✿ Chapter Eleven ✿

1.8K 45 13
                                    

Kryz Point of View

Maaga akong pumunta sa school dahil Announcement na pala ng mananalo ngayon. Sana talaga eh matuloy na ngayon.

"Kryzzie!" pasigaw na sabi ni Nicole dahil malayo layo pa ang distansya namin

"Oh?" ang sabi ko

"Nasaan si Bianca?" ang sabi ni Nicole

"Huh? Diba dapat kasama mo na siya ngayon? Nasaang lupalop na ba yun." ang sabi ko

"Uhmmm. Baka naman absent kasi napagod sa date nila ni Matthew. HAHAHAHA" ang sabi ni Nicole at sabay kaming tumawa

Habang naglalakad kami palabas ng canteen eh may nakita kaming grupo ng mga kababaihan na kumpol kumpol sa gate ng school.

"AAAHH!" sa sobrang kilig nung isang babae eh napatili na lang siya

"MAY TRANSFEREE!" sigaw nung isa pang babae

"Sana lalaki!" ang sabi naman nung babae sa gilid ko

"Tsss, ang ingay naman nila." naaasar na sabi ni Nicole

"Hayaan mo na lang pero sana talaga lalaki." naka ngiting sabi ko

"Ah ganon! Patay ka kay Kuya!" medyo malakas na sabi ni Nicole

"Bakit siya patay sa akin?" may sumabat. Bigla bigla na lang nagsasalita. WAAAH SI MR. CHINITO PALA, NAKAKALOKA.

Ang gwapo naman niya ngayon.

"Echosera ka! Tumabi ka nga at baka ma late kami." nakangiting sabi ko kay Mr. Chinito

"By the way, Good Luck sa pagkatalo mo later." ang sabi ni Josh

Nang dahil sa sinabi niya eh nawala yung charisma ng kagwapuhan niya.

Dumiretso na kami ni Nicole sa classroom at ito na naman ang ayaw ko.

Medyo nagiging awkward na kasi kami ni Joshua. Hindi ko alam pero parang may iba na sa aming dalawa.

Malapit na mag lunch break pero hindi pa din inaannounce yung winners.

Kinakabahan na talaga ako.

Tapos na naman ang klase ko at iniintay ko na lang mag lunch break.

Kaya pumunta na lang muna ako sa likod school kasi maganda yung view dun. Wala pa kasi si Nicole, hindi ko siya mahanap. Biglang tumunog yung cellphone ko.

From: Bianca

Hoy, sorry ha hindi ako makakapasok ngayong umaga. Pero papasok ako mamaya. Anong oras nga pala yung announcing? Sana naman maabutan ko.

To: Kryz

Kaagad ko siyang nireplayan.

To: Bianca

HAHAHAHA. Napagod ka siguro sa date niyo ni Matt no, Baka ata iaanounce yung bago mag uwian kasi hanggang ngayon eh wala pa ding sinasabi. Kinakabahan na ako.

From: Kryz

After ng limang minuto kong pag iintay sa reply niya eh walang nangyari.

"Sino yan? Si Leo?"

"AHH!" ang sabi ko. Gulatin ba naman ako nitong Mr. Mayabang na ito

"Sus, magka school mate lang kayo eh kailangan pa mag text, Tss." ang sabi ni Josh

"Bwiset ka! Huwag mo na uulitin yun ha!" ang sabi ko

"For your information, hindi si Leo ang katext ko." ang sabi ko

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon