lipat muna niya ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at bumuntong hininga bago nagsalita.

"Nakapagdecesion na po ako pero bago po ang lahat gusto ko po malaman kung ano ang mangyayari sa Papa ni Jessica kung sakaling papayag akong pakasal kay Marco?" deretsong sabi niya.

Nagulat naman ang mga magulang sa pahayag ngunit makikita sa mga labi nito ang matipid na ngiti. Samantalang nagulat din si Marco sa sinabi ni Alex at nakaramdam siya ng saya dahil magpapakasal ito sa kanya ngunit kaagad napalitan ng kalungkutan dahil naisip niyang magpapakasal ito sa kanya hindi dahil mahal siya nito ngunit para kay Jessica.

"Anak, masaya kami sa decision mo at iyan ang tama para sa lahat lalong-lalo na sa inyong dalawa ni Marco." Natutuwang pahayag ng Mommy niya.

Tumingin lang si Alex sa Mommy niya at kaagad ibinalik ang pansin sa Daddy niya kung saan hinihintay pa rin niya ang sagot nito.

"Anak, natutuwa ako sa decision mo. Huwag kang mag-alala kinausap ko na ang may-ari na kaibigan ko at tinanong ko ang possibleng mangyari sa Papa ni Jessica kung sakaling babayaran natin ang mga nawala kasama na ang interest." paliwanag ng Daddy niya.

Hindi pa rin inaalis ni Alex ang paningin sa Daddy niya at tahimik na nakikinig.

"Sabi ng kaibigan ko ay iuurong nila ang demanda sa Papa ni Alex ngunit hindi na ito makabalik sa trabaho. Pero bibigyan naman daw ito ng kalahati ng separation pay niya." Patuloy na kwento ng Daddy niya.

"Kalahati lang ng separation pay niya?" di sang-ayon na pahayag nito.

"Anak, that's the best I can do for him. Buti nga may ibinigay pa kasi kung tutuusin sa nangyari kahit isang kosing walang matatanggap ang Papa niya."

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon