✿ Chapter Three ✿

2.2K 67 18
                                    

Kinabukasan, maaga akong gumising, hindi ko alam kung bakit. Kaya ayun, nauna akong pumasok sa school. Pagpasok ko sa classroom ay naisipan kong pumunta sa rooftop.

Ang saya palang mapag isa minsan, yung tipong walang bumubulabog sa iyo.

Tapos tinignan ko yung wallet ko. Andun pa din hanggang ngayon yung picture namin ni Leo.

First year days pa yun kaya bata bata pa ang itshura namin dun.

“Aha! crush mo pala si Leo ah! Hindi ko akalaing magkaka crush pala ang mga panget na kagaya mo.” sabi ni... nino pa ba? edi si Mr. Chinito

“Hin-ndi ko siya crush noh!” pautal na sagot ko kay Mr. Mayabang. Dapat hindi niya malaman kasi baka masabi niya kay Leo at maging awkward pa kami.

“Sige, sabi mo eh at Wow ha! Ang lakas naman ng loob mong tumakbo as President. Pero okey lang hindi ka naman mananalo sa akin.” sabi niya.

“Ano bang pakielam mo? Teka bakit ka ba nandito ha?” sabi ko.

“Malamang, nandito ako para mag-aral ng mabuti.” sabi niya with wink effect

“ALAM KO!!! IBIG KONG SABIHIN BAKIT KA NANDITO SA ROOFTOP NG GANITONG KAAGA?” tanong ko.

“Bakit masama ba? Eh gusto ko ee atsaka hindi naman sa iyo itong school. Ano naman ang pinag lalaban mo?” sabi niya.

“Hmppfff. Wala! Makaalis na nga dito!” inis na sabi ko.

Paalis na ako ng bigla niyang hinila ang braso ko at sinabing...

“Panget, pustahan tayo.” sabi niya.

“Bakit naman ako makikipag pustahan sa mga tulad mo.” sabi ko.

“Kung ayaw mo edi sasabihin ko kay Leo na may crush ka sa -” putol na sabi ni Mr. Mayabang

“OO NA! Anong klaseng pustahan ba yan?” sabi ko.

“Pustahang matatalo lang naman kita~” sabi niya.

“Aba, ang yabang mo rin noh! O sige ba, kaya ko yan.” sabi ko.

“Deal na ito ha? Pag natalo ka, susundin mo ang 3 wishes ko.” sabi niya.

“Deal! Pag natalo ka naman?” sabi ko.

“Syempre talo ka pa din. Joke! Tutuparin ko naman ang 3 wishes mo... which is impossibleng mangyari kasi sure na sure akong matatalo ka.”

Pure na mayabang talaga si Mr. Chinito.

“Okay! Okay! Deal! Wait mag pinky promise ka muna.” sabi ko.

“Ano ako bata? No way~”  sabi niya.

“Ohhh, edi wala nang pustahan...” sabi ko.

“Ohhh, edi sasabihin ko kay Leo na crush mo siya” pananakot na sabi niya.

“Hindi ko nga crush yun! Bahala ka nga dyan. Basta tuloy ang deal ha?!” sinabi ko sabay alis.

Bumalik na ako sa classroom ng biglang...

“YAAAA! Saan ka galing ha?” sabi ni Bianca.

“Sa rooftop, bakit?” iyun lang ang sinabi ko. Sabay pumasok si Mr. Mayabang. Kinindatan niya ako. Eww! Tinarayan ko naman siya bilang ganti.

“Don’t tell me? . . . . Kasama mo si Joshua?” sabi ni Bianca.

“Oo . . . pero . . . Ganito kasi iyan. Maaga akong nakarating sa school kanina then pagpasok ko sa classroom ay naisipan kong pumunta sa rooftop . Tapos umupo ako sa gilid then binuksan ko yung wallet ko at nakita ko yung picture namin ni Leo, 1st year pa ata kami nun then nakita nung lokong yun. Inasar asar niya ako tapos parang naiinis ako, kaya aalis na sana ako ng bigla niyang hinila yung braso ko, Eww! Mag pupustahan daw kami.” sabi ko.

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon