✿ Chapter One ✿

4.3K 93 24
                                    

Kryz Point of View

Yooohooo! Pasukan na naman~ gustong-gusto ko na talaga pumasok.

Ang saya saya kaya mag-aral.Pero syempre joke lang yun. Namimiss ko na sina Nicole at Bianca. Sila lang naman ang bestfriends ko since 1st year. Dumiretso na ako papasok sa Immaculate University.

Grabe sobrang dami talaga ng tao kapag 1st day ng school. Naglalakad ako ng biglang may kumalabit sa likod ko. "Kryzzz!!! miss na miss na miss kita" sabi ni Nicole "

"Akala mo si Nicole lang na miss ka, ako din noh" sabi ni Bianca

"Kayo talaga! Nagtatalo pa kayo. Akala nyo ba hindi ko kayo na miss. Kayo pa! I miss you super duperrr" sabi ko.

Sabay nila akong hinug. Aww ang sweet! Pagkatapos nila akong hinug ay dumiretso na kami sa classroom.

Buti naman at sama sama kaming magkakaibigan. Habang nag kwekwentuhan kaming tatlo ay may isang lalaking pumasok sa room namin. Promise ang pogi niya talaga! Idedescribe ko siya sa inyo. Medyo singkit, maputi, matangkad siya swear kasi parang 5'8 ata yung height nya at ang astig nung buhok niya kasi light brown para siyang koreano.

"Ohmygod Kryz, tignan mo yung boy na may peach na backpack! Ang gwapo gwapo niya swear!" sabi ni Bianca

"Ngayon niyo lang nakita kuya ko?!" sabi ni Nicole

"KUYA MO SIYA!?" sabay naming tanong ni Bianca

"Yup!Lagi ko kaya siyang binabanggit sa inyo " sabi ni Nicole

"Eh kasi naman hindi mo siya pinapakilala sa amin pero since gwapo siya pakilala mo ako dalii~" sabi ni Bianca.

"Sus Bianca mas gwapo pa rin si Kyle diyan at mas bagay kayo." sabi ko.

"Tama si Kryz. Mas bagay pa kayo ni Kyle." sabi ni Nicole

"Ako na naman trip niyo pero kahit type ko si Mr.Chinito mas bagay sila ni Kryz bwahaha " singit ni Bianca

"Wait! What?! Gwapo nga siya pero hindi ko type eh. Feeling ko may something na ayaw ko sa kanya" sabi ko.

"Nako talaga! Ang pogi kaya ni Mr. Chinito! Bakit sino nga ulit yung gusto mo? Aah si Leo? Sus mas lamang naman ng sampung ligo yan kaysa kay Leo na pinagpapantasyahan mo!" sabi ni Bianca.

"Shhh! Huwag mo ngang paglakasan yang boses mo baka marinig ka ng tropa nun!" sabi ni Nicole kay Bianca

"Atsaka for your information hindi Mr. Chinito ang pangalan ng kuya ko, Joshua Lee po!" sabi ni Nicole "Oh? sabi mo Josh lang pero pangalan pa lang ang pogi na pakinggan" sabi ni Bianca

"Chillax lang ha! May bukas pa!" sabi ko.

May pumasok na teacher sa classroom namin at nagsimula nang magpakilala ang ilan at ako na ang susunod.

"Hi! Ako nga pala si Kryz A. Santiago, 15 years old, mahilig kumanta, kumain at sumayaw." sabi ko.

At pagkatapos ko ay umalis na ako sa harap at umupo na ako sa upuan.

"Hi~ Ako Si Bianca Alcantara,mahilig ako kumain at matulog haha yun lang" sabi ni Bianca

"Ako si Nicole Lee, 15 years old, mahilig mag drawing at kumanta" sabi ni Nicole.

Sumunod na yung mga dati naming classmates tapos turn na ni Mr.Chinito I mean ni Joshua. Tumayo siya at sinabing "Hi, I'm Joshua Lee, you can call me Josh," tapos sabay upo.

Pfft,gwapo sana kaso medyo bad boy ata to. Pagkatapos nun ay may pinagawa na sa amin.

*ring! ring! ring! ring!*

Break time na rin sa wakas.

Dumiretso na kaming tatlo sa canteen. As usual, masikip pa din, siksikan, tulakan sa pila. Buti naman at may baon kaming tatlo kaya hindi na kami magtitiis na pumila. Saktong pag upo namin ay dumaan sa gilid namin si Josh. Infairness, tropa na niya sina Leo at sina Jacob.

"Uy! uy! tignan niyo oh. May gwapong dumaan. Transferee ata yun kasi ngayon ko lang siya nakita. Ano kayang year yun?" sabi nung girl sa likod namin.

"Grabe talaga yung aura ni Josh, biruin mo nababaliw yung mga girls na nasa likod natin dahil sa kanya. Pero di ko pa rin type." sabi ko.

"Kryz, ganito kasi yan, hindi ordinary yung itshura niya dito sa school kasi ibang klase talaga. Kung yung pogi points ni Leo ay pang mayaman, yung kay Josh ay super duper high class!" sabi ni Bianca.

"Hoy manahimik ka nga dyan! Bawasan mo iyang Landi Percent mo sa kuya ko. Hahahaha!" sabi ni Nicole.

"Sige na nga. Maski si Kyle pag papalit ko dun pag niligawan talaga ako ni Joshua.... Joke!" sabi ni Bianca "Ahemm. Medyo over reacting na yan ha. Nakita mo naman kanina diba? Medyo bad boy siya" sabi ko.

"Kryz, tama ka dyan medyo iba yung ugali ni kuya. If ever na maging close kayo ni kuya malalaman mo yung infinite na kayabangan niyan pero sa umpisa lang yun, sweet kaya yang kuya ko. Maniniwala ba kayo na wala pang girlfriend yan since birth?" sabi ni Nicole

"Ohh? Talaga? Paano nangyari yun eh napakarami ng magagandang babae na nababaliw sa kanya pero wala siyang napapasagot?" sabi ko.

"May niligawan si kuya nung 2nd year na siya, ang pangalan nung girl ay Chloe. Maganda naman yung Chloe kaso nga lang yung kinaganda ng itshura niya, ay kinapanget ng ugali niya. Naawa nga ako kay kuya nun eh kasi may binili siyang flowers na binili namin para dun sa girl kaso alam nyo ba yung ginawa nung girl? Tinanggap naman kaso nga lang tinapon sa basurahan... Nalungkot ako para kay Kuya. Pero para sa akin talaga, if ever na niligawan ka niya, huwag mo naman gagawin yung ginawa ni Chloe kay kuya ha, kahit taray tarayan mo na lang. Sanay na siya dun." sabi ni Nicole

"Ohmygosh Kryzzie! Pwede akong maging first girlfriend niya~ pero joke lang syempre yun. Bagay na bagay talaga kayo! Ano kayang pwedeng Couple name niyo?!" sigaw ni Bianca.

Grabe talaga ang sigaw nitong babaeng ito. Lahat ng tao sa canteen nagtinginan sa amin pati na sina Josh.

"Hoy loka loka ka talaga! Hindi lang naman tayo yung tao dito kaya huwag mong lakasan." sabi ko. Pagkatapos kong magsalita ay biglang may tumakip sa mga mata ko.

"Sino ito?" sabi ko.

"Hey! Sino ka?" sabi ko.

"The hell! Sino ba kasi ito?" sabi ko.

"Chillax! It's me Leo Chua." sabi niya

"Ang kulit mo kasi eh!" sabi ko.

By the way kaya kami close ni Leo kasi bestfriend ang turing namin sa isa't isa, iyun ang alam niya pero hindi niya alam na may crush ako sa kanya.

Natapos na rin kaming kumain. Pabalik na kami sa classroom ng biglang

...

...

... Ohmyygosh!

(By the way si Joshua Lee yung nasa gilid ♥)

PLEASE COMMENT, VOTE, FOLLOW AND SHARE

THANKS <3

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon