"Rise and shine Prinsesa!" Sigaw ni Jae. Ayoko talagang kasama sa kwarto ang isang 'to. Ang gulo lang niya.
"Shut up jae please" at sumubsob ulit ako sa unan ko.
"Ano ba Az? Where here to celebrate!! Tara na! Kanina pa tayo inaantay for breakfast!" Super hyper ng babaeng ito. Wala akong nagawa tumayo at nagayos na din ako.
Andito kami sa Tagaytay. Celebration daw kasi mas umaayos ang takbo ng negosyo ng mga nanay namin. Andito na din si Tita Jes kaya ganyan kasaya si Jae, close kasi sila hindi tulad namin ni Lea.
''Kamusta tulog niyo kids? Ang sarap talaga ng ambiance dito sa Tagaytay, we should always do it," saad ni Lea.
"Tita, is it possible? Ang busy niyo kaya ni mom." Sagot ni Jae habang punong-puno ang bibig niya ng pagkain. Ako na humihingi ng tawad para sa kanya. Tss.
"Sorry anak. We are doing this all for you guys..but promise if there will be a free time, we will hang out like this," sabi ni Tita Jes.
"We understand mom," nakangiting saad ni Jae.
"By the way, how was school?" Tanong sa amin ni Tita Jes.
"Change topic? We're here to have fun right?" Sabi ni Jae.
Napailing na lang ako.
"I just hope maka-graduate ka on time jaera. Ikaw inaanak, kamusta? May boyfriend ka na ba? Mas gumaganda ka"
"School? Ok lang po. Boyfriend? Wala" ....walang nakakaalam.
"Nako mars, bata pa ang princess ko. Di pa pwede"
"Tita Lea, paano naman magkakaboyfriend yan eh wala naman makalapit dyan," sabat ni Jae.
"You mean princess wala ka pa ding ibang kaibigan? 3rd yr college ka na anak"
"I don't care," matipid na sagot ko.
Napailing na lang sila. Ano pa ba ang aasahan nila sa akin sa pakikipagsocialize? Edi wala.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang sila ay nagkukuwentuhan pa din. Ayos na ako sa pakikinig na lang.
Maglilibot daw sila pero ako ayokong sumama kaya nagpaiwan na lang ako dito sa kwarto. Tinignan ko ang cellphone ko. Wala pa din, tatlong araw na siyang hindi nakikipagusap sa akin. Napagod na nga kaya siya?
"Hoy az ang ganda sa labas nagmumuni muni ka dito sa loob!" Sigaw ni Jae kasabay ng pagpasok niya sa pintuan ng basta basta. Panggulo talaga 'to.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtitig sa cellphone ko.
"Az ano ba, bihira na nga natin makasama ang mga nanay natin tapos ganito pa. Di ka ba naaawa kay Tita Lea? Ang cold mo lagi sakanya. Wala naman siyang ginagawang mali sayo"
Tinitigan ko lang siya.
"Az, loosen up. Magpakasaya ka namin kahit minsan." Seryosong sabi niya.
Hindi pa din ako kumibo.
"Azalea! Ano bang problema mo? Si Andrei ba?"
Napatingin ako sakanya bigla, papaanong?
"Az, alam ko. Sa iisang bahay tayo nakatira, sa iisang school pumapasok. Kilalang kilala kita. At oo, nakikilala ko siya. Ang dami lang tanong sa isip ko pero alam ko naman na ni isa dun wala kang sasagutin kaya di bale na lang."
Tumayo na siya at aalis na, pero pinigilan ko siya...
"Naalala mo pa siya? Bakit hindi ka kaagad nagsalita?" Tanong ko sakanya.
