✿ Chapter Two ✿

2.5K 67 13
                                    

Nalaglag yung phone ko sa hagdan. Nakakainis na talaga!

Dumiretso na kami papasok sa classroom ng biglang may bumangga sa akin. Itopa ang masama hindi man lang nag sorry.

"The Hell, bulag ka ba?" tanong ko sa kanya pero hindi ko pa rin alam kung sino siya.

"Syempre hindi ako bulag, tanga ka lang talaga!" sabi niya sa akin. Hindi ko pa nakikita yung mukha niya eh parang kilala ko na yung kausap ko. Si Mr Chinito yung mayabang na bumungo sa akin at hindi man lang ako tinulungan, ay ....... Josh Lee pala.

Tumayo na ako at dumiretso sa upuan ko. Tinawag ako ni Bianca mula sa likod at nilingon ko siya. At saktong pagkalingon ko ay si Josh ang una kong nakitang nakatingin sa akin, syempre inirapan ko ng wagas yung mayabang na yun.

*ring, ring, ring*

Tapos na ang breaktime at simula na naman ng lesson. Pumasok na sa classroom namin ung matabang adviser namin na hindi tumitigil kumain kahit tapos na ang breaktime.

"Good Morning class! I'm Mr. Andrei Lim. Ako ang pinaka cute na adviser sa balat ng lupa" sabi niya. Eww kadiri!

"Pero bago ang lahat, aayusin muna natin ang seating arrangement nyo." sabi niya.

Ohhmyy! Huwag sana ako itabi ni Mr. Mataba kay Josh. Ikamamatay ko talaga. Hinding hindi ako matutuwa kapag iyun ang nangyari.

"Ms. Lee, Mr. Chua, Ms. Alcantara, dito kayong tatlo sa harap." sabi niya. Grabe talaga! Magkakatabi sila, napakadaya. At sino naman ang makakatabi ko? Naku sana wag akong itabi sa Mayabang na yun.

"Mr. Lee dito ka umupo, sa likod ni Mark" sabi niya

"Ms. Santiago! dito ka uupo sa tabi ni Mr. Lee"

*BOOM! fireworks! confetti! bomba! granada!*

"Diyan kayo uupo until matapos ang school year" dugtong ni adviser

Ito na nga ba ang sinasabi ko. M-a-k-a-k-a-t-a-b-i ko si Mr. Mayabang for the WHOLE YEAR. The hell! Gusto ko na talaga pumatay ng tao.

"Oh? Nice meeting you Ms. Santiago . . . . ."

"Ayy! ikaw nga pala yung tangang nasubsob kanina!" sabi ni Josh

"Shut up bading!" sabi ko habang nagpipigil ng tawa

Nakakainis talaga bakit siya pa ang nakatabi ko, hindi ko inaasahan yung moment na ito. Worst year,day,minute,second itong pangyayaring ito.

"Tatanga tanga, musta ka na pala? Balita ko bestfriend mo pala yung kapatid ko." tanong niya

Humarap ako sa kanya at hindi ko sinagot ang tanong niya pero inirapan ko siya.

"Tama nga ang balita ko, Mataray ka nga pala sa mga gwapong transferre dito sa school" sabi niya.

"What the hell? Kaninong chismis mo nahagilap iyan?" tanong ko sa kanya

"Kanino pa kundi sa mga katropa ko ngayon!" sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin the whole day kahit tinatawag niya ako para inisin lang. Iyun naman ang trabaho niya eh, mang inis!

Tapos na rin ang klase. Thank you Lord! Tumakbo papunta sa akin si Bianca at Nicole

"Ohhmyygee Kryz! Napaka swerte mo, nakatabi mo si Mr. Chinito." sabi ni Bianca

"Musta naman kayo Kryz? Nag uusap ba kayo ni kuya? Siguro hindi, Sorry sa nangyari kanina ha. Masama lang ata ang mood nun" sabi ni Nicole

Ms. Mataray meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon