I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 2

134 6 2
                                    


KABANATA 2

"Where's Mom?" si Alex.

"In the kitchen." si Andrei.

Kaagad naman dumeretso si Alex sa kusina upang puntahan ang kanyang Mommy, at nagtataka siya ng may nakita siyang isang lalaki na nakaupo sa dining room nila na nakatalikod sa kanya. Kumunot ang noo niya at curious sa lalaki na di niya nakilala.

Nang lalapitan na niya ang lalaki ay bigla siyang tinawag ng Mommy niya.

"Alex! Hi Ihija." lumapit ito sa kanya at hinagkan siya.

Nilingon naman niya agad at hindi niya namalayan na nakalapit na rin ang lalaki mula sa likuran niya. Tinakpan ang kanyang mga mata ng lalaki mula sa likuran.

"Who are you?!" gulat na tanong niya na pilit tanggalin ang kamay na nakatakip sa mga mata niya.

"Do you miss me?"

"Shocks! Marco?" excited ngunit hesitant na sabi niya.

Bahagyang tumawa si Marco at binitiwan na siya. Kaagad naman humarap si Alex at nakangiting niyakap agad si Marco. Masayang niyakap din siya ni Marco.

"When did you arrived?" sabi ni Alex ng kumalas na siya rito.

"Yesterday, I am excited na makita ka kaya nauna pa akong pumunta dito kaysa iba kong kamag-anak."

"Talaga?!"

"Yeah! Wow! Dalaga ka na?" na amazed si Marco kay Alex ng makita niya ng kabuuan nito.

Nakunot ang noo ni Alex.

"What?! Matagal nanaman akong naging dalaga noh! Bago ka pa umalis noon. Ikaw talaga, hindi pa rin nagbabago, nang-aasar ka nanaman."

"No! No! What I meant, you look fabulous and so beautiful. Sorry, I used the wrong word. You're a woman now. Babaeng babae kana, damn you're hot!" iiling-iling si Marco na hindi makapaniwala.

"Grabeh! Upgraded na ang pang-aasar mo ah! Galing ka lang sa states kung makapuri ka wagas!" natatawa na sabi ni Alex.

"It's true! You're so beautiful Alexandra. You bloomed and gorgeous!?" nakangiting puri nito.

"Tama na nga! Salamat. Nako-conscious na ako sayo. Uubusin mo yata lahat ng adjective ng pangbobola. Pasalubong ko?!" namilog ang kanyang mga mata pagkasabi sa huli.

Natawa naman si Marco sa hirit ni Alex.

"Opo, mamaya ibibgay ko sayo. Hindi man lang nangumusta muna bago pasalubong." nakangiting sabi nito.

"Ah! Oo nga pala. Kumusta?" natatawang sabi nito.

"Ay sus! Huli na po!"

"Atleast natanong ko."

Nagtawanan nanaman silang dalawa.

"O s'ya! Tama na yang kulitan at tayo'y kakain na." si Mommy Andrea.

Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain at walang tigil na kwentuhan at tanungan tungkol kay Marco.

"Alam mo ba kuya Marco simula ng umalis ka ay palagi na yan nag-aayos si Ate." si Allyza

"Ganoon? Kaya pala lalong gumaganda, eh di marami ng manliligaw yan?"

"Sabi mo pa, dami ng pinaiyak 'yang si Alex." Si Andrei nakakatandang kapatid ni Alex.

"Ang mga ito kung pagchismisan ako parang wala ako sa harapan nila." saway ni Alex.

Nagtawanan naman ang lahat.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon