I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 5

98 6 1
                                    

KABANATA 5

Nagulat naman ang lahat at palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa na hindi makapaniwala.

"Ah!... Lesbian kayo?" si Carla na nakakunot ang noo.

Sabay naman silang tumango. Nanlaki naman ang mga mata ng tiyahin niya na si Gina at Minda.

"Alam ba ito ng magulang mo Jessica?" tanong ni Minda.

"Opo, bakit may problema po ba?" nagtatakang tanong niya na may hindi maganda siyang nararamdaman sa gusto nitong ipahiwatig.

Samantalang tahimik lang si Alexandra na nakikinig habang magkahawak sila ng kamay na nakatago sa ilalim ng mesa kung saan silang dalawa ay magkatabi.

"Pero... hindi kaaya-kaaya ang relasyon ninyong dalawa ihija. Ibig sabihin hindi kana mag-aasawa?" tanong naman ni Tiya Gina.

"Siya po ang magiging asawa ko. Wala naman pong problema sa amin. Mahal namin ang isat-isa." medyo naiinis na si Jessica sa mga tanong ng mga ito.

"Diyos ko! Hindi ba kayo kinikilabutan sa ginagawa ninyo Jessica. Wala yan sa bibliya na pwedeng magsama ang parehong babae. Hindi maganda tingnan..." parang nandidiri na pagkasabi ng tiyahin niyang si Minda.

"Jessica, Hindi kaba nahihiya na babae ang karelasyon mo?" segundang tanong naman ni Carla.

"Bakit naman ako mahihiya?" pataray na sagot ni Jessica.

Medyo pinisil naman ni Alex ang kamay niya tanda ng pagpigil sa kanya na sumagot.

"Tama na yan!" saway ng Uncle Jose niya.

Saglit natahimik ang lahat at nagpakiramdaman.

"Masaya ka ba?" biglang tanong ni Jonard sa kanya.

"Oo!..." diretsong sagot niya na nakangiti pa.

"So , paano yon?" patuloy ni Jonard.

"What do you mean?" naguguluhan at nakakunot ang noo ni Jessica.

"Iyong ano..." naiilang at nahihiyang tumbukin ni Jonard ang ibig niyang sabihin.

"Sex?"

Tumango si Jonard. Samantalang ang iba ay mataman lang nakikinig at curious din sa sagot n'ya.

Bumuntong hininga muna siya at pinagmasdan mabuti ang kanyang pinsan na si Jonard bago sumagot.

"Pareho lang... But you know what hindi ganon kababaw ang relasyon namin kung yan lang ang concern ninyo. Sex is part of a relationship but its not all about it!" pigil na galit ang makikita sa mukha ni Jessica at panay naman ang pisil ni Alexandra sa kamay niya upang pakalmahin ito.

"Pero mali ang ginagawa ninyo sa mata ng Diyos at tao." deretsong sabi ng Tiya Minda niya.

"Sinong may sabi na hindi kami tanggap ng Diyos? Kayo?!... Pare-pareho lang tayong tao at anak ng Diyos. I believe in God, I love my God and I respect every individual as God wants me to do... So, if you can't accept us then please stop judging!... Because you, yourself, don't even sure if you're going up there. Just work for yourself first before you intrude others lives." mataray n'yang sabi bago tumayo.

Tumingin si Alex sa kanya dahil bigla itong tumayo.

"Mauna na po kami." Sabay tingin n'ya sa tyuhin.

Tumayo na rin si Alex at sabay silang umalis na magkahawak pa ng kamay sa isat-isa. Samantalang tahimik na naka-ismid naman ang mga tiyahin at pinsan na sinusundan sila ng tingin papalayo.

"Grabeh!... taray mo ah!" natatawang sabi ni Alex sa kanya ng makalayo na silang dalawa.

"Ummmpm!... dapat lang noh! Wala silang karapatan lait-laitin tayo. Kung makapagsalita sila parang ang linis-linis. Kung tingnan tayo para bang may sakit tayo na nakakadiri. Kung hahayaan natin silang insultuhin at tratuhin tayo na parang salot ay mamimihasa yan sila at hindi tama na husgahan tayo." inis parin niyang paliwanag kay Alex.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon