I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 11

147 7 12
                                    


"I just wanna see you at kumustahin ka." saglit tinapunan ng tingin ang bata at patuloy na nagsalita. " at kumustahin pa-ti... ang...anak mo?" may ibig sabihin na tanong ni Marco sa huli.

Napalunok ng laway si Alex ng matukoy ang kanyang anak na si James. Saglit niyang itong tinitigan bago nagsalita.

"I'm fine..we're fine! Pwede kanang makaalis. Salamat sa pagbisita." Medyo pataray at pilit itinatago ni Alex ang pangamba at kaba nararamdaman niya. Lumapit siya sa bata at kinuha ito at binigay kay Manang Hilda.

"Honey, you play with Yaya Hilda in the room okay?" sabi ni Alex sa bata at hinagkan ito.

"Okay! Mom... eat..me?" sabi ni James na minuestra pa ang kamay sa ibig niyang sabihin.

"Okay, Manang bigyan mo siya ng biscuits." si Alex na nakangiti kay James.

Kaagad naman sinunod ng katulong ang sinabi ni Alex at naiwan nalang sila ni Marco sa sala.

"Pasensya na Marco at hindi kita mahaharap ngayon kasi may lakad pa ako." Pagtataboy ni Alex habang nililigpit ang mga laruan ng bata.

"Is he my son?" he looked at her with determination to know the truth.

Biglang napalingon si Alex sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata na nagulat sa tanong nito. Sandaling nagtitigan silang dalawa at nagsusukatan ng tingin. Si Alex ang unang bumawi ng tingin sa kanya at tumalikod.

"Umalis kana..." mahina pero madiin na sabi niya na hindi tumitingin dito.

"No! Tell me the truth. James is my son, right?"

"No! kaya umalis kana."

"Huh! I don't believe you. Paano ka nagkaanak? Kailan? At kanino?" sunod-sunod na tanong ni Marco.

"It's non of your business!" sabay talikod kay Marco.

Marco grabbed her elbow to face him and pulled her closer to him.

"May kakaiba akong nararamdaman sa bata at hindi mo maipagkakaila sa itsura ng bata ang totoo."

"Maayos na kami... Leave us alone, Marco." sinalubong ng tingin ni Alex ang tingin ni Marco.

"Where's Jess?"

Nanumbalik ang kirot nila ng maalala ang nakaraan at parehong silang naluluha.

Mga ilang buwan nakalipas simula ng malaman niya ang tungkol kina Marco at Jessica ay lumayo na si Alex sa lahat ngunit isang araw nakita niya si Sarah ang bestfriend ni Jessica na papasok sa isang hospital kung saan nagtatrabaho si Alexandra na bagong pinasukan niya matapos makapagresign sa dating hospital na pinagtatrabahuan niya.

"Sarah?" si Alex na papalapit kay sarah na nasa information center ng hospital.

"Lex?" nagulat na sambit ni Sarah.

"Hi! What are you doing here? Sino ba ang may sakit sa inyo?"

Halatang kinakabahan at atubili na sumagot si Sarah sa kanya.

"Are you okay? Whats wrong?" nag-alalang tanong ni Alex.

"Yeah, I'm f-ine. Kamag-anak ko may sakit."

"Ah, ganon ba... Anong sakit niya?"

"Ahm... diabetic. Pagsisinungaling ni Sarah. "Lex, I have to go, I'm sorry."

"Yeah! It's okay. Ingat!" nakangiting paalam ni Alex sa kanya.

Saglit naman tumango at ngumiti si Sarah bago tumalikod at umalis.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon